We're Partners!

1 1 0
                                    

Your presence is the only reason I could show a true smile... ― Florence Joyce

xxxxxx

[Brent]

"MA'AM, sigurado na po ba talaga kayo na final decision na ang pairings na ginawa n'yo para sa practicum namin? Hindi na po ba puwedeng palitan at pick-your-own-partner na lang?" tanong ko sa PE II instructor namin na si Mrs. Castro. I-announce ba naman kasi nito kaagad ang pairings para sa dance practicum ng klase namin.

Ewan ko lang talaga kung malaki ang galit sa akin ng instructor kong iyon o trip lang nitong mang-asar. Si Relaina ba naman kasi ang napili nito para maging dance partner ko. Hindi ko naman masabi kung talagang minamalas lang ako o tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami ni Relaina.

'Sus! Malas nga ba talaga ang dala sa iyo ni Relaina? O baka naman natatakot ka lang mapalapit nang husto sa kanya?'

Hay naku! Kung puwede ko nga lang bang sipain at suntukin ang bahaging iyon ng isipan ko, tiyak na kanina ko pa nagawa iyon. Aba'y kanina pa ako n'on binabanatan ng mga pang-aasar. Pang-aasar na may bahid ng katotohanang hindi ko nga lang ganoon kadaling i-acknowledge sa sarili ko.

Mag-iisang buwan na rin pala mula nang malaman kong kaklase ko si Relaina sa tatlong subjects kung saan kaklase ko rin si Neilson. At sa hindi ko malamang dahilan, may pakiramdam ako na ang mga subjects na iyon ang gustung-gusto kong pasukan kahit iniirapan lang ako madalas ni Relaina sa tuwing nagsasalubong ang mga paningin at landas namin.

Talk about having weird feelings in my chest every time that amazon girl was involved...

"Brent, ano ba'ng problema ninyo ni Relaina at ganyan na lang ang pagtutol mo na huwag siyang makapareha?" tila naguguluhang tanong ni Ma'am Castro sa akin.

Ma'am naman, pambihira! Ang ganda ng tanong n'yo. Eh obvious na nga ang sagot. Gusto lang yata nitong i-recreate ang World War II sa aming dalawa ni Relaina.

"Ayoko lang namang makapareha ang tulad niyang amasona," maagap na sagot ko kahit na sa totoo lang ay nakadama ako ng excitement – kahit na ayoko – nang malaman kong si Relaina ang magiging dance partner ko. Aba, marunong din naman akong magpakipot kahit papaano.

Hay... Kahit kailan talaga, ang gulo ng takbo ng utak ko.

"At mas lalo namang ayokong makapareha ang tulad niyang manyak!" banat naman ni Relaina na ngayon ay matalim ang tinging ipinupukol sa akkn. Kung talagang nakamamatay lang ang tingin nito, baka noon pa ako bumulagta.

Baka nga double dead pa ang kalabasan ko kapag nagkataong superpowers ang tingin nitong pagkasama-sama.

"Hoy, hindi ako manyak!" depensa ko. Malakas ang sex appeal siguro, pwede pa. Pero hindi manyak.

Tumaas ang kilay nito. "Talaga? So hindi pala pagiging manyak ang paghalik mo sa akin nang basta-basta?"

"Kasalanan mo. Ako pa itong sisisihin mo. Ikaw lang naman itong pa-cute sa atin. Aminin mo na kasi," nakangising tudyo ko sa babaeng ito.

Hindi ko talaga lubusang maintindihan pero parang bahagi na ng araw ko ang asarin ito magmula nang dumating ito sa buhay ko. Pakiramdam ko nga, parang hindi iyon nakukumpleto na hindi ko ginagawa iyon kay Relaina.

"As if! Hoy, Mr. Makapal ang Mukha! Huwag ako nang ako ang binabanatan mo kung ayaw mong ibuhos ko sa iyo ang lahat ng inis ko. And FYI, wala akong kailangang aminin at hindi ako pa-cute. Kung ikaw rin lang ang pakyu-cute-an ko, mas gugustuhin ko pang buruhin ang sarili ko sa kumbento."

"Talaga? Magmamadre ka?" amused na tugon ko. "Sayang naman ang ganda mong iyan kung ibuburo mo lang sa loob ng kumbento. At tiyak na marami ang magkakasala dahil nagkagusto sila sa iyo kapag nagkataong nagmadre ka."

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon