Finding Out The Answer

1 1 0
                                    

You'll find out I'll get to you if it's the last thing that I do... ~ Will Not Back Down, Alex Band

xxxxxx

[Brent]

Malalim na buntong-hininga at isang determinadong tango. Isama mo na rin ang pagkakaroon ng klaro at straightforward na pag-iisip. Iyong wala nang paligoy-ligoy pa. Iyon lang ang kailangan kong gawin para kumalma, magkaroon ng lakas ng loob at ma-accomplish ang dapat kong gawin sa mga sandaling iyon.

Hindi naman madalas mangyari na kabahan ako nang ganito, eh. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. May kailangan akong malaman at hindi ako uuwi hanggang hindi ko nalalaman ang sagot sa katanungang gumugulo sa akin sa mga sandaling iyon.

"Alam mo, 'tol, don't even try ruining Relaina's day any further at baka talagang mawalan na siya ng awa sa pagmumukha mo."

Kulang na lang, patayin ko sa talim ng tingin ko si Neilson. Naku! Kung hindi ko lang talaga ito kakambal... Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong klaseng kapatid? Grabe kung mang-asar, eh.

But calm down. Dapat sanay na ako. Gaya na nga ng sabi ko, kakambal ko ito. Pero saka ko na bibigyan ng atensyon ang taong 'to.

Right now, I needed to focus.

"Sira ulo ka talaga. Tama na iyong ginawa ko kanina sa PE class natin. Besides, hindi naman siya ang pakay ko kaya ako nagkakaganito ngayon. Iyong pinsan niya."

All of a sudden, bigla ako nakaramdam ng pagbaba ng temperatura sa paligid ko. Uh-oh. I guessed I said something quite unappealing to my fraternal twin brother's ears.

"Bago mo maisipang magwala riyan, I only need to ask something to Mayu kaya ko nasabing siya ang pakay ko," agad kong idinagdag. And I thought sapat nang sagot iyon.

Pero naging halata naman ang pagtataka sa expression nito pagkatapos kong sabihin iyon dito. "Huwag mong sabihing... hindi ka pa rin pinapatahimik ng mga naging actions ni Relaina ngayong araw na 'to?"

Kilalang-kilala na nga talaga ako ni Neilson. Alam na alam na nito ang mga bumabagabag sa akin kahit hindi ako magsalita rito.

"The girl had really intrigued me kahit lagi ko siyang inaasar." O, hayan na! Hindi ko na makontrol ang bibig ko.

'Kaasar naman o!

"So in other words, nag-aalala ka talaga?" Umiling-iling lang si Neilson pagkatapos nitong sabihin iyon. "O, siya! Sige na. Ako na ang bahalang magsabi kay Mayu na may kailangan ka sa kanya. Ako na muna ang mag-aaktong bodyguard-slash-chaperone ni Relaina sa pag-uwi nito. Hindi papayag si Mayu na iwan niyang mag-isa si Relaina na ganyang magulo ang utak."

Kunot-noong napatingin ako kay Neilson. Pero bago ko pa masabi rito ang concerns ko, agad na akong iniwan nito doon at pinuntahan na nito sina Mayu at Relaina kung saan nag-uumpisa nang umalis ang mga ito.

Habang pinapanood ko si Relaina sa pagkausap kay Mayu, napansin ko ang obvious na pagtataka ng babaeng iyon kung ibabase ko na rin sa pangungunot ng noo nito. Nang mapadako naman ang tingin ko kay Relaina, ganoon din ang facial expression nito. And when she looked in my direction, which I was half-expecting, a wave of mystery rushed in me when I saw Relaina's blank expression.

Okay, aaminin ko na rin – pero sa sarili ko na lang para walang gulo – na hindi ko na naman maiwasang mag-alala para sa babaeng iyon nang makita ko ang expression ni Relaina na iyon.

Heto na naman tayo, eh. Guguluhin na naman ng babaeng 'to ang nananahimik kong isipan.

'Kailan ba hindi ginulo ng babaeng tinatawag mong amazona ang isipan mo mula nang dumating siya sa buhay mo?'

Kailangan ba talagang laging sumisingit sa pagmumuni-muni ko ang bahaging iyon ng isipan ko na laging nangongontra? Napakamot na lang ako tuloy ng batok ko dahil sa buwisit na iyon. Mas mabuti pang huwag na lang mag-comment para walang pressure at walang gulo.

Napansin ko ang paglapit sa akin ni Mayu, pati na rin ang sabay na pag-alis nina Neilson at Relaina. May sinabi yata ang kakambal ko kay Relaina dahil bago ito tuluyang mawala sa paningin ko, nakita kong nakangiti na ito.

For some reasons, kumalma ako pagkakita ko n'on.

"Ano? Aaminin mo na rin sa akin sa wakas na nagkakagusto ka na sa ever beautiful kong pinsan?" Narinig kong tanong ni Mayu sa akin pagkalapit nito sa tonong tila nanunudyo pa yata.

Isa pa 'tong babaeng ito, eh. Bagay nga talagang magsama ito at si Neilson. Ang tinding mambugaw! At ang lakas ding mang-asar.

"Ang sarap ninyong pag-untugin ni Neilson, sa totoo lang." Napailing na lang ako para ibalik ang utak ko sa focus. Hindi dapat ako malihis ngayon. May misyon pa ako.

Tumawa lang saglit si Mayu. "Ikaw naman, hindi ka na mabiro." At nag-switch sa serious mode ang mukha nito. "So? Ano'ng kailangan mo sa akin at medyo tensed ka? Para kang matataeng ewan diyan sa itsura mo. Chill ka nga muna at huminga ka ng malalim. Baka sakaling makatulong iyon para ma-relax ka."

Walang salitang sinunod ko na lang ang sinabi ni Mayu. So slowly I breathed in... then out.

And thank goodness, it really helped.

"Thanks."

She smiled gently. "Wala iyon."

So for the moment of truth, heto na ako. "This is the reason I called for your attention." At inilabas ko na sa bulsa ang bagay na kanina ko pa hinahawakan.

Nanlaki ang mga mata ni Mayu pagkakita nito roon. "T-that's..."

At ang rason kung bakit ganoon ang reaction ni Mayu? It was because I took out Relaina's cell phone from my pocket. It was the same phone that she threw away earlier that day. Nakita kong itinapon niya iyon. And being the son of a detective, natural na siguro sa akin ang pagkakaroon ng ganitong curiosity. Lalo na sa isang bagay o tao o topic na talaga namang kumuha ng atensyon.

At this point, si Relaina ang isang pinakamalaking misteryo na gusto kong hanapan ng sagot kahit na ano'ng mangyari.

"Now tell me. Sino ang nagmamay-ari ng boses sa nag-iisang voice mail na naka-save dito?" I asked in the gravest tone possible.

Ang problema lang: Sasagutin ba naman kaya ni Mayu ang tanong kong iyon?

But please, Mayu... don't let me down. Ikaw na lang sa ngayon ang makakasagot sa nag-iisang matinding katanungan sa isipan ko ngayon.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon