Temporary Truce

2 1 0
                                    

I simply want to stay this way together with you... ― Yuki No Hana, Nakashima Mika

xxxxxx

[Relaina]

Wala na naman ako sa sarili ko. Pero naka-focus pa rin naman ako so far sa tinatahak kong daan palabas ng campus grounds. Katatapos lang ng practice namin ng ungas kong ka-partner. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na ang ugok na kamoteng iyon ang ka-partner ko sa dance practicum namin sa PE.

Hindi ko alam kung sadyang minamalas lang ako pagdating sa mga gusto kong mangyari o may naglalaro lang talaga sa akin at gusto lang nitong sirain ang utak ko.

Pero laking pasalamat ko na lang talaga at nagawa kong kausapin nang matino si Brent pagdating sa mga gusto kong mangyari sa buong durasyon ng practice namin.

Pambihira naman kasi. Isa't kalahating linggo kaming magsasama ng kamoteng iyon. Kung hindi nga naman talaga ako minamalas nang husto. Kakuntsaba yata ng Diyos ang tadhana para mangyari ang lahat ng iyon sa akin.

Grabeng torture talaga sa bawat araw ko ang mga nangyayaring iyon. Pero no choice na ako. Nagdesisyon na ang instructor namin. I might as well go with it. Thankfully, cooperative naman so far ang ka-partner ko.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas – ang araw na nag-umpisa ang practice namin ni Brent para sa dance practicum nila sa PE...

Buwisit talagang dance practicum iyan, kahit na kailan!

xxxxxx

Nakarating na kami ni Brent sa isang tagong bahagi ng auditorium kung saan iminungkahi nito na doon daw kami mag-practice dahil walang ibang estudyanteng nagtutungo sa lugar na iyon. Palibhasa kasi, pinamumugaran ng kung anu-anong katatakutang kuwento ang bahaging iyon ng auditorium. Pero so far, wala pa naman akong nararamdamang kakaiba roon.

Iyon ay kung mayroon nga ba akong dapat maramdaman sa lugar na iyon.

"At least dito, tahimik at makakapag-practice tayo ng walang istorbo mula sa ibang groups," sabi ni Brent at saka nito inilapag sa kapapagpag na sofa doon ang dala nitong backpack. "Inalagay mo na dito ang bag mo."

Walang salitang sinunod ko na lang ang sinabi nito at inilabas mula sa bag ang isang CD.

"May dala ka bang player na puwede nating magamit?" tanong ko na hindi ito hinaharap. Nakatutok kasi sa listahan ng mga tugtog na nasa CD case ang tingin ko. Kailangang makahanap ako ng magandang kanta para sa practice at para na rin sa practicum.

"Yeah."

Napakagat na lang ako ng labi ko habang pinag-iisipan ko ang dapat gawin. Ano ba naman 'to?

Ngayong nasa iisang lugar kami ni Brent na mukhang malabo talagang puntahan ng kahit sino, hindi ko alam ang dapat maramdaman. Heto nga't nag-uumpisa na namang kumabog nang mabilis ang puso ko. Naturingan nang may ilang metro pa ang distansya naming dalawa ng lalaking kaasaran ko.

Grabe talaga...

Bakit ba kasi ganoon na lang ang nararamdaman ko pagdating sa lalaking ito? Pasalamat na lang talaga ako at hindi pa ito nakakahalata sa dilemma kong iyon. Ibang klase rin siguro ang paraan ko para pagtakpan iyon mula kay Brent.

Pero hindi ko naman ikakaila na lalo lang akong pinahihirapan niyon.

"...kanta ba ang gusto mong gamitin natin?"

Napapitlag na lang ako bigla nang rumehistro na sa isipan ko na may kasama pa nga pala ako. At ang lalaking iniisip ko nang mga sandaling iyon pa ang kasama ko. Naku, 'kakahiya!

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon