Hearts In Frenzy

1 1 0
                                    

My heart beats unlike before when I'm with you... ― Ni Tan Phan Dao (A Tale Of Thousand Stars), Gun Napat

xxxxxx

[Relaina]

And that was the start. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko matatagalan ang set-up na binigay ko para rito. Parang maling ideya pa yata na nag-propose pa ako ng temporary truce. Bigla kasi akong nanibago sa naging trato sa akin ni Brent pagkatapos niyon.

At heto, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil doon.

Teka nga lang, bakit ko pa ba pinagtutuunan ng pansin iyon? Nakuha ko na nga ang gusto kong mangyari, 'di ba?

Nakakausap ko na nang matino ang baliw na kamoteng Brent na iyon. Hindi na ako binabanatan ng pang-aasar nito. At hindi na rin nito sinisira ang araw ko.

And to think dalawang araw pa lang ang nakalilipas pagkatapos ng truce na iyon...

Pambihira naman, o!

Pero bakit parang may mali pa rin para sa akin? Heto't iniisip ko pa lang ang concern at pag-aalagang ipinapakita ng lalaking iyon mula nang magsimula ang truce na iyon, grabe kung makatibok na naman nang mabilis ang puso kong lagi na lang yatang ganoon ang reaksyon basta si Brebt ang issue.

Bakit ba ang gulo-gulo ng takbo ng utak ko pagdating sa buwisit na kamoteng iyon?

And heck! Kailan ba naman hindi naging magulo ang utak ko pagdating sa lalaking iyon? Heto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong makapareha iyon, eh. Pero dahil si Mrs. Castro na ang nagsabi, wala na akong magagawa. Rules were rules so I had no other choice but to abide.

Napahikab ako nang wala sa oras. Ano ba naman 'to? 4 PM pa lang, ah. Huwag mong sabihing maaga akong babagsak nito sa higaan ko mamaya pagdating ko sa bahay?

Buntong-hininga na naman ang naging drama ko pagkatapos kong maisip iyon. Wala na nga yata akong kapagurang bumuntong-hininga, lalo pa ngayong wala pa rin akong masasabing tunay na katahimikan pagdating sa isipan ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, this time medyo mabilis na nga lang. I just felt enthusiastic to walk faster. Mas gumagana ang utak ko nang ganoon sa pag-iisip ng mga logical at karapat-dapat isiping mga bagay.

Pero ang nakakainis lang, bakit pulos ang kamoteng iyon ang napapadaan sa isipan ko? Please lang, tama na! Sapat nang ginugulo na nito ang nananahimik kong utak sa school. Huwag naman nang pati sa daan pag-uwi ay iniisip ko pa rin ang buwisit na mokong na iyon.

"Return to your original focus! Hindi ka dapat nalilihis sa focus mo, Relaina Elysse!"

Great! Nagmumukha na akong tanga roon. Para na akong timang sa pagkausap ko sa sarili ko. Ako yata ang praning, eh.

O, 'ayan! Nalalait ko na tuloy ang sarili ko nang wala sa oras dahil sa kapraningan ko.

Then all of a sudden, I felt something like a hand just grabbed my left arm and pulled me hard. Hindi ko alam ang mga naging kaganapan pagkatapos kong maramdaman iyon. Basta ang sumunod na rumehistro na lang sa isipan ko, isang braso ang nakayakap sa likod ko, may isang kamay sa likod ng ulo ko, nakapikit ako habang ang mukha ko ay nasa dibdib ng taong tiyak na nanghila sa akin.

Hindi lang iyon.

Pati ang puso ko, sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ng taong nakalibre ng yakap sa akin sa mga sandaling iyon. He was breathing hard, too, as if he just ran just to get me and –

Now wait just a freaking minute!

He? As in lalaki?

'Sira! Matibay nga ang dibdib, 'di ba? At siguro naman, obvious na rin doon sa amoy ng nakayakap sa iyo.'

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon