Inside The Pocket

2 1 0
                                    

Somewhere in my heart, I can't throw away hope and end up thinking that someday... Maybe, someday... ― Anata Wo Suki Ni Natte (Falling For You), Fujita Maiko

xxxxxx

[Brent]

5:30 PM, later that day

Iyon ang oras na nakita ko sa relong suot ko. Kauuwi ko lang – or rather, kararating ko lang sa flower farm ng paternal aunt ko na si Tita Marie.

Doon ko naisipang dumiretso pagkatapos naming kumain ng ice cream ni Relaina. Napangiti ako dahil doon. I could say we had fun, kahit muntikan ko na namang sagarin ang pasensiya nito sa pang-aasar ko.

Pero hindi naman pang-aasar ang sabihan itong maganda ito kahit nagagalit na ito o 'di kaya ay nagba-blush na, 'di ba? At saka totoo naman iyon. Pero aaminin ko lang iyon sa sarili ko. Or maybe hindi lang ito sanay makarinig nang ganoon. Heck! Baka nga hindi na nito pinaniniwalaan ang mga ganoong salita.

Nawala agad ang ngiti ko nang may maalala ako. Hayun tuloy, para akong naging lantang gulay na napaupo sa sofa at napabuga pa ako ng hanging pagkalalim-lalim. After that, I took the very thing that reminded me of something from my pocket.

This was really absurd!

How could one cellphone become the holder of all the weird and "nasty" memories that both me and Relaina had?

Okay... Ibang memories ang hawak nito kapag patungkol kay Relaina ang issue. Those memories had something to do with the guy who broke her heart months ago. A broken heart that I never even knew she had. Hindi kasi halata. She was such a headstrong girl even at first glance.

Ako naman, naaalala ko dahil sa cellphone na ito ang naging takbo ng usapan namin ni Mayu noong araw na komprontahin ko ito. It was the day I found out the possible reason why I could see nothing but sadness and pain in Relaina's chocolate brown eyes.

"O, 'sambakol na naman ang pagmumukha mo, Kuya Brent."

Lalong nalukot ang expression ng mukha ko pagkarinig sa sinabing iyon ng isang babae. Actually, paternal cousin ko iyon – si Miette na mas bata pa sa kapatid kong si Carlos at unica hija ni Tita Marie. Her name was pronounced as Mi-yet.

"Mukha ko na naman ang pinupuntirya mo riyan. Nananahimik na nga ako rito, eh."

"Eh iyon na nga iyon. Tahimik ka na nga't lahat, sasabayan mo pa ng lukot na mukha. Daig mo pa ang nalugi ng isang bilyon diyan, eh."

Yeah, right. As if namang may ganoon daw akong kalaking pera. Eh hindi pa nga aabot sa kalahating bilyon ang mamanahin ko sa mga magulang ko kung sakali. Wala pa nga sigurong quarter of a billion iyon.

Namalayan ko na lang na nakikisipat na rin ng tingin sa akin si Miette doon sa cellphone na hawak ko.

"'Di ba ito iyong cellphone ng babaeng pinagbigyan mo ng love-in-a-mist noon?"

Tango lang ang naging sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Actually, ang nakakaalam lang ng tungkol sa ginawa kong iyon ay si Neilson at si Miette dahil ang mga ito ang tumulong sa akin nang mga panahong iyon. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa buwisit na cellphone na ito.

"Wala ka na talagang planong ibalik iyan sa kanya, 'no?"

Napabuntong-hininga ako. "Paano ko naman ibabalik sa kanya ang isang bagay na itinapon na niya?"

"Ano iyon, nag-astang basurero ka lang?"

Napatingin naman ako kay Miette sa paraang hindi makapaniwala pagkarinig ko n'on. Sa totoo lang, ang sarap batukan ng babaeng 'to. Kung hindi lang talaga ito mas bata sa akin...

"Hindi ba puwedeng sabihin mo na lang na umiral ang curiosity ko kaya ko kinuha ang cellphone na 'to sa basurahan?"

"Sus! Nagdahilan pa, palpak naman. Nag-asta ka pa ring basurero and you can't deny that."

Saksakan lang talaga ng kulit ang babaeng 'to, 'no? Mas makulit pa 'to kay Neilson, sa totoo lang.

"Alam mo, pumunta ka na nga lang sa farm at nang hindi mo ako pinepeste ng pangungulit mo," pagtataboy ko kay Miette bago pa ako tuluyang maubusan ng pasensiya sa pinsan kong ito.

"Hindi mo pa kasi diretsuhin sa akin na gusto mo lang magmuni-muni rito kasama ang cellphone ng ini-stalk mo." At ang buwisit kong pinsan, wagas kung makabuntong-hininga. May pailing-iling pang nalalaman. Pero bago ito tuluyang umalis, nakangisi pa talaga itong humarap sa akin. "In fairness, Kuya Brent, maganda siya. And I had this feeling that her beauty even surpassed your criteria. At sa totoo lang, I like her for you. Sabihin mo sa akin kung may plano ka nang i-pursue nang tuluyan ang panliligaw sa kanya. Hindi ako magdadalawang-isip tulungan ka."

After that, Miette finally left the room. Finally, binigyan na rin ako nito ng peaceful and quiet surroundings.

Pero aaminin ko, napangiti ako nang maluwang nang marinig ko ang sinabi nitong iyon. Kahit makulit iyon, isa ito sa mga supporters ko pagdating sa mga gusto kong gawin. And yes, I even admitted the fact na ako nga ang may kagagawan ng love-in-a-mist phenomenon sa CEA building noon. Kakutsaba ko pa ang Engineering Club doon para lang magawa ko iyon.

Oh, and did I need to say na sa akin din nanggaling ang gloxinia flower na naging catalyst lang naman para magkasalubong for the first time ang mga landas namin ni Relaina? But I had to say that its falling was purely accidental. Kasalanan ng mga basagulerong bugok na nag-aabang sa akin. I was supposed to give it to the first pretty lady that he would meet that day at lubusang makakakuha ng atensiyon ko. At kung makatsamba, mas maganda sanang sa isang transferee ko rin maibigay iyon.

But I didn't even expect to land on both – the first pretty girl I would meet and would catch my attention who also happened to be a transferee.

Hanggang sa mga sandaling iyon, pinagtatawanan ko pa rin ang sarili ko kapag naaalala ko talaga ang araw na iyon. Who would've thought na aabot kami sa ganoon ni Relaina after that unexpected crossing of paths.

Muli akong napatingin sa cellphone after that reminiscing. Nang gawin ko iyon, agad na nagbalik sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin ni Mayu three days ago...

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon