Chance To Stop Playing Around

1 1 0
                                    

If only I could tell you what I wish I could convey... ― If Only, Little Mermaid Musical

xxxxxx

[Brent]

"NOW TELL me, sino ang nagmamay-ari ng boses sa nag-iisang voice mail na naka-save dito?" seryosong tanong ko kay Mayu. I even asked it in a tone that should leave her with no choice but to tell me the truth.

Ewan ko lang kung effective iyon sa babaeng 'to.

May ilang sandali ring hindi umimik si Mayu pagkatapos kong itanong iyon. At sa totoo lang, nag-uumpisa nang mangawit ang braso ko sa paghawak ng cellphone na iyon dahil nakalapit pa rin iyon kay Mayu.

Kung puwede lang sigawan ng babaeng 'to, eh baka kanina ko pa ginawa iyon. Ano ba namang klaseng tao kasi iti? Huwag na nga itong magpairal ng suspense effect at baka masakal ko lang ito nang wala sa oras.

"Hoy! Wala ka talagang planong magsalita?" pagulat na tanong ko kay Mayu para lang magising ito. Baka naman kasi nakatulog ito – padilat nga lang. Parang kuwago.

"Meron, 'no? Pinag-iisipan ko lang kung ano ba ang dapat kong sabihin."

Mabuti naman. Ang akala ko, wala na itong planong kausapin ako dahil sa itinanong ko. Pero teka... back to the topic. May sagot akong kailangang malaman sa babaeng 'to, eh.

"Huwag ka nang mag-isip. Sagutin mo na lang ang tanong ko. Simple lang naman iyon, 'di ba?"

Tinaasan naman ako nito ng kilay. "Alam mo, hindi ko alam kung ano'ng topak meron ka't napaka-demanding mo ngayon. Ano ba'ng nakain mo't bigla kang naging interesado sa caller ng pinsan ko?"

Naku po! Patay ako nito. Nag-umpisa na itong mag-interrogate. Hindi ba puwedeng skip muna tayo riyan?

"Ako ang naunang nagtanong sa iyo kaya sagutin mo muna ang simpleng tanong ko." Oo na, makulit na ako kung makulit. Pero hindi ako papayag na maungusan ni Mayu.

At si Mayu, hayun at napabuntong-hininga nang pagkalalim-lalim nang wala sa oras. "Kung para sa iyo, Brent, simple ang tanong na iyon... Siguro nga, simple lang. Pero para sa akin, hindi. Lalo pa't alam kong hindi pa talaga nakaka-recover ang pinsan ko. Simple lang ang tanong mo, pero hindi ganoon kadali para sa akin na ilabas ang sagot, eh."

Natigilan ako sa nakita kong reaction ni Mayu habang ipinapaliwanag nito iyon sa akin. At dahil doon, alam ko nang may pinagdaanan si Relaina na alam ni Mayu. And it was something that was quite painful.

"Pero... sige..." pagpapatuloy ni Mayu na nagpabalik ng concentration ko sa pinag-uusapan namin. "Tutal, napaghahalata namang nagkakainteres ka na sa ever dearest kong pinsan, pagbibigyan kita."

Okay na sana ang tuwa ko sa pagpayag nito, kung hindi lang naunang nag-register sa utak ko ang idinagdag nito.

Ano'ng pinagsasasabi ng babaeng 'to? Nagkakainteres? What the heck!

"O, subukan mong i-deny na nagkakainteres ka sa kanya, isusumbong kitang ini-stalk mo siya."

Aba, ang topaking 'to! Nagawa pa talagang manakot.

"Hindi ko siya ini-stalk. Nag-aalala lang ako sa kanya." There. Hayan tuloy! Nagkaroon pa ako ng 'slip of a tongue'.

But then I guessed mas okay na rin ang ganoon. Si Mayu naman ang kausap ko. Siguro naman, maiintindihan ako nito. Basta sabihin ko lang ang totoo.

"I guess she intrigued you in so many ways, huh?"

Buntong-hininga ang naging tugon ko at saka ako napasandal sa pader na katabi ng bintana. "You have no idea." Napatingin ako kay Mayu. "So?"

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon