Watching your back as you walk away was painful... ― Anata Wo Suki Ni Natte (Falling For You), Fujita Maiko
xxxxxx
[Brent]
KINABUKASAN, hindi ko alam kung masasabi ko mga bang normal pa rin ang takbo ng lahat sa pagitan namin ni Relaina. Then again, normal lang namang matatawag iyon kung nakainisan ko ang babaeng iyon sa subject kung saan kaklase ko ang amasonang iyon.
Pero hindi nagkaroon ng ganoong sitwasyon ngayong araw na 'to. And it went like that from morning until past lunchtime. Hindi lang ako ang nakapuna n'on. Pati na rin si Neilson at ang iba pa naming kaklase na talagang inaabangan ang bawat inisan episode sa pagitan namin ni Relaina.
In fact, she was... civil to me. Or maybe not in the mood to deal with it at all.
Ewan ko ba. Ang gulo! Ang weird.
At hindi ako sanay na ganoon ang nangyayari, aminin ko man o hindi. Oo na, para lang siguro akong batang naghahanap ng atensiyon sa iniisip ko. But this was definitely turning into the weirdest day I could ever had with Relaina so far.
Damn it! Ano ba talaga 'tong nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito dahil lang sa babaeng iyon?
Napahilamos na lang ako ng mukha ko sa pagbabakasakaling mapawi n'on ang 'di-maipaliwanag na inis na nararamdaman ko. What the heck! Pati ang sarili ko, hindi ko na maintindihan. Ano ba'ng ikinaiinis ko?
Inis na napasuklay naman ako ng buhok ko this time. Kasabay n'on ay isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Ang pagpalatak ni Neilson ang narinig ko na nagpabalik ng isipan ko sa realidad. Teka nga lang... Ilang sandali na ba akong wala yata sa sarili ko?
"Wala na talaga. Malala ka na, 'tol," sabi ni Neilson na napapalatak ulit at napailing pa.
Kunot-noong hinarap ko ang kakambal ko. "Ano na nama'ng pinagsasasabi mo riyan, ha? May kung anong saltik na naman yata meron ang utak mo, eh."
"Ako ba talaga ang may saltik ang utak sa ating dalawa? Eh ikaw nga itong parang buntis na tila manganganak na riyan kung makaakto. Sa akin mo pa ipapasa ang kabaliwan mo." At ipinagpatuloy lang nito ang pakikinig sa IPod nito.
May saltik na nga yata talaga sa utak 'tong kakambal ko. Ikinumpara pa talaga ako nito sa manganganak nang buntis. Sa lahat ba naman ng pagkokomparahan ng inaakto ko, sa buntis pa.
Hay... Baka hindi lang ako kay Relaina masisiraan ng bait dito. It looked like Neilson would do everything to make my beloved sanity a short-lived one.
Hanggang sa narinig ako ang pagtunog ng Message Alert tone ng cellphone ko. Wala sa sariling kinuha ko iyon sa bulsa ko. Pero napakunot ako ng noo nang makita ko kung kanino galing ang text message na iyon.
Lalo na nang makita ko ang nilalaman ng nasabing text message.
From: Mayu
Bilisan mo. Gusto mong makilala si Oliver, 'di ba? Nandito siya ngayon sa Oceanside. Pumunta ka sa back entrance ng CEA building. Naroon din ang pinsan ko.
What the hell!
Huwag mong sabihing tinotoo ng Oliver na iyon ang message nito sa voice mail na iniwan nito sa cellphone ni Relaina?
At si Relaina... Did she just accept?
Naman! Magugulo na naman ba ulit ang utak ko nito?
"O, textmates pala kayo ni Mayu, ah. Bakit ngayon ko lang alam?" At ang bugok kong kapatid, inagaw pa sa akin ang cellphone.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...