Frustrations

1 1 0
                                    

You once lived in my heart that I called love and you have left me... ~ Tears Are Falling, WAX

xxxxxx

[Relaina]

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy ako sa paglakad paalis sa lugar kung saan ko iniwan si Oliver.

Damn him! Ang lakas ng loob nitong manggulo na lang sa buhay ko nang ganoon na lang matapos nitong gawing laro ang lahat.

Sa totoo lang, nakakapanghina na ng loob 'tong nangyayari sa akin sa mga sandaling iyon. Kaya nga hanggang sampal lang ang inabot sa akin ng Oliver na iyon imbes na suntok sa mukha gaya ng minsan ko nang nasabi kay Mayu.

Five months... Ganoon katagal na mula nang iwan ko ang buhay ko sa Aurora nang pumayag ako sa gusto ni Papa na dito na ulit kami titira sa Altiera. Pero bakit ganoon?

Hindi ko akalaing nasa puso ko pa rin ang sakit na iniwan ng ginawa ni Oliver noon. Isang mapaklang ngiti na lang ang iginawad ko sa realisasyong iyon. Ang dali lang palang sabihin na naka-move on na ako at tahimik na ang buhay ko. Pero ang totoo, napakahirap patunayan iyon sa madla, lalo na sa sarili ko.

Patuloy lang akong naglakad na tila walang patutunguhan. Parang puso ko rin pala – wala ring tiyak na destinasyon pagkatapos ng lahat.

Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong tinatahak ang direksiyon patungo sa isang lugar na alam kong tahimik at malaya akong makakaiyak. Alam ko rin na walang makakakita sa akin sa lugar na iyon.

Sa ngayon, hinayaan ko na lang ang mga paa kong dalhin ako sa destinasyon ko. Ewan ko ba. Feeling ko, wala na talaga ako sa sarili ko sa mga sandaling iyon. I lost my energy to even do anything at all. Mabuti na lang at wala na akong klase bago ako naisipang puntahan ng ugok na iyon dito sa Oceanside.

Before I knew it, I found myself standing in a room located at the back of the auditorium. Iyon ang lugar kung saan kami nagpa-practice ni Brent para sa dance practicum namin sa PE. Ang sabi nito sa akin, soundproofed daw ang lugar na iyon bukod pa sa pinamumugaran rin ng iba't ibang kuwentong katatakutan na hindi ko naman alam kung totoo ba o hindi.

But at this point, I didn't give a damn care. Iba ang purpose ng lugar na iyon sa akin sa mga sandaling iyon.

I entered the room without hesitation and closed it behind me. Hindi ko na ni-lock iyon dahil wala namang lock iyon. At napatunayan ko na rin na wala talagang ibang taong nagtutungo roon maliban sa amin ni Brent.

Agad kong tinungo ang sofa na naroon dahil gusto ko na talagang maupo. Hinang-hina na ang pakiramdam ko.

[Now playing "Even If" by Jocelyn Enriquez]

**Time, they say, eases the pain

But now I must keep myself apart

From how things used to be

I know I should go on with my life

And leave the world behind

That I have learned to live

I know, I know I have to be strong**

Naalala ko ang kantang iyon na naging LSS ko after Oliver and I broke up five months ago. At mukhang magiging LSS ko na naman yata after that confrontation I had with that jerk.

Pagkaupong-pagkaupo ko sa sofa, nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na pinigilan ang pagtulo ng mga iyon kahit na gusto ko na talagang murahin ang sarili ko. I wasn't supposed to be crying for that hell of a jerk who almost ruined me. Pero wala na. Hindi ko na mapigilan, eh.

The same way I couldn't stop this pain from pouring into my heart.

**Even if my heart should call out your name out in the rain

Even if these arms should want to embrace you once again

And even if I'm all cried out and no longer in pain

I'll never fall in love that way ever again...**

Kalakip ng kantang iyon na tumutugtog sa isipan ko ang isang pangako. Hindi naman sa hindi na ako nagmamahal. I knew I could never do that at all. Sabi nga nila, mahirap pigilan ang puso kapag dumating na ang pagkakataong nag-umpisa na itong magmahal.

Pero ang sa akin lang naman, susubukan kong huwag magmahal na tulad ng pagmamahal na minsan kong ibinigay kay Oliver. Tama na iyong minsan na akong nagpakatanga, naloko at nasaktan. Ayoko nang maulit pa iyon.

**Even if my heart should call out your name out in the rain

Even if these arms should want to embrace you once again

And even if I'm all cried out and no longer in pain

I'll never fall in love that way

No... I'll never fall in love that way ever again...**

I smiled silently but bitterly at the same time. Tama lang siguro ang kantang iyon para sa lahat ng pinagdaanan ko kay Oliver. Tama nang minahal ko ito nang ganoon.

Napayuko na ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Hanggang ang simpleng pag-iyak ay nauwi sa hagulgol.

My gosh! Why do these tears keep falling?

I tried to muffle my cries and sob by covering my face with my hands. Pero sa totoo lang, grabe naman. Sobrang sakit na talaga ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon at ang tindi ko namang umiyak.

"Relaina?"

I froze when I heard a familiar voice called my name. And heck! Why now of all days?

Dagli kong pinahid ang mga luha ko. Kailangang wala itong makita na anumang bakas ng pag-iyak ko, though I doubted makakalusot pa rito ang anumang maisip kong dahilan para lang takasan ang posibleng interogasyon nito.

God, I hated interrogations... especially coming from this guy. Mas malala pa 'tong mag-interrogate sa pulis, eh.

Pag-angat ko ng tingin, hindi na ako nagkamali ng hinala. Si Brent nga ang narinig kong tumawag sa pangalan ko. He was panting as if he just ran to... find me there.

Wait, iyon nga ba talaga? Did he really do that?

"O, n-nandiyan ka na pala. A-ano'ng ginagawa mo rito? Mamaya pang 4 PM ang start ng practice natin, 'di ba?" Pinilit kong magpakakaswal para lang hindi na ito magtangka pang magtanong pero iniiwas ko ang tingin rito.

Sana lang ay makalusot.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon