Tears

2 1 0
                                    

You wiped my tears when I couldn't do anything to stop them from falling... ― Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

Wala akong narinig na kahit anong tugon mula rito. Sa 'di ko malamang rason ay nakaramdam ako ng kaba. Noon ko naisipang tingnan ulit si Brent na sa gulat ko ay nakatayo na pala may humigit-kumulang isang metro na lang ang layo sa akin.

Pero ang kaalamang mataman itong nakatingin sa akin sa distansiyang iyon sa pagitan na naming dalawa ang lalong nagpatindi sa kaba ko. Ano ba naman 'to? Bakit kailangang ganoon pa ang iparamdam sa akin ng pagtitig ng lalaking ito sa akin?

"Uy! Para ka namang tuod diyan," pabirong puna ko rito dahil sa totoo lang, hindi ko na matagalan ang tingin nitong iyon sa akin. "Wala ka man lang planong magsalita?"

But as I looked as him again, hindi ko naman maipaliwanag ang nakikita kong expression sa mukha nito. I thought it was somewhere close to... worry and perhaps even concern.

Wait a minute...

I remembered that he was looking at me the same way noong magsimula ang practice namin. And even the other day.

Pero bakit? Why would he look at me like that? Wala naman na dapat itong pakialam sa akin, 'di ba?

"You don't have to hide those tears from me, you know?"

Ikinabigla ko ang sinabi nitong iyon. Does that mean... he saw me crying?

Napakagat ako ng labi ko. I silently berated myself for being careless. Bakit sa lahat ng taong makakakita sa pag-iyak ko ay iyong tao pang pinakaayokong makakita n'on? Minamalas nga yata talaga ako ngayong araw na 'to.

Una, si Oliver na pinuntahan pa talaga ako sa lugar na iyon para lang kausapin ako. Sumunod naman si Brent na nakakita sa pag-iyak ko.

Ano ba namang klaseng kamalasan 'to?

"Wala naman akong luhang dapat mula itago sa iyo, eh. Nagkataon lang na tapos na akong umiyak pagdating mo." At ngumiti pa ako para lang makahalata ito na ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na iyon.

Hindi nga lang ako sigurado kung makukuha ng kamoteng 'to ang mensaheng gusto kong iparating.

"Is that how you want it to look like? Relaina, magsinungaling ka na sa lahat pero hindi mo maitatago sa akin na nasasaktan ka pa rin. The one person you can never lie to is yourself. And besides, kitang-kita sa mga mata mo kaya hindi mo ako mapagsisinungalingan," seryosong pahayag nito.

Hindi na ako nakaimik doon at sa hindi ko malamang dahilan, biglang naging magulo ang lahat sa isipan ko. Hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong sabihin para lang pasubalian ang mga sinabing iyon ni Brent sa akin.

Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong muling napapaluha.

"Relaina..."

With that one call, I rashly looked up and faced him. "Bakit ba kailangan mong makita ang mga ito? Bakit kailangang makita mo pa akong ganito? Why does it have to be you, of all people?"

I could've shouted those questions at him. Pero ang tanging tinig na nagawa kong gamitin ay iyong uri na puno ng resentment at frustration. Hindi ko magawang sumigaw. Pagod na akong ilabas sa ganoong paraan ang galit ko sa lahat ng mga nangyayari.

Patuloy lang ako sa pag-iyak... hanggang sa namalayan ko na lang na lalo pa palang nakalapit sa akin si Brent. Nalaman ko na lang iyon nang makita ko ang ilang dangkal na distansiya namin. Kasabay n'on ang pagpatong ng mga kamay nito sa balikat ko, dahilan upang mapaangat ako ng tingin dito.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon