Forehead Kiss

2 1 0
                                    

Sometimes, when I'm with you, I find it so strange that I'm smiling... ― Like The First Snow, Kim Jang Hyun

xxxxxx

[Relaina]

"MUKHANG... okay ka na, ah. Kahit papaano."

Napatingin ako kay Mayu habang tinatahak naming dalawa ang ruta namin pauwi. I just smiled at her comment but decided against the fact to tell her what had really happened. Gaya nga ng sabi sa akin ni Brent, whatever happened in that place would stay there for good.

"Mukha ba? At saka... okay lang naman talaga ako, ah."

Hay, naku naman, Relaina Elysse. Buking ka na nga, nakukuha mo pa ring mag-deny.

I saw my cousin rolled her eyes, which means hindi ito naniniwala sa sinabi ko. "Hay, naku! Bolahin mo na ang lahat, huwag lang ako, 'no? Pinsan mo ako and at the same time, best friend mo kaya hindi mo ako mapaglilihiman."

See? I told you. And so I just shook my head.

"I know. Pero okay lang talaga ako. Don't worry so much dahil baka higit pa sa wrinkles ang makuha mo kapag nag-alala ka pa nang husto."

Hindi na umimik si Mayu pagkatapos at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang mga sandaling iyon. Parang... ang gaan ng pakiramdam ko. It was as if... tuluyan nang naglaho ang anumang parang nakadagan sa dibdib ko.

I didn't have any idea about what Brent had actually done when he comforted me at that time besides embracing me. Pero kung ano man iyon, it helped me in a great deal.

It was definitely weird... but in a nice way.

"Uuy... ngingiti-ngiti na siya," narinig kong tudyo ni Mayu, dahilan upang mabaling ang atensiyon ko rito.

"Ano nama'ng masama kung ngingiti-ngiti ako?"

"Wala naman. Pero dahan-dahan lang, ha? Kasi nangmumukha kang timang na ngumingiti ng walang dahilan." At ang bruhildang 'to, taas-baba lang ang kilay nito.

Ito yata ang timang sa aming dalawa at hindi ako, eh.

"Ako nang ako na naman ang pinapansin mo. Nananahimik na nga ako rito, eh." At muli kong ibinalik ang focus ko sa daang tinatahak namin.

Si Mayu naman, natatawa. Well, more like she was giggling for some reasons I didn't really want to know at that point dahil baka kung ano na namang kababalaghan ang tumatakbo sa utak ng babaeng 'yon. Wala muna akong planong malaman iyon.

Nasa park na kami nang kumunot ang noo ko. Was it me or I just heard someone calling my name? Napahinto pa nga ako sa paglalakad para lang masiguro ko kung tama nga ba ang narinig ko.

"O, bakit?" tanong ni Mayu na napahinto na rin sa paglalakad.

"Wala ka bang narinig na tumawag sa akin?" Napalinga-linga na ako sa paligid para lang matiyak kung meron nga bang nilalang na naghahanap sa akin o wala.

Hindi nagtagal ay may napansin akong tumatakbo palapit sa direksiyon namin ni Mayu. There were two figures, actually. It didn't take long for me to figure out who they were.

"Seriously, ano'ng topak meron ang ka-partner mo sa dance practicum at naisipan pa talaga nitong habulin ka hanggang dito?"

Napatingin ako kay Mayu at tinaasan ito ng kilay. "At ako talaga ang tinanong kung ano raw ang topak n'on? Hindi ka rin sira-ulo, 'no?"

"Eh malay ko ba. Madalas naman kayong nagkakausap nitong mga nagdaang araw, 'di ba?"

"It was only for our practice's sake and nothing else," pagdidiin ko.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon