When I look at you, all time stops... ― U, Baekhyun (EXO)
xxxxxx
[Relaina]
IT WAS a Sunday, pero hayun, continuous pa rin ang practice namin ni Brent para sa dance practicum. Ikalimang araw na rin iyon ng truce namin ng ugok na iyon. Limang araw na maraming binago ang truce na iyon sa buhay ko, whether I admit it or not.
Or at least iyon ang pakiramdam ko nitong mga nakalipas na araw. Ayoko nang isa-isahin pa ang mga iyon dahil baka lalo lang akong maloka nang wala sa oras. Wala pa akong planong magpakabaliw at ang dami ko pang gustong gawin na matino ang takbo ng isipan ko.
Naroon kami ng kumag kong ka-partner sa practice place namin – sa room sa loob ng auditorium. Ewan ko ba rito sa buwisit na 'to. Puwede naman kaming mag-practice sa ibang lugar, eh. Pero heto, dito pa rin nito naisipang mag-practice. I admit na tahimik ang lugar at solo rin namin iyon at the same time. But that wasn't supposed to be the point there.
Pero sige... pagbigyan ko na lang ang kumag. Mahirap na kapag tinopak pa 'to. Ayoko pang pakisamahan ang topak nito kapag nagkataon.
At the moment, pine-perfect na lang namin ang dapat naming gawin sa transitions, lalo na kapag kinailangan kong umikot. Nakakahilo iyon, but I had to bear it. Napaungol na lang ako nang maalala kong kailangan ko pa palang magsuot ng dress appropriate for dancing waltz. And heck! Did the girls really have to wear heels?
Sa sobrang buwisit ko dahil sa isyung iyon, hayan! Napakamot pa ako ng ulo ko. 'Kainis naman kasi, eh!
"Hey, dahan-dahan lang ng pagkamot sa ulo. Baka mamaya niyan, makita na kitang kalbo sa kakakamot mo. Maghanap ka na lang ng ibang pag-iinitan at pagbubuntunan ng anumang inis na meron ka," sabi ni Brent habang pinapakialaman nito ang cassette/CD player. And heck lang talaga! Hindi ito nakatingin sa akin pero natatawa naman ito.
Ano 'to, praning lang?
Napakunot ako ng noo nang may maisip ako. Ano naman ang pakialam ko kung tingnan man ako ng mokong na 'to o hindi? At bakit parang naging big deal pa yata para sa akin ang bagay na 'yon?
"Dahan-dahan lang ng tingin sa akin, Relaina. Ayoko pang matunaw kaagad sa klase ng titig mo." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay humarap ito sa akin, complete with his flashy smile and amused stares.
Bigla ay parang naramdaman ako ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko, dahilan upang mapaiwas ako ng tingin kay Allen. Ano ba naman 'to? Did I really have to blush like this? At ano ba ang dapat na ika-blush ko?
Pinilit kong magpakakaswal nang muli ko itong harapin. Wala dapat mahalata ang mokong na ito dahil kung hindi, I'd be dead – for real. "Hindi ka rin hambog, 'no? Akala mo naman kung sino kang kaguwapuhan para sabihin iyan."
"Bakit? Hindi ba?" At ang buwisit, napahalakhak lang.
Now that I'd noticed it, he'd been doing that a lot right after the event with that heck of a guy I would like to call Oliver the Jerk. At hindi ko pa rin nagagawang tanungin ang mokong na 'to tungkol sa yellow tulip na magpahanggang ngayon ay nakalagay sa flower vase sa study table ko.
If only I would've known that the flower would distract me more often than not, I should've thrown it away. But then I also kept on wondering why I couldn't find it in me heart to throw it away.
'Yeah, right. As if namang hindi mo pa alam ang tamang dahilan kung bakit ganoon. Nagde-deny ka pa, eh. No use naman.'
Oh, shut up, brain! Urgh!
"Relaina, what do you think?"
And as sudden as he called my name, bigla-bigla ring na-focus ang atensiyon ko kay Brent... which, of course, I thought was insanely weird.
Hay, naku! Kailan ba nawalan ng ka-weird-uhan ang buhay ko mula nang magsalubong ang landas namin ng kilalang notorious heartbreaker ng Oceanside Rose University?
"Of what?" balik-tanong ko rito.
"Of what song are we going to use para sa dance practicum," sagot nito at walang sabi-sabing naupo sa sofa – at katabi ko pa, ah.
"Hindi ka pa rin ba nakakapili? Akala ko, okay na iyong kantang ginagamit natin sa practice? Teka... Ano na nga ulit ang title n'on?"
Pambihira! Ilang araw ko nang naririnig ang kantang iyon dahil sa practice, ngayon ko lang naisipang tanungin kung ano ang title n'on. Hay... Saan na ba napupunta ang utak ko?
"'What If I Say Goodbye?' by Vince Gill."
Oo nga't title ng kanta ang hinihingi kong sagot mula rito. Pero bakit ganoon ang bigla kong naramdaman? Bakit parang may laman pa yata ang paraan ng pagkakabanggit ng title na iyon?
'Yan tuloy... Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. All of a sudden, parang naging awkward ang pakiramdam ko. Eh wala namang dahilan para makaramdam ako nang ganoon.
Why, oh, why?
"Patingin na nga lang ng listahan mo. Baka may iba ka pang choices diyan."
Pagkasabi ko n'on, walang kaabog-abog na kinuha ko mula sa pagkakahawak ni Brent ang papel na hawak nito.
"Hey, wait! Don't look!"
At ang bruho, nakipag-agawan pa talaga sa akin. Para papel lang, eh.
Siyempre, hindi ako nagpatalo. At saka babasahin ko lang naman 'yong list nito ng kanta, ah. Wala namang masama doon. Pero aminin ko man o hindi, mas malakas pa rin ito sa akin.
"Ano'ng don't look? Pambihira ka naman, o! Gusto ko lang namang makita 'tong listahan mo." Sinusubukan kong ilayo mula rito ang buwisit na papel pero pilit pa rin nitong kinukuha iyon sa akin.
"Ayoko ngang ipakita, eh. Ano ba?"
Itinago ko sa likod ko ang papel. "Eh ano ba kasi ang laman nito at ayaw mong ipakita sa akin, ha?"
"Basta! Sa akin na lang iyon." At nagpatuloy ito sa muling pagtatangka na makuha ang papel sa akin. I just wanted to have a sneak peak of it. Masama ba iyon?
Lalo lang tuloy umiral ang curiosity ko tungkol sa papel na 'yon. Ano ba'ng meron doon at todo sa pag-agaw ang mokong na 'to para lang hindi ko tingnan iyon? Did he write something there that I wasn't even supposed to see at all?
Pero bago ko pa maisip ang sagot sa mga tanong kong iyon, hindi na ako nakahuma sa bilis ng mga sumunod na nangyari. Our simple tug-of-war with a piece of secretive paper ended up in a "slightly" compromising and suggestive situation.
Ano ba 'to? Kailangan talagang mapa-English pa ako rito ng wala sa oras. But that was the easiest way for me to explain it.
Alangan namang sabihin kong dahil sa kapipilit ni Kamoteng Brent na agawin sa akin ang papel na iyon, natumba lang naman kaming dalawa mula sa kinauupuan naming sofa and we both ended up lying on the floor – with HIM on top of ME.
Finally get the picture?
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...