Ice Cream

1 1 0
                                    

Even though our paths were rarely given a chance to cross, I'm still grateful that I came to know you. So when this chance will be over, I'll have something worth remembering in the days to come... ― Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

NATAPOS ang practice namin ni Brent pagkalipas ng mahigit isa pang oras. Binago na rin namin ang kantang gagamitin namin para sa practicum kaya final decision na ang kantang "When Love Finds You".

Pagkatapos ng practice, nagyaya si Brent na mamasyal daw kami for the rest of the day. Ewan ko lang talaga kung ano'ng nakain nito at naisipan pa talaga akong yayain nito. But then, did I even have the right to complain? Wala.

Kaya pinagbigyan ko na.

So there we were at the moment – sa ice cream cart kung saan ako unang dinala, or rather kinaladkad, ni Brent noon. Adik lang yata sa ice cream ang mokong na 'to, eh. Gusto lang akong idamay.

"Mukhang napapalabas na yata ang punta mo rito, Brent, ah. Masyado na bang nag-iinit ang mukha mo at dito mo gustong palamigin iyan?" sabi ni Manong habang iniaabot nito kay Brent ang ice cream na binili ng mokong.

Weird namang magbiro ni Manong. Kailan pa naging pampalamig ng mukha ang ice cream? At ano raw ang sabi nito? Nag-iinit ang mukha?

Like... blushing?

Bigla tuloy akong napatingin sa mukha ni Kamoteng Brent. Hindi ko alam kung maguguluhan ako o matatawa sa nakita ko. It wasn't his face but his ears that had actually turned red.

"Manong naman, eh," sansala nito kay Manong Ice Cream Vendor na natawa lang. "Gusto ko lang talagang magpunta rito at bumili ng ice cream n'yo. Alam n'yo namang bata pa lang ako, favorite ko na ang lasa ng ice cream na gawa n'yo."

Well, hindi nagbibiro si Brent pagdating sa bagay na 'yon. Kahit ako noon, during those times na nakatira pa ako roon noong bata pa ako, madalas din akong bumibili ng ice cream kay Manong. Naaalala ko pa nga na kasama ko pa ang half-brother ko noon para lang makabili ako dahil hindi ako pinapayagan ng Papa ko na lumabas na wala akong kasama.

"Hindi pa rin po pala nagbabago ang lasa ng ice cream n'yo, Manong. Masarap pa rin po," I commented truthfully.

Napangiti si Manong nang maluwang pagkatapos kong sabihin iyon. "Naku! Salamat naman kung ganoon, Yna. Matutuwa ang anak ko kapag narinig niya iyan."

Isa lang si Manong sa mga tumatawag sa akin ng "Yna".

"Yna? Palayaw mo iyon?" kunot-noong tanong sa akin ni Brent.

"Isa lang iyon sa mga palayaw ko. Palibhasa ikaw, ang palayaw mo lang ay heartbreaker, casanova, mayabang, playboy, mapang-asar, bugok, kamote, buwisit, at mokong."

Napangiti naman ako sa pag-ubo-ubo ni Brent na para bang nabilaukan ito. Kahit kailan talaga, ang weird nito. Paano naman daw kaya ito mabibilaukan sa ice cream? Lunok na lang naman ang gagawin doon, ah.

"Mukhang napakapangit ng impression mo kay Brent, Yna," tatawa-tawang komento ni Manong.

"Kung alam n'yo lang po kung gaano kapangit iyon."

Agad na nakahuma si Brent pagkatapos n'on. "Ganoon ba talaga kasama ang image ko sa iyo? At saka magkakilala kayo ni Manong? Kung makapagsalita kayo, parang ang tagal n'yo nang magkakilala."

"To answer your first question, yes. Ganoon ang image mo sa akin and you should've accepted it by now dahil ilan lang sa mga iyon ay nickname mo na sa Oceanside. And as for the answer to your second question, matagal na kaming magkakilala ni Manong. I was born and had lived here in Altiera before we moved to Aurora 9 years ago."

Wow... Napakuwento pa ako nito nang wala sa oras. But since he asked the question properly, I might as well answer it the same way, right?

"Bakit hindi ko man lang yata alam iyon?" nakangusong tanong ni Brent habang kumakain ng ice cream na hawak nito.

To be honest, I thought I was looking at a 5-year-old boy at that moment rather than an 18-year-old dahil sa inaakto nito. Weirdo lang talaga kahit na kailan.

"Napaghahalata lang talaga ang mga hindi lumalabas sa mga lungga nila," sabi ni Manong. "Daig mo pa kasi ang madre kung magtago ka sa hacienda n'yo, eh. Kung hindi ka pa bibili ng ice cream sa akin, hindi ka pa mapapalabas ng ancestral house n'yo."

"Uy! Grabe naman kayo, Manong. Lumalabas din naman ako ng ancestral house. Tumatambay nga lang ako doon sa puno."

Kumunot ang noo ko dahil lang sa salitang "puno" na narinig ko rito. "Puno? Ano namang puno iyon? Puno ng bayabas? Puno ng mangga?"

Napaharap naman sa akin si Brent. "Hindi mo ba alam iyong puno malapit sa sea cliff? Iyong nakatanim doon sa lupang pag-aari rin ng mga Rialande at Delgado?"

Puno malapit sa cliff? Wait nga lang... Iyon ba 'yong punong minsang kumuha ng atensiyon ko?

"Iyon, o! That's the tree I'm talking about." At may itinuro nito sa isang direksiyon.

Sinundan na lang ng mga mata ko ang tinuturo nito. And I was right. It was the tree I saw before. Iyong punong feeling ko ay may kakaiba kahit na sa malayo ko lang iyon nakita.

"Eh bakit doon mo naman naisipang tumambay noong bata ka? Nagkataon pang malapit sa sea cliff," usisa ko kay Brent nang muli ko itong harapin.

"May alamat kasi ang punong iyon, Yna," sagot naman ni Manong. "Iilan nga lang ang nakakaalam ng alamat na iyon dahil nakatanim ang punong iyon sa lupang pag-aari ng mga angkan ng rosas."

"Mga Angkan Ng Rosas" or in English, it was "Rose Clans" – iyan ang taguri sa dalawang pinakamaimpluwensiyang angkan sa Altiera. Rose kasi ang flower emblem ng mga iyon. Peach rose ang flower emblem ng pamilya Delgado habang blue rose naman ang simbolo ng pamilya Rialande.

Kung hindi ako nagkakamali, kabilang sina Brent at Neilson sa mga Rialande dahil na rin sa ina ng mga ito – ang second youngest ng previous generation ng pamilya na si Fate Rialande. Well, Montreal na ang apelyidong gamit ng doktorang ginang hanggang sa mga sandaling iyon.

"Alamat? Pati pala puno ngayon, may alamat na."

"Dahil hindi naman basta-basta alamat iyon, pero hindi pa rin maikakaila na nagiging katawa-tawa iyon sa pandinig ng iba," sagot ni Brent sa tonong parang napakaseryoso yata. Isang tonong sa totoo lang ay hindi ako sanay na marinig mula rito.

Kumunot na lang ang noo ko roon. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ang punong iyon malapit sa bangin ay sinasabing umusbong mula sa isang pangako – pangakong sinambit ng dalawang taong wagas ang pagmamahal sa isa't isa," paliwanag ni Manong.

"You mean... a promise of love?"

Tumango si Brent. "It was actually a 500-year-old legend sa pamilya namin. Patunay daw ang punong iyon na may isang klase ng sinumpaang pag-ibig na higit pa sa walang hanggan."

What? Pag-ibig na isinumpang hihigit pa sa walang hanggan? Eternal love lang talaga ang drama?

But then, I asked myself. Huwag mong sabihing naniniwala si Brent doon?

+++++++++++

A/N: This is the first part of the original chapter title "Legend of the Promise Tree" which is something na magiging basis ng pledge of love na makikita n'yo sa mga susunod na chapters. May malaking papel din ang punong binanggit dito sa magiging progress ng relationship – kung meron man – nina Brent at Relaina. On the next chapter, you'll finally know what the legend was all about.

Read, review/comment, and most of all, vote!

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon