Legend

2 1 0
                                    

At least for now, I want to keep looking at you, making sure you still have the smile that inspires me... ― Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

WELL, if anyone could prove that curiosity kills a cat – literally – then I guessed marami-rami na ring pusa ang namatay. But seriously, that wasn't even the point there.

My real point here was... Paano ako napapayag ni Brent na puntahan ang maalamat na punong iyon? Heck! I didn't even know the name of the giant tree. But I had to be honest that it was a beautiful tree. Parang spring season lang sa buong lugar kapag napupuna ko ang pagiging malago ng punong iyon.

"Ang sabi sa akin ni Mama, more than 500 years old na raw ang punong ito," pagsisimula ni Brent, dahilan upang mapalingon ako rito.

"Paano naman nagkaroon ng ganoong klaseng legend about an eternal love ang punong 'to? Sa itsura pa lang, parang pinamumugaran na ng kung anu-anong multo at lamang-lupa 'to dahil sa sobrang tanda at sobrang lago nito."

Gosh! I even had to make a joke like that – if it was even considered as a joke – para lang matanggal ang kung ano mang pagkailang na nararamdaman ko sa nakikita kong kaseryosohan sa pagmumukha ni Brent.

But to my surprise, he smiled gently that actually made me slightly gape. Come to think of it, had he ever smiled like that to other people? Ilang beses ko nang napansin ang ganitong ngiti nito kapag... ako ang kaharap nito. Kapag may problema ako o 'di kaya'y wala na ako sa mood...

He was smiling the same way at that moment as he simultaneously looked at me and at the tree. Ano kaya ang nasa utak nito at ganito 'to kung makangiti sa akin sa mga sandaling iyon?

"Noong unang panahon daw – or more than 500 years ago, to be specific, may dalawang maliliit na isla malapit lang dito sa bayan ng Altiera. Bawat isla, may maimpluwensiyang pamilya ang namumuno. Hindi naman masasabing magkaaway ang dalawang pamilyang iyon pero bihira lang kung magkaroon sila ng pagkakataong magkita. Hanggang dumating ang 'di-inaasahang pagkakataon na magkakakilala ang dalawang taong galing sa magkaibang isla na iyon at ibigin ang isa't isa," kuwento ni Brent na hindi na tumitingin sa akin.

Bagkus ay nakatingin na ito sa malahiganteng puno. Seriously, what was with this tree for this guy to look at it so intently? Pero ako man, hindi ko rin maide-deny na may kakaiba akong nararamdaman sa punong iyon. It wasn't a bad feeling or even a scary one.

Just... mysterious.

"Dito sila sa lugar kung saan nakatayo ang punong ito madalas magtagpo mula noong unang beses silang magkita't magkakilala. Until their constant meeting blossomed into a love that they knew would even defy death. Like a love that would transcend space and time."

"And drama naman n'on. Huwag mong sabihin sa akin na naging tragic ang ending ng love story nilang dalawa?"

Noon lang ako hinarap ni Brent. "Hindi tulad ng mga usual olden love stories ang kuwento ng dalawang iyon. Ang maganda sa kuwento nila, iyong tungkol sa promise nila sa isa't isa."

"Iyong promise na naging dahilan para umusbong ang punong 'to?"

"Ang sabi kasi sa legend, ang sinumang dalawang taong wagas na nagmamahalan na magtatali ng sacred rope na may pangalan nilang dalawa sa kahit na anong bahagi ng punong ito ay hindi na kailanman maghihiwalay pa. The proof for that – kapag nakita mo ang sacred rope na itinali ninyong dalawa eight years after you both tied it here na hindi pa nasisira ng kahit anong natural causes pa ang nagdaan. Iyon ang ginawa ng dalawang magkasintahang iyon mula nang itanim nila ang punong ito."

Ah... okay. Ganoon naman pala. Pero in fairness, ha? Ang sweet din ng dating ng legend na iyon sa tainga ko. Kaya lang... parang may kulang yata roon sa kuwento.

And heck! Hindi pa sinasagot ni Kamoteng Brent nang maayos ang tanong ko rito tungkol sa naging ending ng love story ng ancient lovers na iyon.

"Nililihis mo naman ang usapan natin, eh. Ano ba talaga ang nangyari roon sa magkasintahan? Nagkatuluyan ba sila o nagkahiwalay?" Oo na. Makulit na ako kung makulit pero curious ako, eh.

"They ended up together in the end kahit may mga tumutol sa relationship nilang dalawa. Pero hindi kasama sa mga tumutol na iyon ang mga pamilya nila. They'd been reunited matapos silang paghiwalayin ng mga taong hindi tanggap na sila ang nagkatuluyan."

After he said that, dire-diretso lang ito ng lakad patungo sa bangin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko iyon.

Ano na naman ba'ng planong kalokohan ng lalaking ito, ha?

"Hoy! Bumalik ka nga rito! Huwag mong maisip-isipang magpatihulog diyan sa bangin a iyaon habang nakaharap ako. Lagot ka talaga sa akin!" 'Ayan! Napasigaw pa ako nang wala sa oras. Huwag lang talaga nitong maiisipang magpatiwakal sa harap ko at hindi ko talaga ito mapapatawad at all.

'Uuyy... Worried siya, ayaw lang aminin.'

Buwisit na utak 'to! Kung bakit ba naman kasi nauso pa ang konsensiya – kung konsensiya nga bang matatawag iyon o dakilang panggulo lang sa nananahimik kong isipan.

Pero ang bugok, hayun at humalakhak lang. Grabe! Ang sarap lang upakan nito, sa totoo lang.

"Wala pa akong planong magpakamatay, 'no? Hindi ko pa nga naipagkakalat ang guwapong lahi ko, eh. Saka ko na maiisipang magpatiwakal, kapag natapos ko nang gawin ang dapat kong gawin," he said with a grin that somehow made me frown and cringe, for some reasons.

"Hambog ka talaga kahit na kailan. Ihulog kita riyan, makita mo," bulong ko na lang sa sarili ko at tinaasan ito ng kilay before I snorted. "Ano ba kasi ang gagawin mo riyan, ha?"

"May gusto lang akong ipakita sa iyo. Come on," yakag nito. At since ayoko nang madagdagan pa ang kakulitan nito, sinunod ko na lang ang gusto nito.

I followed him and stopped near the spot where he stood. And from there, something caught my attention that also made me frown a bit.

"Wait a minute. Are those... stones?"

However, Brent didn't say a thing.

"Stones?" Napatingin ako kay Brent dahil doon. "You seriously wanted to show me these two stones in the middle of the sea?" Okay... not exactly lying in the middle but it was definitely erected somewhere deep.

But... why was he showing me these stones, anyway?

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon