The Real Reason

1 1 0
                                    

No matter the distance that our hearts are feeling now, only the sky can shorten it for us... ~ Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

Hindi ko na talaga alam kung ano ang maiko-consider kong mas mahirap. Ang lapitan ang taong hindi ko kilala para makipagkilala o para magtanong ng mga bagay na posibleng pagmulan ng gulo.

Hay... kung bakit ba naman kasi nauso pa ang curiosity, eh. Heto ako ngayon.

At noong naghagis yata ang Diyos ng curiosity, malaking bahagi yata n'on ang nasalo ko. Urgh! Ano ba namang panggulo sa utak 'to?

Pero kung may dapat siguro akong sisihin dahil sa pag-iral ng curiosity ko sa mga sandaling iyon, iisang tao lang iyon. Did I have to say kung sino? Huwag na! Obvious naman, eh.

So heto ako, naglalakad sa hallway patungong rooftop kung saan tiyak na naroon ang taong pakay ko – ang taong makakapagsabi sa akin ng totoo tungkol sa buwisit na kamoteng panggulo na lang palagi ng isip ko. Pero pansin ko lang, ha? Parang ang tamlay yata ng kilos ko. Hindi naman ako ganito lalo na kapag umaga. Sabihin na nating kaya kong makipagsabayan sa level ng hyperactiveness ni Mayu kapag umaga at nasa mood talaga ako.

So what happened to me?

Hanggang sa napatigil ako ng lakad nang maisip ko ang tanong na iyon. I sighed soon after.

Oo nga pala. Naging matamlay ako dahil kay Brent na sumalubong sa akin sa gate ng campus. He was blank-faced while I stiffened slightly. Ang weird na reaction, 'di ba? Mukhang magiging pahirapan na naman yata ang magiging sitwasyon sa pagitan namin ng ugok na 'yon, ah.

Kung bakit ba naman kasi nalaman-laman ko pa ang totoo.

I continued traversing the path going to the rooftop ng building ng College of Arts dahil nag-aaral ng Fashion Designing ang taong iyon. Mabuti na lang at wala akong klase sa susunod na tatlong oras ng umagang iyon. I just hoped pagbigyan ako ng taong iyon na alamin ang dagdag na katotohanang kailangan ko.

Hindi naman nagtagal at narating ko na rin ang rooftop. Pero sa buong durasyon ng pag-akyat ko papunta roon ay walang tigil sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko sa 'di malamang rason. Great! Bakit ngayon pa ako tinamaan ng nerbiyos?

"Kaya mo 'yan, Relaina... Gamitin mo na drive ang curiosity mo." Ano ba 'yan? Tama bang kausapin ko ang sarili ko at this crucial time?

Para naman akong baliw nito, eh.

I heaved a sigh – heavier this time – as I proceeded to open the door to the rooftop.

Wala akong nakitang kahit na sinong nakatambay malapit sa pintuan pagkabukas ko n'on. What greeted me was the sound of ocean waves tossing to the boulders as the ocean seemingly sparkled because of the light coming from the morning sun. To be honest, it was truly a relaxing sight to see.

I couldn't even help smiling at it. Kung ganito ba naman ang sasalubong sa akin sa bawat araw na magdaan, wala sigurong araw na ganoong magulo ang takbo ng isipan ko. But then, what should I expect? Kahit siguro dagat, hindi magagawang pawiin ang dahilan ng panggulo ng utak ko.

"You must be Relaina."

Lihim akong napapitlag nang marinig ko iyon. Agad akong napalingon sa direksiyong pinagmulan n'on. Sumalubong sa akin ang maamong mukha ng isang magandang babae. Maputi ito – mas maputi pa nga yata sa akin kaya hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting insecurity.

Of course, I thought it was quite weird for me to feel that way. Not to mention, absurd.

Sporting that person's simply elegant outfit which consisted of ruffled blouse, jeans, and doll shoes was a beige summer hat. Naalala ko na ang sumbrerong iyon daw ang trademark ni Vivian kapag nasa labas daw ito ng campus.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon