I wish I could save you from the hurt, but things will never go back to how we were... ― In Another Life, The Veronicas
xxxxxx
[Relaina]
Teka lang! Hindi yata ito kasama sa ikinuwento sa akin ni Mayu, ah. "Paano nangyari... hindi iyon suicide?"
Nakita kong huminga muna ng malalim si Vivian bago muling nagsalita.
"Being born in a family of talented detectives and investigators has its quirks, you know. Sinamantala iyon ni Brent para imbestigahan ang totoong nangyari dahil may duda pa rin si Tito Cedric sa ikinikilos ng anak nito. Tito Cedric found out that Brent was discreetly hunting the girl that caused my twin brother's death. Kaya umuwi si Brent noon na pulos pasa at sugat ay dahil nakipag-away pa siya sa mga lalaking kasama ng babaeng nagkataong girlfriend pala ni Kuya. Pinilit pinaamin ni Brent ang mga lalaking iyon kung nasaan si Carol pero tikom ang bibig ng mga ito. Iyon ay kahit muntik na silang patayin sa bugbog at palo ng kahoy na kalakip ng matinding galit ni Brent."
Sa totoo lang, kahit sa imagination, hindi ko talaga maisip na may dark side palang ganoon si Brent. The Brent I knew was a jerk. Mapang-asar, nakakaloko ang ngiti, palabiro at... may pagka-closet romantic na rin siguro based on my observation.
But never this vengeful.
"Ano'ng nangyari roon sa babae? Nakita ba niya?"
Tumango si Vivian pero hindi na ito nakatingin sa akin kundi sa kawalan na. "He did... after it was finally confirmed na itinulak si Kuya Vanz mula sa rooftop ng building na iyon. Ng walang-hiyang girlfriend ni Kuya!"
Ramdam ko sa tinig nito ang galit na sa palagay ko ay kinimkim pa rin nitong pilit sa dibdib nito.
"What happened next?" I needed to coax Vivian to tell the rest of the story. Iyon lang ang naisip kong paraan para mailabas nito ang galit na kinikimkim nito. Mabuti nang ako na lang ang makakita nito.
"It was summer the next year nang mahanap na ni Brent si Carol. At first, I really thought he would physically hurt her. But we were wrong, dahil mas malala pa pala ang ginawa niyang paraan para gumanti. What he did was to break her heart in the same manner as Carol broke that of my brother's – only with a damage greater than what she had dealt to Kuya Vanz. Brent did it in a way that Carol would actually wish she would just die rather than live without him." Ngumiti nang mapakla si Vivian pagkatapos n'on. "And he succeeded..."
Okay... Now that was seriously too much. Hindi ko alam na ganoon pala kasama si Brent. It was understood kung galit lang ito kaya nito nagawa iyon. But to actually hurt a girl like that?
I just couldn't... believe it...
Ibang-iba talaga ang Brent na nakilala ko sa version ng Brent na ikinukuwento sa akin ni Vivian sa mga sandaling iyon.
"Kaya kung mapapansin mo, lahat ng babaeng dumaan sa buhay ni Brent, pansamantala lang. Past time lang, kumbaga. But the damage he would leave to them was too much. Ang sabi niya sa akin, patuloy niyang gagawin iyon hanggang hindi naiisip ng mga babaeng iyon ang leksyong gusto niyang iparating sa mga ito. That those girls had no right to just randomly choose someone to play with and break their hearts in the end. Sinabi rin niya sa akin na hindi lang ang pag-uutos na bugbugin si Kuya Vanz at ang pagtulak nito sa kapatid ko ang kasalanan ng babaeng iyon. Winasak daw ng babaeng iyon ang puso ni Kuya dahil nagkataon na naging girlfriend daw ni Carol ang kapatid ko as part of a bet. Nagmakaawa raw si Kuya na huwag itong iwan ni Carol but she took no heed of it. She just cruelly laughed at his face that she even called him stupid and pathetic. Not to mention, a fool."
Hanggang sa naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Brent noong naroon kami sa Legendary Promise Tree...
"But seriously, why bring me here? At saka... ilang babae na ba ang nadala mo rito?"
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...