How I wish it's that easy to read the signs in front of me... -- Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
TWO days had passed. Pero ang utak ko, hayun... Nandoon pa rin sa event two days ago. 'Kakaloka lang!
Pambihira naman kasi! Ayaw lang talagang patahimikin ang utak ko ng mga pinagsasasabi sa akin ni Vivian that day. Like, hello? Kailan pa ako naging angel sent from up above na ang misyon ay palayain ang puso ng buwisit na kamoteng Brent na iyon sa galit na patuloy pa rin nitong kinikimkim? Sa ugali kong iyon, malabong ako ang anghel na hinahanap ng mga ito.
Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko... na naman. Sa totoo lang, magmula nang malaman ko ang totoong dahilan kung bakit ganoon si Brent, lalo lang nadagdagan ng dahilan ang nakakaloka kong isipan para patuloy akong guluhin at bulabugin hanggang sa pagtulog. Not to mention, nakakailang beses na rin akong bumubuntong-hininga ng wala namang dahilan.
Naku po! Masisiraan pa yata ako ng bait nito nang wala sa oras, ah. Waah! Ayoko pa!
Kulang na lang talaga, iuntog ko ang ulo ko sa pader para lang matigil 'tong pag-iisip ko sa buwisit na mokong na iyon. I didn't care kung hindi ko na ito nire-refer sa pangalan nito every time that jerk would seriously invade my mind big time like this. It only means ganoon ako kabuwisit na talaga namang nakakawala ng magandang mood.
"Uy, Aina! Hindi ka pa ba mag-aayos? It's almost time for the practicum. Draw lots pa man din ang magiging selection ng queue para sa practicum," sabi ni Mayu na nagpabalik ng isipan ko sa realidad.
It also caused me to let out a groan of frustration. Oo nga pala. Today was the dreaded day.
Ang araw ng dance practicum namin.
Natawa naman si Mayu, dahilan upang tingnan ko ito nang masama. "Ano nama'ng nakakatawa, aber?"
"Ikaw! Grabe ka naman kasing makaungol diyan. Para kang isasalang sa court trial kung maka-react ka, ah."
"Bakit, hindi pa ba court trial na maituturing itong dance practicum na 'to?" And I sighed once more with my head resting sideways on the desk of the armchair. This time, I sighed heavily. "Pero... okay na rin siguro ito. Matatapos na rin sa wakas ang torture ng buhay ko."
But then I thought... Ganoon nga ba talaga ang tawag ko sa lahat ng mga naganap sa aming dalawa ni Brent during the duration of our truce? Mag-e-eleven days na ngayon and this would be the last day. After this dance, back to normal na kami ng ungas kong ka-partner sa sayaw.
Balik-asaran, balik ang clash naming dalawa...
Balik na rin ang namuong distansiya sa pagitan namin... o kung meron mang matatawag na distansiyang nabuo...
"Are you even sure na tatapusin mo na lang iyon nang ganoon na lang? Paano na 'yong mga araw na lumipas na magkasama kayong dalawa?"
Natigilan ako sa tanong na iyon ni Mayu sa akin. Pero sandali lang iyon. As much as possible, ayoko nang ipahalata sa pinsan ko na labis na akong naaapektuhan dahil doon.
Tiningnan ko na lang si Mayu. This time, I couldn't hide the sad smile that crossed my face. Great! Why did I even feel this way? "It was meant to end, anyway. Isa pa, usapan na namin iyon ni Brent. All we had to do was abide with the deal."
"Can't you two even do something to break it?"
Iling lang ang naging tugon ko bago ko kinuha ang bag ko para magtungo sa CR at nang makapagpalit na rin ako.
Pero sa totoo lang, patuloy pa ring umaalingawngaw sa isipan ko ang tanong ni Mayu.
"Can't you two even do something to break it?"
What for? Para lalo lang gumulo ang lahat? Heto nga't patuloy pa ring ginugulo ang utak ko ng pakiusap sa akin ni Vivian. Na kung makakaya ko rin lang naman daw, gawin ko na ang lahat para matulungan si Brent na makalaya na mula sa galit nito. For Pete's sake! Ako lang ba talaga ang dapat na gumawa n'on?
I was sure there were other girls out there who would willingly do it for Vivian.
Pero bakit parang todo naman yata sa pagtanggi ang puso ko na may iba pang babaeng makakagawa sa pakiusap ng babaeng iyon?
"You're the only one who can save him, I know it. Mula nang magsalubong ang landas ninyong dalawa ni Brent at naging balita na sa buong campus ang clash ninyong dalawa, noon ko lang nasiguro ang lahat. Ikaw lang ang makakagawa nito..."
Muli na lang akong napaungol nang maalala ko iyon. Tinanong ko kasi si Vivian nang mga panahong iyon kung bakit nito nasabing ako ang babaeng makakapagligtas nga kay Brent. Wait... Was that even the right word I was looking for?
Never mind. I'd think about that later on.
Eh iyon nga ang nasabi nitong sagot. Pero feeling ko talaga, may kulang pa rin sa sinabi nito, eh. Hindi ko nga lang ma-pinpoint sa ngayon kung ano ba ang kulang.
Pagpasok ko ng comfort room, napansin kong walang katao-tao roon. Ipinagtaka ko iyon dahil sa pagkakaalam ko, break time na for 10 minutes. But then, I guessed I could care less about that. I raised my head and faced the mirror.
There, I saw myself... including the emotions that my eyes were reflecting at the moment.
Hesitation...
Confusion...
Sadness...
Slight determination...
Fear...
Hindi ko pa mapagtuunan ng pansin kung para saan nga ba ang mga nakita kong iyon nang mga sandaling iyon. Pero iisa lang ang alam ko – iisang tao lang ang dahilan ng mga emosyong nakikita ko nang mga sandaling iyon sa mga mata niya.
I shook my head para lang matanggal kahit pansamantala man lang ang mga alalahanin ko. This was the day of the dance practicum... and also the end of the truce. Sa ngayon, ang mga iyon muna ang dapat kong pagtuunan ng pansin.
With that thought, I proceeded to go to one of the available cubicles to change.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romantik【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...