Right now, we're sure that a lot of things had changed between you and me that we'll never be able to avoid anymore... -- Florence Joyce
xxxxxx
[Brent]
SILENCE...
Nakakabinging silence – iyon lang ang naisip ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Naroon lang ako sa labas ng auditorium kung saan kami magpe-perform para sa dance practicum namin sa PE II. Halata naman na siguro kung sino ang inaabangan ko although I had to admit that, until that moment, I still couldn't believe na doon na matatapos ang truce namin.
Hindi ko napigilang mamangiti nang mapakla. Ang weird sa pakiramdam, sa totoo lang. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako, o magtatampo, o masasaktan. Right after the dance practicum, everything would surely end.
"It was meant to end, anyway..."
That amazon girl was truly unbelievable, to the point that she was surely absurd. Kahit na alam kong totoo naman ang sinabi nito, bakit parang ang sakit pa rin sa pakiramdam ng mga salitang iyon? Iyon lang naman ang totoo.
Whether I liked it or not, the truce that Relaina and I had come up and agreed with would end even if I wished otherwise.
Napabuntong-hininga na naman ako. Seriously, this was already the seventh time I sighed like that. Kung sana ay kayang baguhin ng buntong-hininga kong iyon ang lahat.
"Dahan-dahan lang ng buntong-hininga, 'tol. Kung makabuntong-hininga ka, parang hindi mo na magagawa iyan kinabukasan, ah."
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko iyon. Hindi na ako nasorpresa nang makita kong papalapit sa puwesto ko si Neilson.
"Kung puwede nga lang ba, eh..." Grabe! Ano na ba 'tong pinagsasasabi ko?
"Mukhang napag-isipan mo na nang husto ang mga sinabi ko sa iyo, ah," sabi nito. Though in my perception, Neilson said those words in a form of statement.
Ibig sabihin, alam na nito kung ano'ng gumugulo sa isipan ko sa mga sandaling iyon.
"Hindi ko alam, bro. Hindi ko alam kung iyon na nga ba ang sagot na hinahanap ko," nasabi ko na lang sabay hawak sa kung ano mang nakatago sa inner chest pocket ng suot kong amerikana.
Our dance practicum required the use of appropriate costume/attire. Kaya iyon ang suot ko. In any case, sanay na akong magsuot ng formal attire dahil na rin sa mga gathering events na dinadaluhan at inihahanda ng pamilya namin.
Talk about being born in such a rich family...
"Well, sa ngayon ang masasabi ko lang ay take your time. Sa mga nangyari sa inyong dalawa nitong mga nakaraang araw, kailangan mo nga talagang mag-isip nang husto. The answer will come out. Just don't force yourself."
Gusto ko sanang pasubalian ang mga pinagsasabi ng kakambal kong iyon. Pero ano naman ang sasabihin ko? Parang inamin ko na rin na gagawin ko iyon para sabihing tama ito. Isa pa, ano pa bang pag-iisip ang gagawin ko? Heto nga't magulo pa rin ang isipan ko at hindi ko na alam kung paano aayusin ito.
Para naman kasing ganoon lang kadali iyon.
"Pumasok ka na muna sa loob. Kailangan nating bumunot ng queue number para sa sequence ng performance natin mamaya," kapagkuwa'y sabi ni Neilson.
Isang tango lang ang naging tugon ko roon. Pero wala sa kakambal ko ang buong atensiyon ko. Naroon pa rin iyon sa direksiyon kung saan alam kong magpapakita si Relaina mula sa restroom.
"Darating din iyon. Ano ka ba naman? She wouldn't miss this."
Hay, naku! Napaghahalata talagang hindi mo alam ang dilemma na pinagdadaanan ko sa mga sandaling ito, Neilson. But then, it wouldn't change anything even if I said that out loud.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...