Magic Of A Smile

2 1 0
                                    

Things changed one by one, as if all my moments were you... ~ Days We Loved, 12Dal

xxxxxx

[Relaina]

"ALRIGHT, class! Based on your queue number, magpe-perform ang bawat pair sa stage. Kailangang naka-set na dapat ang lahat ng music at mga props—kung meron man—na kakailanganin n'yo para sa performance. One pair at a time lang ang magpe-perform sa stage kahit pa may ilan sa inyo na pareho ang dance style na sasayawin kaya solo ninyo ang buong stage. After all the performances are done, you will be given a chance to grade each pair per dance category and you need to grade the overall best pair. Pero bigyan n'yo sila ng grado base sa performances nila at hindi dahil gusto n'yo lang sila. Ang grades na ibibigay ninyo sa mga best pair ang isang pagbabasehan ko ng magiging grado ng parehang iyon sa exam na ito. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni Ma'am Castro sa buong klase habang tinitingnan kami mula sa stage.

"Yes, ma'am," koro namang pagsagot naming lahat, pati na rin ako.

With that answer, bumaba na si Ma'am Castro mula sa stage at pumuwesto na sa mesang laan para rito sa baba. Napansin kong kanya-kanya na ng prepare ang mga kaklase ko. Pero ako, heto... Parang tuod na hindi makakilos nang matino dahil sa buwisit na kabang nararamdaman ko.

Gaya nga ng sabi ni Kamoteng Brent, wala naman talagang dahilan para makaramdam ako ng kaba. Kaya lang, hindi ko talaga mapigilan, eh. Pero ano ba talaga ang dahilan at nararamdaman ko iyon?

Walang sandaling hindi magkasalikop ang mga palad ko pero wala pa ring nagawa iyon para lang matanggal ang kabang nararamdaman ko. This was seriously getting way crazier, in my opinion. Ang ginawa ko na lang ay bumuntong-hininga, though I still had a feeling that it would be hopeless.

"Kinakabahan ka pa rin?"

Ang tinig na iyon ang nagpatigil sa akin sa ginagawa kong walang kuwentang pagmumuni-muni. Napatingin ako sa taong pinagmulan n'on, which of course, was none other than my heck of a dance partner na si Kamoteng Brent. Oo na, alam kong wala na naman akong magawa kundi ang laitin ang lalaking ito. But I had to get used to doing that once again kung gusto ko talagang bumalik sa normal ang lahat.

"Ano nama'ng inaasahan mo? Magtatatalon ako sa tuwa kasi exam natin?" Hay! Umiral na naman ang masamang tabas ng dila ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Woah! Take it easy! High blood ka yata ngayon. Samantalang kanina lang, para kang 'di matimtimang birhen diyan kung makakilos ka."

Napatingin tuloy ako ng masama rito. Wala talagang ibang gagawin ang mokong na 'to kundi gatungan ang inis ko na hindi ko naman alam kung saan nagmula. Ang sarap lang upakan!

Humalakhak si Brent na agad na nagtanggal ng inis ko. Lihim na lang akong napailing. Wala na. Nag-uumpisa na yatang lumala ang lahat.

"Biro lang. Kailangan lang yatang binibiro kita para lang mabaling ang focus mo sa ibang bagay, eh."

"Ah... So biro pala ang tawag mo roon? Eh kung sapakin kaya kita nang pabiro riyan, ha?"

"Huwag na. Kahit yata pabiro ka pang manapak, delikado pa rin," saad nito na para bang kinilabutan pa.

Hindi ko na napigilang mapangiti nang makita ko iyon.

"Good. You're smiling now. Hindi ka naman na siguro kinakabahan, 'no?"

Agad na naglaho ang ngiti ko pagkarinig n'on. "Ano'ng hindi? Heto nga't nanlalamig pa ang mga kamay ko dahil sa kaba ko, 'no?"

At lalong humigpit ang pagkakasalikop ng mga kamay ko. Ano ba kasi ang puwede kong gawin para lang magawa kong alisin ang buwisit na kabang nanggugulo sa concentration ko? This was so stressful!

Pero bigla akong nanigas nang makita kong may humawak sa kaliwang kamay ko. The warmth I felt from that other hand was already something familiar to me. Madali na lang para sa akin na malaman kung kanino galing iyon.

"Is it okay if I hold your hand like this? I'll try dissipating your nervousness," usisa ni Brent na dahilan upang mapatingin ako rito.

He wasn't looking at me, but the way he held my hand told me that he was still paying attention to me. Waiting for me to respond. Pero ano ba dapat ang maging tugon ko? Heto nga't sa simpleng hawak lang nito, ang dami nang nagugulo sa senses ko.

Lagot na talaga ako nito!

"Just don't let it show to the others," pabulong kong sagot sa bugok kong ka-partner na bigla ay napangiti nang pagkaluwang-luwang at mabilis pa sa alas-kuwatro kung makatango nang matindi.

Hindi ko alam kung may saltik na ba talaga ito sa utak o ano, eh.

But I had to say, his smile did a lot of magic to help me conquer my anxiety.

Pinanood naming dalawa ni Brent ang performance ng mga kaklase namin. Gaya nga ng sabi ni Mrs. Castro, by pair ang performance kaya naman tutok na tutok ang lahat sa bawat parehang naroroon sa stage. There were a total of 20 pairs who was supposed to perform for that day. Hindi pantay ang bilang ng mga babaeng estudyante kaysa sa mga lalaki. Mas marami kasi ang mga boys – 8 boys more than girls.

Si Ma'am Castro na ang nagbigay ng dance task na isasayaw ng mga lalaking walang kaparehang babae. So there were four pairs all consisting of boys. Dalawang pares ang sasayaw ng hip-hop at dalawa naman ang magpe-perform ng contemporary dance (or in a most used term, an interpretative dance).

Hindi ko alam kung maiko-consider ko bang coincidence o talagang sinadya lang, pero ang numerong nabunot ni Brent ay number 8 – ang numerong may napakalaking significance rito. But then again, ano naman ngayon kung iyon nga ang nabunot nito? Pasalamat na lang ako at hindi ang death slot (the number 1) ang nabunot nito.

Natapos na ang pang-number 7 na pair. Naku po! Heto na kami. Ang court trial ko nang araw na iyon.

"Pair number 8, Brent Allen Montreal and Relaina Elysse Avellana. Please proceed to the stage," anunsyo ni Ma'am Castro.

At sa buwisit ko pa, umani pa kami ng walang kupas na kantyaw mula sa mga nakakairita kong mga kaklase. Ang sarap lang pag-uuntugin ang mga ito, sa totoo lang, ah. As in!

"Huwag mo na nga lang silang pansinin. Lalo ka lang kakabahan niyan, eh," ngingiti-ngiting turan ni Brent na hila-hila ang kamay kong kanina pa pala nito hawak.

Ito ang dapat na iniuuntog ko, eh. Paano ba nito nagagawa ang ganoon na para bang hindi man lang ito naaapektuhan sa mga kantyaw ng mga nakakainis kong kaklase? Or... was he really affected? Parang hindi naman.

"Go, BreLaine!"

Bigla ang pagkunot ng noo ko o nang marinig ko iyon. AlLaine? Ano na naman iyon? Agad hinanap ng mga mata ko ang pinagmulan ng kung ano mang ka-weird-uhan iyon. Only to be met with a grin from Neilson.

"Alam mo, mapapatay ko talaga ng wala sa oras ang kakambal mo," agad na sabi ko kay Brent na para bang ayaw na akong tingnan dahil sa... hiya?

As in? Hindi nga?

Napailing din ito kasabay ng 'di-gaanong halata na pagngiwi nito. Yup, he was shy. In fairness lang, hindi iyon bagay dito kahit cute itong tingnan kapag ganoon ito.

"Pabayaan mo na lang. We need to focus." Iyon lang at kinaladkad na ako ng bruhong 'to.

About a minute or two lang ang naging duration ng preparation namin sa stage. Tatlong pair ang nakatokang magpe-perform ng waltz. Pair number 3 and 6 performed it. In other words, kami ni Brent ang last performer ng waltz. At matindi na ang kaba ko.

This was it!

This was definitely the day!

"You're still nervous?" tanong ni Brent sa akin.

I looked at him and smiled the best I could. "Sabi mo nga, pabayaan ko na lang because we need to focus. Iisipin ko na lang na practice ito. Pero wala na dapat tayong mali sa steps."

A few moments later, we readied ourselves. Naka-set na rin ang music namin. All we needed to do was to perform.

"Just like our final practice..." usal nito habang matamang nakatitig sa akin.

Tumango ako na hindi naglalaho ang ngiti sa mga labi ko.

At nag-umpisa nang tumugtog ang musika.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon