Best Pair

1 1 0
                                    

Following this path, following you, I'm wandering... ~ Follow This Road, Kim Yeon Ji

xxxxxx

[Relaina]

AFTER the performance of the 20th pair, natapos na rin ang tila nakaka-tensed na atmosphere sa loob ng auditorium. Hindi pa kami pinayagan ni Ma'am Castro na lumabas at magpalit ng damit dahil ia-announced pa raw nito ang pares na may pinakamataas na marka. Sinabi nito iyon pagkatapos naming magbigay ng grado sa bawat pares, lalo na nang makapamili na kami ng pares na sa tingin namin ay pinakamaganda ang performance. Ni-require iyon ni Ma'am para maging fair daw ang pagpiling gagawin niya sa best pair.

Grabe. May ganitong ganap pa talagang nalalaman si Ma'am. Mukhang nagmamadali rin kung ganitong ayaw niya pa kaming palabasin kaagad pagkatapos ng performances namin.

By the way, I voted for the first pair as the overall best pair for me who did a contemporary piece na ang tema ay siblingship. Naalala ko tuloy ang half-brother ko na naroon sa LA kasama ang lola nito nang makita ko ang performance na iyon.

Kaya heto kami, naghihintay ng resulta pero halatang-halata ang nagli-leak na pakiramdam ng bawat isa. Merong kaba, excitement, hope, walang pakialam (tulad niya), at neutral.

Wow! Mixed feelings lang talaga ang drama namin dito? Then again, dapat inasahan ko na iyon. Kahit sabihin pang PE class lang ito, grabe rin ang pressure na ibinigay nito sa amin.

Nakita kong tumayo si Ma'am Castro mula sa kinauupuan nito at tinungo ang stage. Hanep! Complete with microphone pa talaga si Ma'am. Ano 'yon? For dramatic effect? Or for public announcement na dinig ng lahat ng naroon sa multi-purpose building na kinatatayuan ng auditorium.

Diyos ko po! 'Kakahiya lang! Gusto ko na tuloy maawa sa dalawang pangalang ia-annouce nito sa magiging "Best Performer" – the pair that had received the highest grade.

"Okay, this is the pair with the highest grade received dahil halos lahat yata kayo ay ang dalawang ito ang ibinoto. Hindi ko nga lang alam kung binoto ninyo ba sila dahil gusto n'yo ang performance nila o iyong pairing lang nila ang gusto ng mga ito. But here it is. The best pair performance for our dance practicum is..."

Ma'am naman, eh! Huwag na kayong magpa-suspense effect, o. Nakakairita lang, eh. Masakit kaya sa dibdib na kabahan nang ganito. Though I had to ask myself, dapat ba talaga akong kabahan?

Hay... heto na naman tayo sa mga weird feelings ko, eh.

"...the waltz that Brent and Relaina performed!"

Like... what the heck? Are you kidding me?

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. This was a joke, right?

At si Ma'am, pagkalawak-lawak pa ng ngisi pagkatapos nitong sabihin iyon. Tama, ngisi at hindi ngiti. Kung gaano kalakas ang kantyawan ng mga bugok kong kaklase nang matapos naming mag-perform ni Brent kanina, doble pa n'on ang ang lakas ng kantyaw ng mga ito nang mga sandaling iyon. Honestly, ang sarap upakan ng mga ito. Nang pagkalakas-lakas!

"This is a disaster..." tanging nasabi ko na lang sa sarili ko at napahilamos ako ng mukha ko nang wala sa oras.

Hanggang sa natigilan ako nang may napuna ako. I discreetly looked around the auditorium para hindi ako mahalata. Come to think of it, where was Brent? Parang kasa-kasama lang ito nina Neilson kanina, ah.

Grabe! Nakatakas kaagad. Samantalang ang bilin ni Ma'am Castro, wala munang aalis hanggang hindi pa naia-announce ang grades.

Si Ma'am Castro naman, patuloy pa rin sa pagsasalita sa stage tungkol sa grades ng naging performances ng iba ko pang mga kaklase. Pero wala na roon ang atensiyon ko. Sad to say, wala na rin sa loob ng auditorium iyon.

I exhaled. Ano na ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganoon dahil lang wala ang kamoteng iyon sa paligid?

"Looking for someone?"

Napapitlag ako nang marinig iyon. Agad akong napalingon sa direksiyong pinagmulan n'on. I saw Mayu smiling at me as she approached me.

Did my cousin notice?

Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagkibit-balikat. Saka ko pinagtuunan ng pansin ang bag ko na pinaglagyan ng mga damit na suot ko kanina pagpasok sa school.

"Tumakas na siya kanina pa. Bago pa in-announce ni Ma'am Castro ang best pair. He said he needed to breathe some fresh air and also to think things through. Mukhang may pinagdadaanan ang dance partner mo, ah." And then she cleared her throat. "Here. He wanted you to have this," sabi ni Mayu na nagpatigil sa akin sa ginagawa ko.

I raised my head and saw a rectangular lavender box being handed to me. Parang alam ko na kung kanino nanggaling iyon. And Mayu said 'he', right?

Dahan-dahan pa akong kumilos para lang kunin iyon dito, as if hesitating. Pero ano ba ang dapat kong ipag-alangan?

"Ba't hindi mo pa kunin? It won't bite, you know."

Kunot-noong napatingin ako kay Mayu na ngingiti-ngiti pa. "Sira! Hindi iyon ang iniisip ko, 'no? Napag-utusan ka na naman ng sira-ulong iyon." Sa buwisit ko pa, pahablot ko na lang na kinuha ang box na iyon kay Mayu.

"Minsan lang akong utusan ng lalaking iyon, 'no? At saka, sanay na ako mula nang magkrus ang landas ninyong dalawa."

Muli ay natigilan ako nang mapansin ko ang pamilyar na handwriting sa ibabaw ng box.

It contained a question, though, na ikinakunot naman nang husto ng noo ko nang mabasa ko iyon.

'Can you grant me this?'

Grant him what? Ano na naman kayang pakulo ang naiisip ng kamoteng ito at may kung ano na namang ibinibigay sa akin ito?

"O, lukot na naman 'yang noo mo. Is there something wrong?" narinig kong tanong ni Mayu na ikinabuntong-hininga ko na lang.

Hindi ko naman kasi alam ang isasagot sa tanong nito, eh. Was there even anything wrong in the first place?

"Okay lang ako. Binigyan na naman kasi ako ng sira-ulong iyon ng dahilan para mag-isip ng kung anu-ano. Then again, ano ba'ng bago roon?"

"But I don't think he meant anything bad for giving you this, though. Why don't you go out para makapag-isip ka rin nang maayos? Mukhang iba rin ang naging epekto ng dance practicum na 'to sa 'yo, eh."

Bumuntong-hininga na lang ako. Wala na akong nagawa kundi sundin ang suhestiyon ni Mayu sa akin. Mukha ngang mas makakabuti sa akin ang maglakad para makapag-isip nang maayos. Let us just hope na makatulong nga iyon sa akin kahit papaano.

Ang hirap mag-isip nang mag-isip, lalo na kung ang lalaking iyon ang magiging dahilan ng pag-iisip ko.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon