Every time I can, I think of you. You keep growing. I'm smiling because of you. All day, I can only see you... -- I Can Only See You, Red Velvet's Wendy and Seulgi
xxxxxx
[Brent]
PAGKAHIGANG-PAGKAHIGA ko sa damuhan ay isang malalim na buntong-hininga ang naging tugon ko. I'd been doing a lot of that lately pero hindi ko na ipinagtataka kung bakit. Magulo ang takbo ng utak ko, iyon lang iyon. As in sobrang gulo, hindi ko na alam kung paano ko pa magagawang ayusin iyon.
Naroon ako sa tagong parte ng seaside park na malapit lang sa Oceanside dahil katatapos lang ng PE II subject namin – and thank goodness that the dreaded dance practicum was finally over. Ang parkeng iyon ang sanctuary ko, lalo na kapag samu't saring isipin ang bumabagabag sa akin at kailangan ko talaga ng isang tahimik na lugar para mag-isip.
Habang ginagawa ko iyon, I couldn't help it pero bigla ay napangiti ako nang maalala ko si Relaina.
Halatang nagulat ito nang sabihin ni Mrs. Castro sa amin na kami ni Relaina ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa dance practicum naming iyon. Aaminin ko, ako man ay nagulat din pero may palagay na ako kung bakit ganoon ang nangyari.
Talagang pinaghandaan namin ni Relaina ang dance practicum. Somehow, we came up with a temporary truce – as she suggested, much to his disappointment – so we could do the practicum right. Is-in-et aside muna namin ang bangayan namin nito. Iyon lang naman ang paraan para magawa namin iyon. May isa't kalahating linggo lang kami noon para mag-practice kaya naman talagang kinarir namin ang pag-eensayo – without even knowing that the past one and a half week would seriously change a lot between me and her.
Hindi lang kami ni Relaina ang pares na dapat magpe-perform ng waltz pero minabuti na lang naming hindi mag-practice kasabay ng ibang mga pareha. To be honest, I was glad about that dahil solo ko ang panahon at atensiyon ni Relaina kahit panandalian lang even though she was oddly civil to me.
That week and a half made me see things in a new light. Holding Relaina gently in my arms like that while we were dancing gracefully together felt so right. Hindi ko id-in-eny iyon kahit sa sarili ko. I even wished I could hold her like that forever. Pero dahil yata sa pang-aasar ko rito at sa sukdulan hanggang langit na inis nito sa akin, mukhang malabong matupad ang wish ko na iyon. Besides, the truce was over.
Iyon lang ang isang bagay na magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap... at hindi ko na naman alam kung bakit. Nakakainis!
Pero wala sa bokabularyo ng isang Brent Allen Rialande-Montreal ang agad panghinaan ng loob. In fact, I was up to that challenge laid out in front of me.
Relaina was the challenge I wouldn't give up dealing with.
Ang dance practicum na iyon ang unang pagkakataon na nakita ko si Relaina na nakasuot ng gown dahil required ang costume. Kahit simple lang ang pagkakayari niyon – maging ang itsura nito na walang bahid ng anumang kolorete sa mukha nito – ay talagang bumagay iyon dito. Napatanga talaga ako – mabuti na lang at hindi napansin iyon ni Relaina – nang makita ko ito na ganoon ang ayos.
Mabuti na lang at tinulungan ako ni Mayu na huwag ipahalata iyon dito at sa mga kaklase namin. Nakakahiya kaya kapag nangyari iyon. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga ito kapag nagkataon. Hindi ko na lang pinansin ang mga pasimpleng kantyaw nina Neilson at Mayu sa amin habang nagsasayaw kami ni Relaina sa harap ng klase.
But even though we didn't talk, it didn't bother me. In fact, the silence between us was calming. The music just made it feel so wonderful. I couldn't understand why but that was what I exactly felt while dancing with Relaina.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...