When The Truce Ends

1 1 0
                                    

The more I duck away, the more I avoid you, it's like the more I see you... -- Ying Bpadtiset Ying Ruk Tur (The More I Resist, The More I Love You), Mook Worranit

xxxxxx

[Relaina]

URGH! Another hell week! Project dito, exam doon, activities diyan...

Hay... Ang hassle na naman ng buhay naming mga estudyante ng Oceanside. Palibhasa, last week of the school year at didiretso na sa susunod na school year. Kaya hayun, ang tindi lang ng kalbaryo ng mga utak naming lahat – mapa-estudyante man o professors.

Pero para sa akin, heto... Tiyaga-tiyaga lang ang nagiging drama ko. Kailangan, eh. May scholarship na mine-maintain kaya kahit sobrang sakit na sa ulo, kailangang mag-effort nang husto. Mahirap nang bumagsak.

Sa totoo lang, kahit hell week, bilib din ako sa mga tsismosang estudyante sa school. Nakakaloka lang! Hanggang ngayon ba naman kasi, hindi pa rin maka-get over ang mga kumag sa mga kaganapan sa auditorium. Wala pang isang linggo, hayun at kalat na sa buong university ang nangyari sa nerve-wrecking na dance practicum na iyon.

Kagaya na lang nang mga sandaling iyon.

Kahit saan yata ako magsuot, may makikita akog parang maiihi pa yata sa vocal na pagsasabi kung gaano daw kinilig ang mga ito sa performance namin ni Kamoteng Brent. May makikita rin ako na kulang na lang, maging patalim at nagre-release ng laser beam ang mga mata ng mga babaeng madaraanan ko. If I knew, inggit lang ang mga ito. Eeww!

Which was totally making me crazy!

Hay... Masamang hangin lang 'to na kailangan kong ilabas sa sistema ko. Kaya heto!

Inhale...

Exhale...

'Yan! Okay na.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad papunta sa classroom kung saan naroon ang first class ko. As usual, Trigonometry. Kung boring sigurong magturo ang professor namin sa subject na iyon, naku! Good luck na lang talaga sa kalalabasan ng grade ko.

Kumunot ang noo ko nang makita kong kumakaway sa direksiyon ko si Mayu. Ang bruha, ang lawak pa ng ngiti. Ano kaya'ng meron?

"Hoy! Dahan-dahan lang ng ngiti. Baka mapunit pa ng wala sa oras ang mukha mo," salubong ko rito na natawa na lang. Mabuti na lang at hindi napikon.

"Paano naman daw kasi ako hindi ngingiti eh ang ganda kaya ng simula ng araw ko."

"Napansin ko nga," bulong ko na lang at napailing sa obvious na kinikilig na attitude na ipinapakita nito sa harap ko sa mga sandaling iyon.

But then, ang weird lang, ah. "Wala ka talagang planong papasukin ako sa classroom, 'no?" Ang ganda kasi ng harap ng bruha kong pinsan sa pintuan, eh. Ang sarap tuloy itulak, sa totoo lang.

"Hindi ka ba pupunta sa Christmas Ball sa susunod na linggo?" Iyon ang agad na tanong ni Mayu sa akin nang sa wakas ay naisipan na rin ako nitong padaanin at tuluyan na akong nakapasok sa classroom. Pagkunot ng noo ang una kong naging tugon dito nang harapin ko ito.

"Christmas Ball? Seryoso lang? Meron iyon dito?"

"Well, hindi lang naman Valentine's Day ang may ball na para sa mga couples, 'di ba?"

"Malay ko ba. Alam mo namang hindi ako updated pagdating sa mga school affairs dito." Dire-diretso kong tinungo ang assigned seat ko. "And besides, wala rin naman akong planong pumunta kung para rin lang sa couples ang ball na iyan."

Napailing lang ang bruha. "Hay... Umiral na naman ang pagiging bitter mo. Dahil ba hindi mo pa rin matanggap na balik na kayo ni Brent sa dati?"

Doon ako lihim na natigilan. The name that my cousin mentioned had stirred something in me... which was something I completely hated for real. Pero walang katotohanan ang mga sinabi ng pinsan ko. In fact, I was glad na balik na nga sa normal ang lahat.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon