Fighting for a future we're not aware of can be tiring. But I'll do it if that's the only way to make sure I won't lose you... ~ Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
SA PAGKAKAALAM ko, hindi naman ganoon kalayo ang nilakad ko. Pero bakit parang milya-milya yata ang nilakad ko para maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko?
Great! Just great!
Why in the world did I have to feel this again?
"Relaina, okay ka lang ba?"
Napatingin ako kay Oliver na siyang nagtanong n'on sa akin. Tumango na lang ako.
"Kanina ka pa kasi parang wala sa sarili mo, eh. I couldn't help noticing."
Pilit na ngiti ang nakaya kong ipakita rito. "I'm okay. Medyo hassle lang kasi sa school kanina." Lalo na at ang buwisit na Kamoteng Brent na iyon na naman ang may kasalanan.
Grabe! Nakakainis lang talaga.
"I have to apologize to you, Relaina... for everything," pagsisimula ni Oliver.
Tuluyan na nitong nakuha ang atensiyon ko. He wasn't looking at me. Nakatingala lang ito sa langit. He had that melancholic look on his face, truly emphasized by the red orange color of the setting sun coming from the seaside.
"You know that... just an apology won't actually fix what you've broken. You left me hanging... and totally broken when you ended everything between us that time..." Muli ay naramdaman ko ang pagsigid ng sakit sa dibdib ko nang maalala ko ang mga pangyayari ng mga panahong iyon.
"I know. Alam kong matinding sakit ng kalooban ang ibinigay ko sa iyo noon. Hindi ko naman hinihiling na patawarin mo ako agad-agad, eh. Gusto ko lang talagang mag-sorry... at magpaliwanag na rin. Like you said, I left you hanging. But I did those things for a deeper reason, Relaina," Oliver said in a grave tone.
Okay... What the hell was going on?
"Kailangan kitang protektahan, Relaina, kaya ko nagawa iyon."
Kunot-noong napatingin ako kay Oliver. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Si Rachel Sandoval... Siya ang dahilan kung bakit pati ang sarili kong kaligayahan, nagawa kong pakawalan para lang maprotektahan kita."
Rachel Sandoval...
Wait a minute! Parang pamilyar yata ang pangalang iyon, ah. Teka... Saan ko na nga ba narinig iyon?
Sheesh! Bakit hindi ko maalala?
"Naging girlfriend siya ng kapatid mo. Pero panandalian nga lang dahil nga sa lahat ng ayaw ng Kuya mo sa isang babae ay iyong clingy."
And it hit me!
That's right! Rachel Sandoval was Kuya Evon's ex-girlfriend!
"Don't tell me iyon ang rason kung bakit nadamay tayo?" tanong ko rito nang may maisip ako. Posible kayang gumaganti si Rachel?
"Isa lang iyon sa mga rason, Relaina. Totoo, gusto niyang gantihan si Kuya Evon pero hindi na niya mahanap kung nasaan ito. His current location was kept a secret. Recently lang naman niya nalaman ang relationship mo kay Kuya Evon. I played a different role to her, though."
"A different role?"
Tumango si Oliver. "Are you familiar with the Vanz Esguerra murder case?"
Vanz Esguerra... Murder case...
Wait! "Si Vanz na kapatid ni Vivian Esguerra ba ang tinutukoy mo?"
"You know her?"
Ako naman ngayon ang tumango. "Pero bakit mo ako tinatanong sa kasong 'yon? Huwag mong sabihing involved din si Rachel doon? As far as I know, sina Vanz at... Brent lang ang nakakaalam n'on. Ano'ng kinalaman mo sa isyung iyon?"
"Malaki, Relaina. I gave the investigators a breakthrough with that case. Ako ang witness sa pagkamatay ni Vanz. Pero hindi alam ni Carol o ni Brent Montreal ang tungkol sa bagay na iyon. Pag-aari ng pamilya namin ang abandoned building kung saan napatay si Vanz. Nagkataon na nagtatago ako roon nang maganap ang lahat," paliwanag ni Oliver.
"But I know that the case doesn't connect to Rachel Sandoval at all."
"Iyon din ang alam ko noong una. I managed to locate Carol's hideout after the incident. It so happened na nalaman ko ring pinapaimbestigahan pala ni Brent Montreal ang babaeng iyon. Sa pag-iimbestiga nila, nalaman din ang totoo na pinatay si Vanz at hindi nagpakamatay. Dahil hindi na rin ako pinatahimik ng mga pangyayaring iyon, I decided to tell the truth... pati na rin ang lokasyon ni Carol. After that, wala na akong balita kay Carol. That is, until—"
"Until the news came out that she killed herself..." pagpapatuloy ko sa gustong sabihin ni Oliver about the said case. "Are Rachel and Carol related to each other?"
Iyon lang ang naisip kong posibleng connection ng dalawang babaeng iyon para madamay kami pareho ni Oliver sa gulong ito.
"They're definitely related, Relaina. They're sisters," Oliver revealed in a grave tone that made my heart stop beating for a few moments. "And Rachel threatened me that she would hurt you if I didn't break up with you. Iyong mga lalaking nagtangkang gumahasa sa iyo, mga tauhan iyon ni Rachel. The moment I broke up with you, she inflicted to you the same pain and heartache she received from your brother. As for me, my actions made me live in pain because I hurt you without even telling you any reason at all. iyon ang gustong mangyari ni Rachel since it was the same pain that Carol received from Brent. Isa pa, ako ang dahilan kung bakit natunton ni Brent si Carol. Idadamay ni Rachel ang lahat ng taong involved sa akin kaya ko nagawang iwan ka't saktan para lang maprotektahan ko silang lahat."
Heto na... Magulo na ang takbo ng utak ko.
Should I say that this was a serious information overload? Definitely.
Pero sa wakas, naliwanagan na rin ako sa totoong dahilan ng break-up namin ni Oliver. Kaya lang, hindi pa rin talaga ako makapaniwala. And a sudden thought hit me!
What if...?
"So there's a possibility na madamay din si Brent sa galit ni Rachel?"
Oliver shook his head. "I'm not sure. Pero kung may plano man siyang gawin iyon, baka hindi pa ngayon. Hindi man halata pero mahigpit ang pagbabantay sa bawat miyembro ng pamilya Rialande at pati na rin sa mga Delgado. Lalong-lalo na ang mga current generation. Rachel could possibly be doing all that she can to make her plans a success na hindi matutunton ng mga pulis o ng sinumang mga agents sa Twin Blades Agency."
Oh, no!
"So I'm making a request to you now."
"A request?" kunot-noong usisa ko. He couldn't possibly be requesting about...?
"Huwag kang aalis sa tabi ni Brent, Relaina. Right now, ikaw pa lang ang pinagsabihan ko ng tungkol dito. And Brent had been keeping an eye on you since the day you two started here. We had to do what we can to protect him at all cost from Rachel."
What the heck? Are you freaking kidding me, Oliver? Gusto mo ba talaga akong masiraan ng bait nang wala sa oras, ha?
I could've shouted those words at him. Seriously!
Ano'ng gulo na naman 'tong pinapapasok nito sa kanya ngayon?
Waah! This was totally torture! I hated this!
"Can you do it, Relaina?"
To be honest... I don't know.
Could I really do it?
xxxxxx
A/N: Hay... Palagi na lang si Relaina ang napag-uutusan. Haha!

BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...