Make It A Night To Remember

1 1 0
                                    

When I clash against reality, you become my path... ~ You Are, GOT7

xxxxxx

[Relaina]

NAKU PO, heto na naman. Buntong-hininga na naman ang drama ko. Wala na yata akong kasawaang bumuntong-hininga. But hey, it proved that I was still alive, right?

Wrong.

Pinatunayan lang n'on na wala na talaga akong makitang maganda sa paligid ko. Paano ba naman kasi? Lahat na lang ng makikita ko sa school, pulos Christmas Ball ang topic. Nakakaloka lang, as in!

Oo na. Umiiral na naman ang pagiging bitter whatsoever ko. Eh sa hindi ko mapigilan. Ano'ng magagawa ko?

And no matter how useless I would deem this event, no choice ako. Kailangan kong um-attend. Ginawang compulsory ni Mayu iyon para sa akin. In other words, napapilit ako nito sa tulong ng mga magulang kong mas excited pa yata kaysa sa akin. I could've rolled my eyes at that, but I couldn't – not in front of them.

Hay... Mukhang darating ang Pasko na magulong-magulo ang utak ko, ah.

Iyon ang nasa isipan ko habang tinitingnan ko ang paghampas ng alon sa mga bato at pati na rin sa dalampasigan mula sa cove. Ang gusto ko sana, sa Promise Tree ako magpupunta pagkatapos ng Misa de Gallo. Pero baka hindi ako payagan ni Manong Guard na nakabantay sa entrance ng hacienda. Ayoko namang mapagalitan, kaya doon na lang ako sa cove nagpunta.

Matatagpuan lang sa ibaba ng cliff kung saan naroon ang Promise Tree ang cove na tinutukoy ko. Merong malaking bato roon na puwede kong pagtambayan at malaya kong napapanood ang pagsikat ng araw at ang paghampas ng alon. Malaya kong nararamdaman ang papasimulang init ng araw, pati na rin ang pag-ihip ng hangin mula sa dagat.

Mga gawain iyon na talaga namang nakakatulong sa akin para makapag-isip ako nang matino. Pero hindi pa rin sapat ang mga iyon. Heto nga't kitang-kita ko pa ang estatwa ng magkasintahan sa Legend of the Promise Tree. At kapag nakikita ko iyon, iisang tao lang ang pumapasok sa isipan ko.

As usual, ang dakilang panggulo lang naman na si Brent ang nangangahas pumasok doon. Hindi na talaga ako magtataka kung bago matapos ang taon ay masiraan ako ng bait nito.

Pinalipas ko pa ang ilang sandali bago ako nakuntento sa pagmasid sa dagat. It was refreshing, I had to be honest. But then it wasn't enough.

Hay... Ano ba 'to? Lahat na lang yata, hindi na lang enough para sa akin.

After going to the cove, I headed straight home dahil kailangan pa raw naming mag-ayos para sa ball, sabi ni Mayu. Diyahe lang dahil wala naman talaga akong planong um-attend pero heto, puwersahang pinapapunta ng bruha kong pinsan. Kawawa naman daw si Brent na walang matinong partner kundi ako lang.

As if lang, 'no?

At si Brent pa talaga ang ginamit nitong dahilan. Kung hindi ba naman 'sang praning at kalahati ang pinsan kong iyon.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Pumayag na ako so I might as well do my best to feel at least a bit of enthusiasm kahit hindi ko talaga feel ang event.

"Saan ka na naman naglamyerdang babae ka, ha? Alam mo namang kailangan pa nating mag-ayos para sa ball, 'di ba?" Iyon ang high blood na salubong sa akin ni Mayu pagdating ko sa bahay.

As for me? Dedma lang ako sa topak nito. Palibhasa kasi, si Neilson ang ka-date nito kaya ganoon na lang ito kung makapagsermon sa akin.

"Nagpunta lang sa lugar na makakapag-iisip ako nang matino," walang ganang sagot ko na lang. Well, at least it was the truth – albeit vaguely stated. "At wala akong planong mag-back out, okay? Ayoko pang harapin ang pagbuga mo ng apoy. Maghahanap muna ako ng magagamit kong pananggalang kapag naisipan ko nang pakisamahan ang high blood pressure mo, okay?"

Nainis yata sa mga sinabi kong iyon ang pinsan ko kaya tuloy kumuha ito ng throw pillow sa sofa at saka ibinato sa akin. Tatawa-tawa lang akong umilag at binelatan ito. Si Mayu naman ay napailing na lang.

"Dapat talaga hindi kita hinahayaang maglakwatsa sa kung saan-saan, eh. Tingnan mo nga. Kung saan-saan na rin napupunta ang utak mo. Hindi mo pa nga yata nakukuha pabalik iyon."

"Nakuha ko na. Hilo pa nga galing sa paglalakbay, eh. Kaya huwag ka nang magtaka kung magulo pa rin hanggang ngayon ang takbo ng utak ko." Hay... Nakuha ko pa talagang mamilosopo.

"Ang sama talaga ng epekto ni Brent sa utak mo," komento na lang ni Mayu.

"Ngayon mo lang alam? Matagal na. magmula nang dumating siya sa buhay ko, lagi na lang panggulo ang bugok na kamoteng iyon sa utak ko."

"Akala ko ba, officially over na ang truce?"

"Over na nga. Noon pang pagkatapos ng dance practicum. Pero ewan ko ba. Kung makaasta naman ang buwisit na iyon, akala mo selosong boyfriend." Nang matigilan ako.

Oopsie! I did not just say that, right?

Of all examples na puwede kong sabihin, bakit iyon pa? Naman!

"Selosong boyfriend? Bakit mo naman nasabi iyan?" natatawa – or should I say naa-amused – na tanong sa akin ng bruhang iyon.

"Dahil pinagbawalan niya akong makipag-usap kay Oliver," straight to the point na pag-amin ko. "Besides that, he kept on calling me Laine kahit sinabi ko na sa kanya na huwag na niya akong matawag-tawag sa ganoong pangalan."

"Bakit naman?"

Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ba ang rasong sinabi sa akin ng bugok na Brent na iyon. But in the end, I kept the truth to myself. "Ewan ko. Sabi ko nga sa iyo, may saltik na sa utak ang buwisit na iyon."

"Ang weird naman n'on."

"Sinabi mo pa," sabi ko na lang bilang pagsang-ayon.

After heaving another sigh – which I started to hate doing, nag-umpisa na aong mag-ayos para sa ball. Pero sa totoo lang, wala talaga akong kagana-ganang gawin iyon. Kung hindi lang dahil sa request ni Oliver sa akin na huwag akong umalis sa tabi ni Kamoteng Brent na iyon at pati na rin ang walang katapusan pangungulit sa akin ng mga magulang at pinsan ko, nuncang pupuwersahin ko ang sarili kong gawin ang mga ito.

But then... Bakit ba ako pumayag sa request na iyon?

Kung talagang ayokong gawin ang isang bagay, walang sinuman ang makakapigil sa akin. I wasn't born and raised as a headstrong girl for nothing. Kaya ano ang nag-udyok sa akin na gawin iyon?

'It only proved that you cared for the guy kahit abot hanggang langit ang inis mo sa kanya.'

Iyon nga ba talaga ang rason? And besides, hindi na po hanggang langit ang inis ko sa bugok na iyon. Siguro... Puwede na ang height ng Taal Volcano.

Dahil kapag hanggang langit pa rin hanggang sa mga sandaling iyon ang inis ko, baka bukas o sa kamakalawa ay napatay ko na ang lalaking iyon. Isa pa, hindi pa ako ganoon ka-brutal para pumatay.

"'Ayan! Ang ganda-ganda mo na talaga, 'insan. Payag na akong mas maganda ka pa sa akin," pahayag ni Mayu nang sa wakas, after many grueling hours of fixing myself, ay natapos na rin ang pag-aayos namin.

"Nambola ka pa. Pasalamat ka na lang at hindi ako mahirap ayusan. Kung hindi, disaster ang kalalabasan ko."

Kibit-balikat lang ang tugon nito. "Sabagay, may point ka naman doon."

Pagkatapos ay pareho kaming humarap ni Mayu sa salamin. Aaminin ko, kahit ako ay nasorpresa sa output. Wearing a lavender evening dress na talaga namang humahakab sa katawan ko, along with light make-up on my face and a chignon style for my hair, ewan ko lang kung talagang makakakilala pa sa akin nito sa school.

"Do you think this will be a night to remember for the two of us?" kapagkuwan ay tanong ni Mayu. I saw hope in my cousin's eyes.

Pero hindi ko alam ang isasagot sa tanong nitong iyon. Maraming puwedeng mangyari. Napatingin ako kay Mayu mula sa salamin.

"Then we'll just make it a night to remember."

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon