This night is special, let the music play for us to dance. This could be the only night I'll ever have this chance... ~ Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
SA TOTOO lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagpasok namin ni Mayu sa venue ng ball.
Kulang yata ang sabihing nasorpresa ako sa mga nakita ko, eh. Hindi ko rin puwedeng sabihin na nalula ako sa bonggang set-up ng event. Kahit na sa totoo lang, talagang nakakalula sa ganda. Halatang pinagkagastusan. Kahit ang mga foods na nakahain, hindi basta-basta.
"Are we really in the right place, Mayu?" hindi ko napigilang itanong habang inililibot pa rin ang paningin sa itsura ng set-up sa venue. "Hindi ba tayo naligaw sa Christmas Wonderland or anything?"
"Masanay ka nang makakita nang ganito sa university natin, Aina," nakangiting tugon ni Mayu habang papasok kami sa hall. "Ginagastusan at pinaghahandaan talaga ng student council ang events na tulad nito. Siyempre, gaya nga ng motto nila: 'Give your best in everything you do.' This is one proof that they're really doing their best. At saka special din ang gabing ito para sa karamihan sa atin."
"Event for the couples ba naman."
"Ano ka ba? Hindi uso ang bitter dito, 'no? Kahit nga ang mga tinaguriang wallflowers ng school natin ay nagagawa pa talagang magsaya. That means hindi lang para sa couples ang gabing ito."
Kumpleto talaga sa lahat – from sound system, decoration, foods, tables, and chairs. Grabe! Ang tindi naman ng preparation ng mga ito rito. Ilang buwan kaya itong pinagplanuhan?
Hinayaan ko na lang na si Mayu ang mag-lead the way para makahanap kami ng mauupuan. Pero habang sinusundan ko ang pinsan ko, I couldn't help noticing something.
Bakit napapatingin yata ang halos lahat sa akin? Lahat na lang ng madadaanan naming magpinsan, laging napapatingin sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mailang. Ano'ng meron sa itsura ko para tingnan ako ng mga ito?
Did I look ugly? Did I put too much make-up on? Or maybe even my dress?
Hanggang sa mapakunot-noo ako.
Ano ba'ng pakialam ng mga ito kung ano ang itsura ko? At ano rin ang pakialam ko kung pagtinginan ako ng mga ito? Eh ang mga ito nga, hindi ko pinapakialaman, 'no?
Okay... Maybe I did criticize some of the dresses and whatever outfits that the other students were wearing. Pero ginawa ko lang naman iyon sa isip ko. No one heard it but me and my mind.
That was it.
"Naku po! Kaya naman pala natahimik nang bigla ang madla, eh. Hindi lang pala basta mga magagandang binibini ang dumating, eh."
Ang mga salitang iyon ang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko. Napansin ko rin na tumigil na pala kami ni Mayu sa paglalakad at sa mga sandaling iyon ay naroon na kaming magpinsan sa napili nitong table.
I could've rolled my eyes but chose not to. Figures! Ano pa nga ba ang aasahan ko? Of course, my dearest cousin would choose the table where her object of affection was.
"Kung anu-ano na naman ang lumalabas na description sa bibig mo, Neilson," komento ko at saka ako naupo. "But if you're saying that to please my cousin, kahit kayong dalawa na lang ang mag-usap."
"Hay... 'Ayan ka na naman sa pag-etsapuwera mo sa sarili mo, eh. I was also referring to you, in case you didn't know that."
Napatingin ako kay Neilson. "What? What are you talking about? Bakit idinamay mo na naman ako?"
"Dahil kadamay-damay ka naman talaga," singit ng isang pamilyar na tinig ng babae na, sa tingin ko, nagmula sa likuran ni Neilson.
I was surprised when I saw Vivian approaching us. She was smiling at me, wearing that same sweet smile on her face – her trademark.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...