Formally Ending It

2 1 0
                                    

I realized that I shouldn't have underestimated my own heart, especially if it concerns you... ~ Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

SA KAWALAN ng direksiyong patutunguhan, namalayan ko na lang ang sarili kong papalapit sa ilalim ng puno ng mangga na madalas kong pagtambayan. Sa pahingahan ko.

Pero hindi naman iyon kalayuan sa venue ng ball. Isang department building lang siguro ang nakapagitan.

Liwanag ng buwan sa kalangitan ang tanging liwanag sa tinatahak kong daan. Sana lang ay walang magkamali sa akin doon na white lady or else, magiging usap-usapan na naman ito sa school. Ang bilis pa man ding kumalat ng mga balita – or should I say, walang katapusang tsismis – sa school na 'yon.

Sa gulat ko, biglang nagliwanag ang puno ng mangga. Pinalibutan iyon ng paper lanterns at Christmas lights. My gosh! Ang ganda. Teka, kasama ba 'to sa mga set-ups ng student council?

Hanggang sa maisip ko. Parang imposible naman yata iyon. Masyadong malaki ang punong ito para isama pa sa pag-aayos para sa ball. Not to mention, ang layo rin nito sa lokasyon ng event.

So now... Who in the world did this kind of stuff to this mango tree?

"Ang hilig mo talagang mag-walk out kapag matino na ang mga mensaheng gusto kong iparating sa iyo. Nakakainis ka na, ah."

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon. I didn't dare turn around. I couldn't. Kaya ang ginawa ko na lang, pinakiramdaman ang paligid ko. I heard approaching footsteps na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Grabe! Ano na naman ba'ng rason at kinakabahan ako nang ganito? Hindi naman siguro ako lalapain ng taong papalapit sa akin, 'no?

"O, ngayon ayaw mo naman akong harapin. Hindi pa naman ganoon kasama ang pagmumukha ko, ah," dagdag na reklamo pa nito.

If this was a normal time, I could've snorted at those words and punched this guy. But of course, I knew it wasn't.

With a heavy sigh, I turned around. And there was Brent. He was wearing a serious look on his handsome face – no matter how much I wanted to puke for actually admitting that he was handsome – as he continued approaching me. Kulang yata ang sabihing napakaguwapo nito sa suot nitong itim na amerikana. Nakapamulsa ito habang papalapit ito.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" kaswal na tanong ko nang tumigil na ito sa paghakbang ilang dangkal lang ang layo sa kinatatayuan ko.

"Oo. Bigla ka na lang kasing nag-walk out, eh. Nag-alala ako sa iyo."

Lalo akong nasorpresa sa sinabing iyon ni Brent. Nag-alala talaga ito sa akin?

"Bakit ka naman mag-aalala sa akin? Wala naman akong balak magpakamatay kung iyon ang inaalala mong gagawin ko. But then I don't see any reason para mag-alala ka."

"Masama bang mag-alala para sa iyo? Kung makapagsalita ka, parang tinatanggalan mo na ako ng rason na makialam sa buhay mo, ah."

"Dahil wala namang dahilan para makialam ka sa buhay ko, pati na rin sa mga desisyon ko!" naibulalas ko na lang sa kakulitan ng kamoteng 'to.

But then, I didn't know why but it felt like blurting out those words turned out to be the biggest mistake I'd ever made to him. Why?

Pareho kaming natigilan sa mga salitang iyon. Parehong walang masabi. Para bang wala nang tamang salitang lalabas kapag ibinuka namin ang mga bibig namin. Hindi ko natagalan ang pagtitig nito sa akin kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at binalingan ko ang nagkikislapang Christmas lights na nakapalibot sa puno ng mangga.

The area was definitely magical. But then, the scene wasn't. More like heart-wrenching, if you asked me. Ilang beses na bang nauuwi sa ganoon ang tagpo sa pagitan namin ni Kamoteng Brent? Seriously, this was really frustrating.

"Just leave me alone, Brent. Do it bago pa ako makapagsalita nang hindi maganda tungkol sa iyo. I don't want to make that mistake habang nasa katinuan pa ang isip ko."

Geez! Why did I say those words as if I was about to become insane?

Hanggang hindi ko naise-settle sa utak ko na balik na dapat sa dati ang lahat, hindi talaga ako matatahimik. At isa pa, tapos na ang truce. To hell with that truce! Bakit ko pa kasi nai-suggest iyon? If I knew na aabot sa ganoong klaseng kaguluhan ang mga kaganapan during that truce, hindi na sana ako nag-suggest ng ganoon at all!

"So it's about that damned truce again, huh?" narinig kong bulong ni Brent bago ito nagbuga ng hangin. "This is so damn frustrating!"

Hanep ang hijo! Ang lutong lang magmura. But what exactly was frustrating about all this?

'Umm... everything? Umaayon na nga ang sitwasyon sa inyong dalawa ni Papa Brent, pinapakomplikado n'yo pang dalawa.'

Ano'ng umaayon ang sitwasyon? Lalo ngang nagugulo, eh.

Kaya ang utak ko, heto... Naging dahilan pa para mapakamot ako ng ulo ko. Mukhang sisirain pa yata ng lokong ito ang get-up ko.

"Fine! We'll end it here. Formally," deklara ni Brent kapagkuwan.

Napaharap tuloy ako rito pagkarinig n'on. Ano raw? "H-here? As in dito sa lugar na ito?"

Tumango ito. But this time, his eyes were devoid of any emotions. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib nang makita ko iyon.

"G-good. Akala ko ii-insist mo pa rin ang gusto mo. Mabuti naman at nagkakaintindihan na rin tayo sa wakas." Oh, great! Bakit para pa yata akong nanginginig sa mga sinasabi ko? Or was it kinakabahan?

All I knew, my voice was slightly quivering. Surging emotions, perhaps?

"Yeah. But I'll end that damned truce with this!"

Huli na nang namalayan kong inilang hakbang na lang nito ang distansiyang nasa pagitan namin.

On that fateful night, Brent ended the truce for the two of us... as I found myself enveloped in his strong arms with his soft and warm lips claiming my quivering and cold ones. I could only widen my eyes at that.

And I swear, my heart stopped beating for a few moments because of that.

What in the world was going on?

xxxxxx

A/N: Like... woah! Talk about being bold enough to do that again. Pero sino nga kaya ang may pakana ng pagde-decorate sa puno ng mangga na iyon? Hmmm...

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon