Sweet William

1 1 0
                                    

What could emerge from a torrent of emotions that, perhaps we both chose to keep, is a series of unsaid messages that I hope, one day, you'd be able to know and accept... -- Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

MABILIS na lumipas ang panahon pagkatapos ng Christmas Ball na iyon. Para sa iba, oo nga at naging mabilis iyon. Pero para sa akin, ni hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw.

Paano ba naman kasi? Lutang yata ang utak ko pagkatapos ng event na iyon. Kaya heto, hindi ko nagawang i-enjoy ang naging pagdaan ng Pasko at Bagong Taon. Walang tigil na ginulo ng buwisit na halik na iyon ang utak ko.

For the second time, hinalikan ako ng buwisit na kamoteng mokong na 'yon. At wala man lang akong nagawa para pigilan pa ito. I was petrified, I couldn't even believe it! Pero ang hindi ko lubusang mapaniwalaan ay ang makita ang hindi ko maipaliwanag na lungkot sa mga mata ni Brent pagkatapos ako nitong halikan. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang makita iyon.

Even his usually charming smile was laced with the same emotion. After that, he left me there without a word.

Hindi ko na nakita pa si Brent after that night. Well, duh? May rason iyon, 'no? Walang pasok, eh. Christmas vacation.

Pero iyon naman ang pinaka-worst na Christmas vacation sa tanang buhay ko, in my opinion. Grabe! Hindi talaga matahimik ang isipan ko. Hindi rin miminsang dumako sa isipan ko – hanggang sa panaginip ko – ang nangyaring iyon. It kept messing with my mind.

At dahil ganoon na nga ang nangyayari, napapadalas din ang pagpunta ko sa cove. Hindi ko alam pero nakatulong iyon sa pagpapakalma sa akin, lalo na kapag tinitingnan ko ang estatwa ng magkasintahan sa dagat. Idagdag pa ang manaka-nakang pagtingin ko sa Promise Tree mula sa kalayuan.

Almost two weeks na wala sa katahimikan ang utak ko kaya walang nakakapagtaka na parang galit ako sa pagsalubong sa mundo. Lalo pa't magsisimula na naman ang klase pagkatapos ng bakasyon.

Okay na rin siguro iyon. Baka ibaling ko na lang sa mga school activities ang atensiyon ko. At least iyon, may mapapala pa ako. Hindi tulad ng dakilang panggugulo ni Kamoteng Brent sa isipan ko kahit hindi ko nakita ang bugok na iyon buong bakasyon.

Bigla akong natigilan nang lihim sa pagpasok sa classroom nang makita ko si Brent na nakasandal sa hamba ng pintuan. Talk about the great devil! Nakaabrisete rito ang isang babaeng sa tingin ko ay pamilyar yata sa akin. Alam kong nakita ko na ito sa kung saan; hindi ko nga lang talaga matandaan.

Hay... Grabeng memory naman meron ako. Epekto ba ito ng nakakairitang halik na iyon?

"Hi, Relaina! Ang ganda ng tayo mo riyan, ah. Lovely view ba ang tumambad sa iyo?" ngingisi-ngising bungad ni Kamoteng Brent sa akin na nagpakulo na naman ng dugo ko.

Wala lang talagang kasawaan ang mokong na 'to, 'no? At umpisa na naman ito sa pagsira sa araw ko. Wala naman itong napapala.

At dahil wala talaga ako sa mood pakibagayan ang topak ng kamoteng 'to, inismiran at inirapan ko na lang ito bago ako nagtuluy-tuloy sa pagpasok sa classroom. Narinig ko pa ngang nagsalita ang babaeng kasama nito pagkaupo ko sa upuan.

"Bakit mo ba pinapansin ang babaeng iyon, Brent? Hindi naman siya maganda at ang lakas pa ng loob niyang irapan ka," malanding wika ng babaeng iyon. Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi nito.

Eh sa gusto ko nga siyang irapan! May problema ka ba d'on?

Sa totoo lang, ngali-ngaling isigaw ko ang mga iyon sa buwisit na babaeng iyon. Kay aga-aga, may sisira na naman sa araw ko. Wala ba talagang araw na hindi iinit ang ulo ko dahil sa mga ito?

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon