I want to collect for you the most beautiful moments... -- Promise Of The Wind, Zhang Han
xxxxxx
[Relaina]
IF THERE was one thing that I truly cherished the most whenever I would go to the library and decided to stay there, it was the silence in one particular corner. Well, gusto ko lang talagang tumambay doon. Pero hindi naman ako maikokonsiderang bookworm sa ginagawa kong pagtambay sa lugar na iyon. Lalo na kapag vacant period ko.
Gusto ko lang talaga ang katahimikan sa lugar na iyon, lalo pa't kailangan ko iyon para makapag-internalize ako. Sa mga sandaling iyon ay pinipilit kong ituon ang atensiyon ko sa assignment na kailangan kong tapusin nang wala na akong pinoproblema pag-uwi ko sa bahay.
Pero nakakabuwisit lang talaga!
Sa kabila kasi ng kagustuhan kong mag-internalize nang sa gayon ay magawa kong makapag-concentrate, ang isip ko naman ang nagiging pasaway. Heto nga't sumasagi pa rin sa isipan ko ang mga nangyari two days ago sa classroom. That event was truly a heart-pounding one.
Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin mapakalma ang pesteng puso ko kapag naaalala ko iyon. Mabilis pa sa alas-kuwatro kung makapag-react. Hindi man lang ako pinagbigyang pigilan iyon. Nakakainis lang!
But then... I couldn't help thinking.
Seriously, ano ba talaga ang tumatakbo sa utak ng lalaking iyon? Bakit lagi na lang itong ganoon sa akin? Wala ba talagang araw na hindi guguluhin ng lalaking iyon ang puso ko? Oo na, puso ko na ang magulo. Hindi lang utak.
Kaunti na lang talaga, masisiraan na ako ng bait dito.
Iling na lang ang ginawa ko matapos n'on. Hanggang ngayon ay litong-lito pa rin ako. Pero hindi dapat iyon ang iniisip ko nang mga sandaling iyon. I still had some concentrating to do kung gusto ko pang pumasa. Hindi ako dapat maapektuhan ng kahit ano pa man.
Bumalik ako sa classroom matapos ang ilan pang sandaling pagko-concentrate sa paggawa ng mga assignments ko. Well, mabuti na lang at may nagawa pa ako kahit sabihin pang hindi naman talaga ako makapag-concentrate nang husto dahil naiisip ko pa rin ang ginawa ng bugok na Kamoteng Brent na iyon.
Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko napigilang kumunot ang noo ko. May napansin kasi akong nakapatong sa teacher's table. Although initially, there was nothing weird about that. But I couldn't help feeling something close to that. Lalo pa't wala akong naabutan na sinuman sa classroom.
Teka nga lang. Ano'ng oras pa lang ba?
But even so, lumapit na lang ako sa table kahit na hindi ko talaga mapigilang magtaka. Sinipat ko ang kung anumang nakapatong sa table na iyon. It was a large cup of hot coffee.
A hazelnut coffee, at that.
Posted to it was a blue post-it note with words written. And to be honest, ganoon na lang ang sorpresa ko nang makita kong galing iyon kay Brent!
At ibinibigay nito iyon sa akin!
Anong klaseng saltik na naman meron ang utak ng lalaking iyon at gumagawa na naman ng ganitong klaseng kabulastugan?
'I know you don't like black coffee or even the one with cream. Kaya ito na lang ang ibibigay ko sa iyo. I hope it's to your liking. At saka para maalala mo naman ako bago ka umuwi. Hehe!'
Seryoso lang talaga ito? Totoo ba ito?
I could've snorted and rolled my eyes after reading that. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ginawa iyon. I hated to admit it pero parang gusto ko pa yatang kiligin sa simpleng gesture na iyon. Gusto ko tuloy magalit sa sarili ko dahil doon.
But I guessed it would be useless to do so.
At talagang gusto pa nitong maalala ko ito, ha?
Napailing na lang ako roon. Talk about absurdity...
"Yeah, right. Maaalala ko nga siya. Caffeine ba naman ang ibigay niya sa akin? Seriously, does this guy even know that I don't drink coffee before evening?" parang tangang pagkausap ko sa sarili ko habang hawak ko ang large coffee cup na iyon.
At kahit ayoko, nahimok tuloy ako ng isipan ko na tikman ang kape. I just shook my head in slight disbelief dahil talagang napasunod ako n'on.
At ang loko, magaling mamili ng masarap na hazelnut coffee. In fairness to him! True to his words, it did make me think of him.
Honestly, hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o lalong mabubuwisit sa katotohanang iyon.
Geez! What a day I had...
xxxxxx
Sa paglipas ng mga araw, nalaman ko na talagang seryoso nga si Brent sa sinabi nito sa akin noon sa classroom. Hindi na nga talaga ako nilubayan nito. Palagi na lang itong naroon sa tabi ko kahit hindi ko naman ito pinapansin at kinakausap. And just like what he said, I couldn't do anything to push him away kahit gustuhin ko. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba ako matakot o ano. But the flowers he was continuously giving to me were telling otherwise.
Whenever I felt tired after doing my assignments and projects, he would always give me a snack or something to drink. More often than not, a Sweet William goes with it that I knew was freshly picked somewhere – wherever it was. But I only did what the flower wanted to say in secret. Next time ko na lang ngingitian ang ungas na iyon – kapag matino na ang pagkakaayos ng turnilyo sa utak nito at hindi na ako asarin pa. Pero siyempre, alam ko namang malabo talaga iyon.
Kapag bigla na lang akong natitigilan dahil tumatambad sa akin ang mga sweet couples na nasasalubong ko – and I didn't even know why I was like that, bigla na lang itong susulpot sa harap ko at bibigyan ako ng isang bungkos ng yellow tulip. Ngingiti lang ito sa akin – na para bang sinasabi nitong wala akong dapat ikainggit o ikalungkot – at aalis nang walang lingon-likod. He wanted me to keep smiling kahit hindi naman talaga ako feeling bitter or anything. Para bang may alam ito sa nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng magkasintahang masaya at mahal ang isa't isa.
Me and Oliver would have been that happy. But I couldn't blame the guy now. Maybe it wasn't really meant to be. Kaya bigla na lang susulpot si Brent sa tabi ko at bibigyan ako ng china aster. I wasn't oblivious to the flower's meaning.
I didn't know if I should laugh or just smile because of realizing that. Why would that guy even think of me – as the china aster has several meanings, one of them was "I will think of you"?
Pero kapag naiisip ko na marahil iyon nga ang nais nitong sabihin sa akin sa pamamagitan ng mga bulaklak ay napapangiti na lang ako. Yes, for the first time, nagawa akong pangitiin ng mga pasimpleng gestures sa akin ni Brent. And to think he was actually communicating to me through the flowers. I could feel the sincerity in them. Kaya nga hindi ko magawang itapon ang mga iyon.
But he wasn't actually vocal about it to anyone at all. Oo, may mga pagkakataon na inaasar pa rin ako nito lalo na kapag nasa klase kami. Pero may palagay ako na ginagawa lang nito iyon upang ipakita sa lahat na walang nagbago sa pagtrato nito sa akin. Na walang ibig sabihin ang mga pagpapa-cute nito – kung iyon nga ang tawag sa ginagawa nito. Na balik na nga kami sa dating gawi – much to my classmates' disappointment and at the same time, amusement.
Pero nakatitiyak ako na may unti-unting nagbabago sa nararamdaman ko para rito. May palagay akong tumatalab na ang pagpapa-cute nito sa akin. Yes, I knew I was attracted to him from the start. But I couldn't conclude anything more than that dahil natatakot ako. His simple gestures – even though I found them weird in a way – made me feel fuzzy and warm and... loved. Weird of me to think that way but I couldn't help it.
And that was what made me feel scared to risk my heart again. Despite all that, I knew one thing that I wouldn't be able to ignore any longer.
Brent was already special to me... and I could only admit that here in my heart.
Just a silent confession.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...