If you see the changed me, I'm afraid you will be hurt, that you will stop on your way here, that you will hate me... -- Tears Fall Because I Miss You, Lee Soo Young
xxxxxx
[Relaina]
"BAKIT BA kailangan pang dumating ang Valentine's Day? Nakakawalang-gana tuloy," tila nababagot na reklamo ko na lang habang papasok kami ni Mayu sa school gym ng Oceanside.
Pero ang bruhilda kong pinsan, tinawanan lang ako.
Kasabay ng Valentine's Day ang School Festival ng unibersidad na tumatagal ng isang linggo kaya naman kabi-kabila ang activities at booths ng bawat colleges, school departments at clubs. Unang araw iyon ng school festival at nagkataong tumapat sa Araw ng mga Puso.
Wala naman sanang problema sa akin ang nasabing okasyon. Kaya lang—
"Ako na lang ang date mo, babes!" Narinig kong nang-aasar na sigaw ng isang taong laging panira ng araw ko. Boses pa lang nito ay sapat na para kumulo to the highest level ang dugo ko. Grr! Nakakabuwisit lang talaga!
"Iyan ang rason kung bakit nakakawalang-gana ang ganitong okasyon," inis na sabi ko. At lalo akong naiinis dahil kahit na anong sabi ko sa sarili ko, hindi pa rin nagpapapigil sa pag-react nang matindi ang puso ko gayong boses pa lang ni Kamoteng Brent ang narinig ko.
"Ikaw naman, patulan mo na lang ang pagpapapansin ni Brent sa iyo. Tingnan mo nga, siya na itong nagpiprisintang maging ka-date mo. Minsan lang daw mangyari iyan, sabi ni Neilson."
Umismid ako. "Puwede ba? Kung siya rin lang ang magpiprisintang maging ka-date ko, mas gugustuhin ko pang huwag nang makipag-date. Panira lang iyan ng araw ko."
"Sinabi mo, eh." Pero nasa tono nito na hindi ito naniniwala sa sinabi ko.
Nakita kong palapit sa amin si Neilson. May ibinulong ito kay Mayu na ikinaaliwalas naman ng mukha ng pinsan ko matapos niyon.
"Aina, okay lang ba kung iwan muna kita dito? May pupuntahan lang kami ni Neilson sandali," ani Mayu na hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi nito.
Nakangiting tumango ako. "Okay lang. Sanay naman na akong iniiwan sa ganitong okasyon, eh," nagbibirong pagpayag ko. Napailing lang ito at nagpaalam na sa akin. Nakangiti ako nang umalis ang mga ito subalit unti-unting napawi iyon nang tuluyan na itong nawala sa paningin ko.
Hindi ko alam kung tama bang makadama ako ng inggit sa pinsan ko dahil nagkaroon ito ng pagkakataong makasama ang lalaking espesyal sa puso nito. Kahit pabiro ang pagkakasabi ko, totoo sa loob ko ang mga katagang sinabi ko kanina. Sanay na akong iniiwan tuwing Valentine's Day. Sanay na hindi pinapansin.
Si Mayu lang ang nakakaalam na Valentine's Day ang date ng break-up namin ni Oliver noon. At ngayong si Brent naman ang nagpapatibok nang mabilis sa puso ko – kahit na anong pigil ko, I couldn't bear another rejection – another pain – for the second time. Anyway, wala naman akong planong ipaalam dito ang nagiging reaksiyon ng puso ko kapag nasa malapit lang ito. Mamamatay muna ako bago nito malaman iyon.
Napansin kong karamihan sa mga estudyante roon ay magkakasintahan na halatang mahal ang isa't isa nang ilibot ko ang tingin ko sa paligid. Hindi ko napigilang bumuntong-hininga. Kunsabagay, hindi na ako dapat magtaka. School festival iyon at Valentine's Day pa. Walang klase kaya maaaring makapaglamyerda ang mga estudyante sa school grounds. Kaya lang, hindi ko pa rin mapigilang makadama ng inggit. Maling ideya nga yata na pumasok pa ako.
I heaved another sigh. With nothing left to do, I decided to leave the gym. Pero pagtapak ng mga paa ko sa labas, nakadama ako ng 'di-maipaliwanag na bilis ng pagtibok ng puso ko nang marinig ko mula sa speaker na nasa itaas ng entrance ng gym ang isang pamilyar na tinig. Hindi ako nagtangkang lingunin ang stage na pinagmulan ng tinig ni Brent dahil ayoko.
Goodness! I was feeling it again. Agad na nagbalik sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari noong Christmas Ball. It was almost the same. However, I found it weird na hindi man lang ako nakadama ng pagkulo ng dugo. In fact, the voice warmed my heart for some reason.
"Since Valentine's Day ngayon, gusto ko sanang i-enhance ang romantic mood dito. But I also want to dedicate this song to the girl who wondered if she could still find that special someone despite the heartache she's been through. This is for the girl na masasabi kong special na sa akin."
Naulinigan ko ang pag-ugong ng kantyaw mula sa mga naroon sa gym pero wala roon ang isip ko. I wanted to hear more of Brent's dedication to that girl special to him. But that thought pricked my heart many times – without any idea why.
"I don't usually do this for a girl. But I want her to know there's still hope for her to find that special someone. And if I would be given a chance to hold her heart, I promise that I'll take care of it and love her truly. Sana lang, paniwalaan niya ako. The song I'm going to sing today is something you're all familiar with. Kaya sa mga hindi makapagtapat sa inyo ng mga nararamdaman ninyo, ito ang isa sa mga kantang masasabi kong perfect para sa inyo."
After that, they all went silent. A few seconds later, the melody started playing in the background, followed by Brent singing the lyrics of the song.
[Now playing "Sana" by Shamrock]
** Langit na muli
Sa sandaling makita
Ang kislap ng iyong ngiti
May pag-asa kaya
Kung aking sasabihin
Ang laman ng damdamin...**
In fairness, Brent's voice wasn't that bad. It was beautiful. That was the second time I heard him sing. Though it was extremely weird, I could feel my heart being serenaded. It felt like the song was meant for... me.
Napakunot ako ng noo nang maisip ko iyon.
Sa akin? Parang malabo yatang mangyari iyon.
But why does my heart think otherwise?
**Pinipilit mang pigilin
Na ika'y aking isipin
Wala na yatang magagawa...**
Bumuntong-hininga na lang ako. "Makaalis na nga dito bago pa ako tuluyang masiraan ng bait sa kakaisip ng mga walang kuwentang bagay."
And I started walking away from that place. But I could still hear his serenading voice. Dahilan upang lalo ko pang bilisan ang paglalakad ko.
**Sana'y hindi ipagkait sa 'kin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta...**
Lucky girl, I thought bitterly. Hindi ako sigurado kung bakit ganoon ang naisip ko. But that thought was enough to stop me in my tracks. Bakit para akong nasasaktan na may ibang babaeng gusto ang ugok na iyon? Wala naman akong pakialam dito.
'Wala nga ba?'
Ah, whatever!
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...