My Date

1 1 0
                                    

I want to stay right here in this moment with you over and over and over again... -- What If?, Colbie Caillat

xxxxxx

[Relaina]

NARIRINIG ko pa rin ang pagtatapos ni Brent sa pangalawang kanta nito kahit naroon na ako sa bleachers sa soccer field at nakaupo. Sa lakas ba naman kasi ng volume ng speakers sa entrance ng gym, talagang maririnig ko pa rin iyon. Buntong-hininga na naman ang itinugon ko sa pagtatapos ng kanta.

Himala talaga na hindi kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang tinig nito. Kunsabagay, wala naman akong dapat na ipagtaka. Hindi naman para sa akin ang kanta. It was for Brent's special girl.

Whoever she is... At tiyak kong hindi ako iyon.

Nanatili pa ako roon ng mahabang sandali habang wala sa sariling pinagmamasdan ang soccer field. The place was field with happy students; most of them were couples who were obviously in love with each other.

But I still believed that, one day, a guy would come into my life and love me – everything about me. And that same guy would promise that he would never leave me and forget me. His heart was strong enough to make sure that his promise would be fulfilled.

Hanggang sa matigilan ako nang biglang pumasok sa isip ko ang guwapong mukha ni Brent.

Wait, Brent? Why in the world would I think about him now? Sure, he was good-looking and always has a way to make my heart thump like crazy with just his mere smirk, grin and laughter kapag inaasar ako nito at trying hard sa pagpapa-cute.

'Ah, correction. Good-looking is an understatement to describe him.'

Yeah, right. I did think about the same thing when I first met him. But those reasons alone were enough for me to feel something weird yet fuzzy and warm at the same time. Nag-iiba ang reaksyon ng puso ko kapag ito na ang concern. Hindi ko kayang pigilan iyon kahit na gusto ko pa. May ideya na ako kung bakit. In fact, I even admitted that he was already special to me. Pero sapat naman ang ideyang iyon upang makaranas ang puso ko ng hindi maipaliwanag na takot.

Lalo pa't hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isipan ko ang request ni Oliver. I could only protect Brent from afar if I also wanted to protect my own heart.

Nagdesisyon akong magtungo na lang sa classroom. Nasa kalagitnaan na ako ng soccer field nang may naramdaman akong pumatak sa pisngi ko. Napatingala ako sa langit. Kapagkuwan ay sunud-sunod na mga patak na ang bumagsak sa paligid.

"Naman! Ngayon mo pa naisipang bumuhos!" angal ko habang nakatingala sa langit.

Akmang tatakbo na ako paalis sa lugar na iyon nang biglang may nagpatong ng kung ano sa ulo ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hindi ako nakapag-react kaagad lalo na nang hilain ako ng kung sinong iyon paalis sa soccer field dahil lalong lumakas ang buhos ng ulan. Marahas na binalingan ko ang sinumang walang-hiyang iyon. Pero imbes na angilan ko ang taong iyon, napasinghap na lang ako nang malaman ko kung sino iyon.

It was Brent! He was actually helping me escape the rain.

Though I didn't want to acknowledge it, I actually found the gesture sweet.

And romantic, too.

Nakasilong man kami ni Kamoteng Brent kaagad nang marating namin ang building ng College of Engineering and Architecture, nabasa pa rin kaming dalawa. Noon ko lang napansin na ang jacket pala nito ang ipinandong nito sa ulo ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin.

"Bakit mo ginawa iyon?" mataray na tanong ko. "May binabalak ka na namang hindi maganda, 'no?"

"Ikaw na nga itong tinulungan ko, ikaw pa itong may ganang magtaray."

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon