My heart is visible, anyway. Only you don't know I miss you... ~ Miss You, Hyorin
xxxxxx
[Relaina]
ONE finger tapping my cheek habang nakapangalumbaba. And then biglang mapapabuntong-hininga. Bakit para na naman akong timang kung maka-emote ngayon? Yes, considered emote pa rin ito para sa akin. Dahil first and foremost, wala akong kinakausap. Second, muntik ko nang hindi mai-concentrate ang utak ko sa klase. Third, kulang na lang, lahat ng mga makakasalubong ko ay tarayan at angilan ko.
Hindi pa rin ba considered pag-e-emote iyon?
Looking outside the window ang drama ko ngayon. Hindi ko alam pero feeling ko talaga, tinatamad akong gumawa ng kahit ano sa mga sandaling iyon. Hindi naman ako ganoon... at least, usually. Parang bigla akong nakaramdam ng panghihina na hindi ko maintindihan.
Marami ang nagtatanong kung bakit ako nagkakaganoon. Pero mas marami pa ang mga nag-conclude ng mga posibleng dahilan. I hated to say it pero... isa yata sa mga dahilang pinagsasasabi ng mga iyon ang totoo.
I was acting like a wilted vegetable (walking version nga lang) because I hadn't seen Kamoteng Brent for 3 days straight since our last encounter. Ganoon katagal na rin akong ganoon ang inaakto. Ang weird lang talaga.
At kahit gusto kong mabuwisit kasi ganoon na nga ang inaakto ko dahil sa mokong na iyon, hindi ko pa magawa. Sinabi man sa akin ni Neilson ang dahilan kung bakit MIA sa school ang fraternal twin brother nito, parang hindi pa rin sapat iyon para kumalma ako. Oo, aaminin kong nag-aalala ako para sa bugok na iyon kahit balik na kami sa dati – balik ang clash (kahit hindi ko alam kung clash pa nga bang matatawag ang action na may halong pagpapa-cute at parang nagiging one-sided na lang yata), balik ang asaran (dahil ito naman ang nag-i-initiate)...
...pero alam kong hindi na maibabalik pa ang dating distansya sa pagitan namin.
Kaya lang, ano naman ang karapatan kong gawin iyon? Did I even have the right na makaramdam ng pag-aalala para rito?
"Dahan-dahan lang ng tingin sa bintana, 'insan. Baka mamaya niyan, tunaw na iyan sa pagtitig mo."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabing iyon ni Mayu. Patuloy lang ako sa nakapangalumbabang pagtingin ko sa labas ng bintana.
"Ang tindi mo rin palang mag-alala para sa kanya, 'no? Hindi ka na makapag-concentrate sa ginagawa mo," dagdag pa nito.
"May rason ako kung bakit ako nag-aalala, okay? Hindi ko naman kasi akalaing ganoon kahina ang resistensiya ng lalaking iyon. 'Tapos, ang lakas pa ng loob sumugod sa ulan para lang tulungan akong makaalis doon at huwag tuluyang mabasa."
"Well, it only showed that he truly cares for you."
"Yeah, right." Pinaikot ko na lang ang mga mata ko. I wasn't even sure if I should believe that.
After a few moments more, nagsawa rin ako sa pagtingin sa labas. Mukha lang kasi ng Kamoteng Brent na iyon ang nakikita ko. Pambihira lang! Pati kalangitan, hindi pa kayang pakisamahan ng utak ko. Maloloka na talaga ako nito, I swear!
Para magkaroon lang ako ng diversion, kinuha ko na lang ang binabasa kong libro magmula pa noong isang araw sa bag ko at itinuloy ko na lang ang pagbabasa. But what the heck? Pati ang pagbabasa, hindi ko pa mai-concentrate. And to think hindi ko pa nakakalahati ang pagbabasa ko. Hindi naman ako ganoon dati, ah.
Sa pagbukas ko ng libro to the page where I last read it, natigilan ako nang tumambad sa akin ang jonquil bookmark na nakalagay doon. Heto na naman... Naalala ko na naman si Brent.
Waah! Could there be a way for me to get rid of these weird thoughts easily? It was driving me crazy and had me completely frustrated. But then... it got me thinking.
Iyong message na gusto nitong iparating sa akin gamit ang ibinigay nitong jonquil flower sa akin last Valentine's Day, seryoso ba talaga ito? Hanggang ngayon kasi, patuloy ko pa ring iniisip iyon.
For the past months, he kept on giving me flowers that he said were bearing messages he wanted to convey to me. And from there, I could truly feel that his messages were sincere. Don't forget the fact that they also made me truly confused and flustered. Ganoon pa rin ba ang intensiyon nito nang ibigay nito sa akin ang jonquil na iyon?
Argh! I wanted to shout in frustration, to be honest. And yet I couldn't even let out a single sound.
"Pero Aina, sa tingin mo kaya, may problema sa kanila? Hindi rin pumasok si Neilson ngayon, eh," ani Mayu at ito naman ngayon ang nakapangalumbaba. "Wala rin si Andz sa school nila dahil daw may kailangang asikasuhin."
"Andz?" Sino naman kaya iyon?
"Carlos Armand Rialande-Montreal. Andz ang nickname niya at siya ang younger brother nina Brent at Neilson. Currently in 3rd year high school at consistent na honor student." Ikinuwento lang talaga nito iyon?
"Hay, Mayu... Alam mo, napaghahalata ka."
Napatingin ito sa akin. "Na alin?"
"Na isa ka talagang dakilang stalker ng pamilya Montreal."
"Uy! Hindi, ah! Grabe naman 'to. At saka isa pa, matagal ko nang alam ang tungkol sa bagay na iyon dahil kilala ko naman si Andz, eh."
"Still, hindi pa rin maide-deny n'on na isa ka talagang stalker." I couldn't help laughing at what I said.
Hay... Thank you talaga, Mayu, at nagawa mong i-distract ang magulo ko nang utak.
"Ewan ko sa iyo!" At talaga lang inirapan ako ng bruhang 'to. As if namang tatalab pa sa akin 'yon.
Magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa nang may marinig akong isang tinig na tinawag si Mayu. Out of curiosity (lagi naman), nag-angat ako ng tingin at pinadako ko ang paningin ko sa pinagmulan ng tinig na iyon.
Ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita kong pumasok sa classroom ang isang lalaking hindi maitatangging may resemblance sa Montreal twins. Ito kaya ang tinutukoy ni Mayu na si Andz?
"O, Andz! Bakit ka nandito? Ano'ng problema?" agad na salubong ni Mayu sa kapapasok na lalaki. What Mayu said only confirmed my speculation.
Humihingal na tumigil sa harap ni Mayu si Andz at agad na binalingan ang pinsan ko. "Ate, I need your help. Can I talk to you outside?"
Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko nang marinig ko iyon. The tone he used was grave. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ulit ang naging tanong sa akin ni Mayu kanina lang.
May problema nga kaya?

BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...