The only thing I can do is to have faith that the darkness surrounding you all this time would fade away and you'd be saved before it's too late... ~ Florence Joyce
xxxxxx
[Mayu]
"DAHAN-DAHAN lang ng kaladkad sa akin, Andz. Marunong pa naman akong maglakad nang kusa." Tinangka kong haluan ng biro ang ginagawang paghila sa akin ni Andz nang mga sandaling iyon.
But I knew it was a futile effort. Lalo pa't hindi ko mapigilang kabahan dahil sa seryosong aura ng lalaking ito. If Andz was already known even before as the serious type, doble pa ang kaseryosohang ipinapamalas nito nang kunin nito ang atensiyon ko.
With that, I already figured out that something serious happened. Kailangan ko lang malaman kung ano iyon.
He stopped pulling me upon reaching the right end of the hallway. Malapit kami sa balkonaheng katabi lang ng fire exit. I saw Andz heaved a heavy sigh before facing me.
"May problema ba? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya rito.
"He's been missing... since last night."
Missing? Sino naman? But my mind didn't take long to find any of the possible answers. Nanlaki ang mga mata ko sa naisip kong sagot. "Si Brent?"
Tumango ito. "Kaya hindi kami nakapasok ni Kuya Neilson ngayon. Abala kaming lahat sa paghahanap kay Kuya Brent, lalo pa't may lagnat pa rin siya hanggang ngayon. Posibleng mabinat iyon."
What the heck? Bakit walang binabanggit si Neilson sa akin na kahit ano tungkol dito?
"Pero bakit mo ako hinahanap? Weren't you looking for your brother, as well?"
"I was supposed to. But I thought I should come here to ask you something."
"Ask me something? About what?" This boy was getting really weird by the second, if you'd ask me. Pero hinintay ko na lang ang magiging sagot nito.
"Alam mo ba ang nangyari kay Kuya Brent noong high school? Iyong tungkol kay Carol?"
"I'm one of the few who knew about it." Seriously, saan ba papunta ang usapan naming ito? Bakit kailangan pa nitong i-brought up iyon? Hanggang sa may ma-realize ako. "Wait a minute. You're not telling me...?"
"Si Kuya Brent ang taong hindi marunong kumalimot sa isang pangyayaring malaki ang papel kung bakit nagbago ako. So I came here to ask you kung alam mo ang lugar kung saan nakita ni Kuya si Carol."
Oh, boy! Don't tell me... Brent was at it again? Hindi pa rin ba tapos ang tungkol sa isyung iyon? Aina, wala ka pa rin bang nagagawa para kay Brent tungkol dito?
Speaking of Relaina...
Oo nga pala! Iniwan ko nga pala ang pinsan kong iyon sa classroom. "Andz, wait lang, ha? Kailangan ko munang puntahan ang pinsan ko."
"Pinsan? You mean... 'yong babaeng nanuntok kay Kuya Brent at the start of the semester?"
Gulat na napatingin ako kay Andz. "You knew about that?"
"Duh? Sino ba naman ang hindi makakaalam sa bagay na iyon? Eh iyon ang unang pagkakataon na may isang babaeng hindi man lang nahumaling sa kamandag ng pagmumukha ni Kuya. Not to mention, that girl was brave enough to defy my brother and actually punch him."
Well, I guessed that truly was big news. An unbelievable one, at that. "To answer your question, yeah. Ang pinsan ko nga ang may gawa n'on sa kapatid mo."
"But why do you have to go with her?"
"Dahil posibleng may maitulong ang babaeng iyon sa paghahanap kay Brent. Kung alam mo lang, alakas yata ang radar n'on pagdating sa Kuya mo."
"Seryoso?"
Kibit-balikat lang ang naging tugon ko. "It's just an observation. Mula ba naman November last year eh halos walang araw na hindi nagka-clash ang dalawang iyon." Pero hindi lang observation ang basehan ko kaya ko nasabi iyon.
Nararamdaman ko rin na magagawang hanapin ni Relaina si Brent. Lalo pa't alam na ng pinsan kong iyon ang sikretong pilit na itinatago ni Brent sa mundo – ang sikretong may posibilidad na lalong sumira sa marami pang buhay kapag hindi pa tumigil ang lalaking iyon.
Kasama ko si Andz na bumalik sa classroom namin ni Relaina. But confusion and surprise filled me when I saw my cousin's empty seat.
"Nasaan siya?" tanong ni Andz na palinga-linga rin sa paligid.
Duh? I was supposed to ask that question. But then, kung makalinga naman ang lalaking 'to, parang alam na nito kung ano nga ba ang itsura ni Relaina. Sa pagkakaalam ko, hindi pa nito nakikilala ang pinsan kong iyon – personally or even through a picture. Maliban na lang kung may ninakaw na picture ni Relaina si Brent.
"Benedict, nakita mo ba si Relaina?" tanong ko sa isa sa mga classmates namin sa subject na iyon. Nagkataon kasi na ito ang seatmate ng pinsan ko.
"Bigla na lang nag-alsabalutan pagkatapos yatang sumunod ng labas sa inyo ni Armand. Para pa ngang nagmamadali, eh. May hinahabol siguro."
I couldn't help facing Andz after hearing that. Both of us had the same expression on our faces.
Confusion.
"Ate, posible kayang... narinig niya ang pinag-uusapan natin kanina?" Andz ventured.
My gosh! Aina, ano ba ang tumatakbo sa utak mo ngayon? What in the world was going on with you?
I grunted upon realizing something. "Mukhang hindi lang si Brent ang hahanapin nating dalawa ngayon, Andz."
And no doubt, the boy got my message. Pero kung totoong narinig nga ni Relaina ang pinag-uusapan namin ni Andz, mukhang pinatunayan lang n'on ang hinala ko na malaki ang maitutulong ng pinsan ko sa paghahanap kay Brent.
Hindi ko nga lang alam kung paano nito magagawa iyon. Pero wala akong ibang choice sa ngayon kundi ang maniwala. To have faith that Relaina could still do something to pull Brent out of that darkness.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...