My Turn To Find You

1 1 0
                                    

I don't want this fight to be something we're never supposed to win... -- Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

PAGOD na ako sa pagtakbo, sa totoo lang. Ramdam ko iyon pero hindi ko inalintana. All I wanted to do was to run and run until I finally found that heck of a guy.

Damn it! Naturingan na itong wala sa paningin ko at lahat, ginugulo pa rin ng buwisit na iyon ang isipan ko.

Pero magkaganoon man, aaminin kong hindi ko pa rin mapigilang mag-alala para rito. It was as if a hand clenched my heart tight every time I would think that he could be in danger that he imposed onto himself. Wala pa man din pakundangan ang lalaking iyon pagdating sa sarili nito. Mas mahalaga rito ang sarili nitong emosyon.

At iyon ang mas malala!

That was why I had to find him as soon as possible.

Sorry kung hindi man lang ako nagpaalam, Mayu. I just didn't want my cousin to laugh at me or even tease me for doing this for the guy whose guts I knew I hated to the core since day one. Ayoko munang marinig iyon mula rito. Finding Brent and as much as possible, stopping him from whatever mad actions his mind had come up with should be my goal.

She halted to a stop and panted hard with my hands placed on my knees. Grabe! Ang sakit sa dibdib, ah. Pero okay lang. I guessed it was worth it. Besides, kasalanan ko rin naman.

Pero hindi ko pinagsisisihang nakinig ako sa pag-uusap nina Mayu at Andz. Sinasabi ko na nga ba at bad news ang hatid ng batang iyon. Not only did I learn that Brent was still sick even after three days na absent ito sa klase, but also that he was missing since the other night.

"Ano ba'ng itinatakbo ng utak mo, buwisit na kamote ka? Wala ka na bang ibang gagawin kundi pasakitin ang ulo ko?" Oh, great! I was definitely going crazy. Nagtatanong ba naman kasi ako sa taong wala naman sa harap ko.

Hay, naku po! Mukhang ako pa yata ang mababaliw nang wala sa oras dahil sa sira-ulong kamoteng iyon. Pero heto na. Nandito na ako sa labas kahit walang tiyak na patutunguhan sa ngayon.

Hindi ko alam kung ano ba'ng pumasok sa utak ko at nag-alsabalutan ako nang biglaan. The moment I heard the name "Carol", I knew Brent was at it again. Mananakit na naman ito. Maninira ng buhay ng iba.

I wasn't a hero, but I knew in my guts that I had to put a stop to that. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung papaano ko gagawin iyon. But I knew I had to do something.

Vivian's words kept ringing in my mind. Na ako lang daw ang tanging makakapigil kay Brent sa gawain nitong iyon. But heck! How was I supposed to do that? Heto nga't hindi ko pa magawang sabayan ang takbo ng utak nito.

And the most important question of all...

Saan ko hahanapin ang kamoteng iyon?

Damn it! Bakit ba hindi ko naisip kaagad iyon? Nawawala na talaga ako sa sarili ko. That wasn't intentional, though.

Okay. Think, Relaina. Think. Paganahin mo nang maayos ang utak mo. Breathe in... Breathe out... It went like that for a few moments, though I wasn't sure if it even lasted for a minute or two.

Until I realized something.

Posible kayang... hindi sa lugar kung saan natagpuan ni Brent si Carol naroon ang lalaking iyon? Besides, ano naman ang reason nito para bumalik sa lugar na iyon? If that was the case, then that location was out of the list of possible places.

Hindi rin naman ang building kung saan naganap ang pagkamatay ni Vanz Esguerra. According to Oliver, matagal nang na-demolished ang building na iyon. In fact, wala pang ipinapatayong kahit na anong establishment doon hanggang ngayon.

"Great! Hindi talaga marunong makisama ang lahat." Nag-aala-detective na nga yata ako sa ginagawa kong pag-iisip, eh. Parang Nancy Drew lang. Pero wala pa rin.

Hanggang sa may maalala ako. It was something that Vivian said...

"Kaya umuwi si Brent noon na pulos pasa at sugat ay dahil nakipag-away pa siya sa mga lalaking kasama ng babaeng nagkataong girlfriend pala ni Kuya. Pinilit pinaamin ni Brent ang mga lalaking iyon kung nasaan si Carol pero tikom ang bibig ng mga ito. Iyon ay kahit muntik na silang patayin sa bugbog at palo ng kahoy na kalakip ng matinding galit ni Brent..."

"Saan na nga ba natagpuan ni Brent ang mga lalaking iyon na kasama ni Carol nang gabing iyon?" Oo, alam kong para na akong tanga sa pagkausap ko sa sarili ko.

I had been asking a question that no one could help me answer at all.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Regalo sa akin iyon ni Kuya Evon last Christmas, though it wasn't truly enough to compensate for not actually attending the occasion like he used to. Alam kasi nito ang ginawa kong pagtapon sa cellphone ko. I scrolled through the list of contacts stored in that phone. Sa lahat ng mga taong puwede kong pagtanungan, dalawang pangalan lang ang nangingibabaw.

Oliver and Vivian.

Pero sino sa kanilang dalawa ang makakasagot sa tanong ki? Geez! This was no time to contemplate on that.

Argh! Bahala na nga.

With a heavy sigh, pinindot ko ang numero ng taong pakay ko at tinawagan ito.

"Hello? I need your help with something."

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon