What words can I use that'll convey my message to you? – Anata Ga Iru Koto De (With You), Uru
xxxxxx
[Relaina]
Tumagos sa nakapikit kong mga mata ang pagkalat ng liwanag sa paligid. At that point, I knew may dumating nang iba pang estudyante. O may kung sinong nagbukas lang talaga ng ilaw.
"Ang aga natin, ah."
I opened my eyes upon hearing that. I turned around to face the person who was approaching her. Tanging maliit na ngiti lang ang iginawad ko kay Neilson.
"How's your arm? Masakit pa rin ba?"
Tumango ako. "Pero kahit ganoon, kailangan ko pa ring pumasok. Ayokong makompromiso ang pag-aaral ko."
"You should be taking care of yourself more. Lalo na ngayon." Neilson's face turned solemn as he sat beside me and looked away.
Katahimikan ang bumalot sa paligid namin. Bakit ba napaka-depressing ng aura ng mga tao sa paligid ko ngayon?
"I heard from my brother... about what really happened for you to have that bruise," kapagkuwa'y sabi ni Neilson. Magkasalikop ang mga kamay nito.
"Sinabi niya sa iyo ang totoo?" Hindi na ako nagulat doon pero natigilan pa rin ako. Ang alam ko talaga, hindi magsasabi ng kahit na ano ang lalaking iyon.
"He did tell me that he hit you accidentally. At nagi-guilty siya dahil doon. Nangako pa man din daw siya na hindi ka niya idadamay sa gulong kinasasangkutan niya. Pero saksakan ka raw ng tigas ng ulo. Even still, he said he was truly grateful..." He paused, and faced me soon after. "...that you were there to stop him from doing further irreversible damage."
Hindi ako nakaimik pagkatapos kong marinig iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin, kung ano ang dapat kong maramdaman. Magkagayon man, isa lang ang hindi ko maitatanggi.
I truly felt glad that I wasn't too late.
"How is he?" mahinang tanong ko. Dala na rin siguro iyon ng speechlessness ko sa mga narinig ko kay Neilson.
Nagkibit-balikat naman ito na bahagyang ikinakunot ng noo ko.
"Hindi ko naman masabing okay siya and I can't say otherwise, either. Wala na siyang lagnat. But I could tell that he was depressed, moping in his room. Hindi rin niya mapatawad ang sarili niya na nasaktan ka niya nang ganoon. So he was beating himself for it. Mukhang hindi talaga niya matanggap na nagawa niya iyon sa iyo."
I just let out a hollow chuckle. Sa totoo lang, ayoko nang imagine-in ang mga posibleng pinaggagagawa ng kamoteng iyon para lang parusahan ang sarili nito.
"He was never like that to other girls he hurt, though. I mean, maliban sa mga pinsan naming babae at family friends na rin," pagpapatuloy ni Neilson. Nag-angat ito nang tingin at hinarap ako nitong muli.
Bagaman lihim kong ikinagulat iyon, nanatili lang akong nakaharap dito.
"Nagbago lang ang lahat magmula na dumating ka sa buhay niya, sa maniwala ka man o hindi."
"Neilson..."
"Hindi ko nasabi sa iyo ito nang harapan kahit kailan. It's because I didn't know how. I'm not as vocal as my twin brother." At napansin ko ang pagdaan ng 'di maipaliwanag na lungkot sa mga mata nito.
Siyempre pa, ipinagtaka ko iyon. Until a certain realization hit me.
"Were you, by chance, jealous of your brother?" nananantiyang tanong ko.
Neilson chuckled as he slightly shook his head. "'Jealous' is the worst term. I guess I could classify it as slightly envious. At hindi ko ide-deny iyon."
"In short, may kinaiinggitan ka pa rin sa kakambal mo."
Nawi-weird-uhan na talaga ko kay Neilson nang mga sandaling iyon. Ano'ng nakain nito at parang naglakas-loob yatang dumaldal sa harap ko – este, sa tabi ko pala? But then masasabi kong normal din palang magkapatid sina Brent at Neilson. Akala ko talaga noong una, walang pinag-aawayan o inggitang nangyayari sa dalawang ito.
At parang may ideya na ako kung ano na nga ba ang kinaiinggitan ni Neilson kay Kamoteng Brent.
"By the way, kumusta na nga pala ang pagpapalipad-hangin mo sa pinsan ko?" tanong ko rito bilang pag-iiba ng usapan. Hindi ko lang kasi matagalan ang kaseryosohan ni Neilson, eh. Mas sanay akong lagi itong friendly at nakangiti kahit obvious na may reserbasyon pa rin sa ngiti nito. Ayokong isipin na ito ang may sakit at hindi si Brent dahil sa seryosong aura nito. He was worried for his twin brother and I could see that.
Neilson blinked, as it seemed like he was slightly perplexed at my sudden change of subject. Nagkibit-balikat lang ito at ngumiti. "Hayun... Nasa hangin pa rin, patuloy na nakalutang."
"You mean, hindi mo pa rin siya pormal na nililigawan?" Seryoso lang? Ganito ba talaga katorpe ang lalaking ito?
"Nagpapahiwatig lang ako pero sa tuwing maglalakas-loob na akong magsalita para sabihin sa kanya na gusto ko siyang ligawan, agad na lang nawawala iyon. Nakita mo nga na pati ang pagyaya ko na i-date siya, hindi ko pa direstong masabi," nakangusong reklamo nito.
Ang bruhong 'to, sa akin pa talaga nag-complain? Makambal nga talaga ito at si Brent. Pareho lang may saltik sa utak.
Bumuntong-hininga ako. "Alam mo, hindi na ako magtataka kung dumating ang panahong pagsisisihan mong pinairal mo ang dakilang katorpehan mo. Don't waste those chances laid out in front of you. Hindi mo man makuha ang gusto mo, at least wala kang pinalampas na pagkakataon. You did your best... but maybe it wasn't really meant for you if you failed to have it. Mas okay na iyon kaysa ang magsisi ka."
Hanggang sa sumagi sa isipan ko si Brent. And I didn't even know why. Great! Just great! Wala namang kinalaman ang kamoteng iyon sa advice ko kay Neilson, ah.
Ang weird lang. Nakakainis!
"It seems to me you've fought a lot of times to get what you want," basag ni Neilson sa ilang sandaling pananahimik namin.
"Fighting is different from taking chances with all the determination you have. But I guess those two terms can still be related to each other."
"So you're saying that I should be a little more aggressive?"
I frowned. "I was thinking more of having additional courage to boost up your determination to woo my cousin." Natawa na lang ako at saka napailing. "Ano ba 'tong itinatakbo ng usapan natin?"
"Napansin mo rin pala." After that, Neilson took something from his backpack. Kumunot na naman ang noo ko nang may inabot ito sa akin na IPod at isang purple na rectangular box.
Mukhang alam ko na kung kanino galing iyon. But what was with the IPod?
"May nilagay diyan si Brent na ni-record niya kagabi. He told me to give it to you. Peace offering, I think." At lalo pa nitong inilapit sa akin ang hawak nito.
It didn't take me long to accept it. I would've laughed at the gesture pero parang insulto naman iyon. And I knew if I did that, it would hurt Brent even more.
"Pakibantayan mo na lang muna ang mga gamit ko, ha? I need to go outside," sabi ko. At alam ko na naintindihan ni Neilson ang gusto kong gawin.
Tutal, may mahigit 30 minutes pa bago magsimula ang klase. I'd take that time to listen to whatever was recorded on that IPod.
"Take your time."
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...