As The Rain Falls

1 1 0
                                    

Even if you can't see me, I'll be by your side... ~ Don't Worry, Yoo Seung Woo

xxxxxx

[Relaina]

2:46 PM...

Kahit siguro magwala ako roon para lang makinig sa akin ang kalangitan, wala pa rin sigurong mangyayari. Kung bakit ba naman kasi ako minamalas ngayon, eh. Desidido na nga ako't lahat, hindi pa marunong makisama ang panahon sa goal ko.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandoon na iyon, eh. No choice kundi maghintay.

Kataka-taka ba kung ano'ng ipinagwawala ko? Heto, bumuhos lang naman ang napakalakas na ulan kung kailan naman didiretso na sana ako sa meeting place namin ni Kamoteng Brent. I even growled at the sky nang lalo pa iyong lumakas na parang ba gusto lang mang-asar. Kamalas-malasan ko pa dahil wala man lang akong dalang payong. Bakit ba naman kasi ako minalas ngayon kung kailan importanteng-importante?

Nakakainis na talaga!

Until 2:30 PM lang dapat ang last class ko. Pagkatapos n'on, napagdesisyunan ko nang umalis kaagad para hindi ako ma-late. Pero pagtapak naman ng mga paa ko palabas ng CEA building, saka naman nang-asar ang buwisit na panahong ito. And so, for more than 15 minutes, I had been waiting for the rain to stop.

Ang kaso, heto nga't hindi pa rin marunong makisama ang kalangitan. Hindi naman ako excited or anything dahil makikipagkita ako kay Brent after how many days. Hindi excitement ang nagdadagdag sa kabuwisitang nararamdaman ko.

Pag-aalala. And yes, I would admit na para nga sa lalaking iyon ang pag-aalalang ito. Alangan namang itanggi ko pa. Kilala ko ang kamoteng iyon kahit madalas sa hindi ay inaasar ako n'on. Alam kong desidido ito nang sabihin nito sa recorded message na hihintayin ako nito sa Promise Tree. Sigurado ako na hindi nito ikokonsidera ang panahon sa desisyon nitong iyon.

Konsensiya ko pa kapag nalaman kong naroon na ang lalaking iyon sa Promise Tree at wala man lang itong dalang payong. Baka masermunan pa ako ni Mayu o 'di kaya ni Neilson kapag nalaman ng mga iyon na may parte ako sa desisyon nitong magpakabasa sa ulan para lang makausap ako.

Napatingin ako sa wristwatch ko. I couldn't help groaning in frustration again.

2:51 PM. Nine minutes before 3. Aabot pa kaya ako sa pagpunta roon?

Isang eksaperadong buntong-hininga na lang ang pinakawalan ko matapos kong tingalain ang langit na patuloy pa rin sa pagbuhos ng ulan.

Ah, whatever! Bahala na talaga si Batman sa akin. Hindi na ako puwedeng magtagal doon. Nagmamadali na akong umalis sa lugar na iyon kahit umuulan at wala akong payong. Hindi naman ako nag-aalala sa mga gamit ko dahil ipinadala ko na lang ang mga iyon kay Mayu. So at the moment, I was only caring and worrying about myself.

Seven minutes later, I finally reached the cove. And from where I was standing as I squinted, she saw Brent beneath the Promise Tree. Lihim akong napamura nang makita kong wala itong dalang payong. Tanging ang malalagong dahon lang ng Promise Tree ang ginagamit nitong pananggalang sa ulan. Pero alam kong hindi sapat iyon.

"Hindi na talaga ako magtataka kung mamamatay ako kaagad sa pag-aalala sa buwisit na Kamoteng Allen na 'to, sa totoo lang." But then, as if he would actually hear me ranting here.

I shook my head. Saka na ako magra-ranting. At gusto ko, 'yong maririnig ng kamoteng iyon. Agad ko nang tinahak ang direksiyong itinuro sa akin ni Brent mula sa cove. At the hidden right side of the cove, tumambad sa akin ang stone steps. About 20 steps. Hindi na ako nagtaka kung bakit wala pa yatang nakakakita nito. Masyadong mabato at madulas ang tinahak kong daan kanina lang. If Brent's direction hadn't stayed in my mind and guided me, ewan ko lang kung saan na ako pupulutin sa mga sandaling iyon.

Wala na akong pinalampas pang sandali. With determined and fast steps, it didn't take me long to reach the last step. Tinakbo ko na ang maputik na pathway patungo sa kinatatayuan ng Promise Tree. I saw Brent leaning against the strong and enormous trunk of the tree with his head raised and eyes closed nang marating ko na iyon.

He was patiently waiting despite the falling rain that would surely cause him to be sick once again. Sa totoo lang, makakatikim talaga ang lalaking ito sa akin ng bulyaw, eh.

Napabuga ako ng hangin sa inis. At walang paligoy-ligoy pa na pinaliit ko na ang pagkalaki-laking distansiya naming dalawa.

"Nagpapakamatay ka bang lalaki ka, ha?" salubong ko rito nang tumigil aki sa harap nito.

Siguro, may about 2 feet din ang tanging distansiya namin nang sabihin ko iyon. Pero hindi man lang ito nagulat o natinag. I saw him casually open his eyes and finally lowered his head to face me.

"Laine... You came..." Iyon lang ang sinabi nito. Subalit ang malungkot na anyo nito ang naghatid sa akin ng 'di maipaliwanag na pag-aalala para sa taong ito.

"Akala ko... hindi ka pupunta..."

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon