It's not easy what we've been through. It's not easy what we have to face. But it would not be that hard if we don't let go of each other's hand... -- Try, O-Pavee
xxxxxx
[Relaina]
Feeling ko, lutang pa rin ang utak ko dahil sa dami ng mga nangyayari sa paligid ko. Kahit nga habang pinapanood ko ang ina ni Kamoteng Brent na inaalagaan ang panganay na anak, para lang akong tuod doon. Hindi kumikilos kahit na nag-aalala rin ako sa lagay ng kamoteng iyon.
Kung hindi ba naman kasi talaga sira-ulo 'tong bugok na 'to.
"Sigurado ka ba na okay lang ang pakiramdam mo, hija?"
Ang tanong na iyon ni Doktora Fate ang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko. Napatango na lang ako.
"Pasensiya na po talaga sa gulo. Kung alam ko lang po na—"
"Hey... It's okay. I know my son would do something like this. He can be hard-headed sometimes," nakangiting turan ng ginang.
Pero sa isip ko, hanep ang pagdadatingan ng kung anu-anong reaction whatsoever. Sometimes lang talaga umiiral ang hardheadedness ng kamoteng 'to? Hindi halata.
"I think your mind is disagreeing with what I said."
Lihim na lang akong napangiwi at saka ko hinarap si Doktora na may alanganing ngiti. "Halata po ba?"
Tumango ito na may amused pang ngiti sa mga labi nito. Now that I thought about it, parang nakikita ko na kung kanino namana ng magkakapatid na Montreal ang ngiti ng mga ito.
"Why don't we leave him here to rest for a while? Nagpahanda na rin ako ng sopas para mainitan ang sikmura mo. Mahirap na at baka magkasakit ka na rin."
Wala na akong nagawa kundi pagbigyan ang nais ng ginang. But as I was leaving, I couldn't help glancing back at Brent's sleeping form. He truly looked so peaceful, para bang hindi ito nakaramdam ng bigat ng kalooban kanina lang.
"May problema ba, Relaina?"
Napatingin ako kay Doktora. Noong una, nag-alangan pa akong ilabas ang gusto kong sabihin. But the look of assurance in this woman's eyes dissipated my hesitation.
"Doktora... Usually kapag ganitong may sakit si Brent, inaabot po siya ng ilang oras bago magising sa pamamahinga niya?"
Yup, I know. Lame question. But it was something quite important to me.
"An average of three hours, more or less," sagot nito na ikinatango ko na lang.
"So I still have three hours to think about it, then," tanging usal ko saka ako napabuntong-hininga.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Doktora. Marahil ay narinig nito ang sinabi ko. Laking pasalamat ko na lang na tila wala naman itong planong mag-usisa pa. Sumunod na lang ako rito hanggang sa marating namin ang dining room.
Agad kong nakita roon sina Mayu at Neilson na masayang nag-uusap. Napailing na lang ako.
"Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang 'to," komento ko na lang at naupo sa upuang itinuro ng ginang sa akin.
Mayamaya pa ay inihain na ng isang maid ang isang bowl ng chicken macaroni soup—my favorite pero si Mayu at ang parents ko lang ang talagang nakakaalam. Nagpasalamat ako sa maid na iyon at pati na rin kay Doktora bago ko sinimulan ang pagkain.
Pinilit kong ganahan ang pagkain n'on kahit na manaka-nakang napapatingin ako sa hagdanan patungo sa second floor kung saan naroon ang silid ni Brent. I didn't know why I kept doing that kahit ano'ng pigil ko sa sarili ko na huwag gawin iyon. Wala naman na akong dapat alalahanin, eh.

BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...