As I Watch You Sleep

1 1 0
                                    

No matter what happens to us from now on, I'll never turn my back on you or to the memories we made together... ~ Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

TANGING lampshades lang na nakadikit sa dingding at nakapatong sa bedside table ang nagbibigay ng liwanag sa silid na iyon pagpasok ko doon. Well, pumasok lang ako roon sa wakas pagkatapos ko tawagan ang parents ko na baka sa ancestral house na ko sa Hacienda Lunaria – ang pangalan ng hacienda na pag-aari ng mga Rialande at Delgado – magpapalipas ng gabi.

Sa gulat ko, walang kaabog-abog na pumayag ang mga ito. But they later explained na nasabihan na pala ang mga ito ni Doktora at wala namang kaso sa mga ito na naroon sa ko sa ibang bahay. At least daw, alam ng mga ito na maaalagaan ako roon. But from the tone of their voices, why did I have a feeling na plano pa yata akong ibugaw ng mga ito? May idea ba ang mga ito sa nangyayari sa amin ni Brent?

Pero alam kong walang makakasagot sa mga tanong niyang iyon. Kung may ideya man ang mga ito o wala, hindi ko na siguro malalaman. Kilala ko ang mga magulang ko. So pinabayaan ko na lang iyon kaysa naman sirain lang ng mga ito nang husto ang takbo ng isip ko. Ang dami na ngang panggulo, eh. Ayoko nang madagdagan pa.

Kahit carpeted ang sahig, dahan-dahan pa rin akong naglakad at tinungo ko ang kama kung saan nakahiga si Brent. Ayoko pa ring gumawa ng ingay para makapagpahinga nang maayos ang lalaking ito. Before I could even stop myself, naupo na ako sa gilid ng kama at saka ko tinitigan ang mukha ng lalaking nakahiga roon.

Hindi ko napigilang ngumiti nang malungkot sa nakikita ko sa mga sandaling iyon.

Brent was surely sleeping well. I just hoped he got enough rest after this para naman maging pangmatagalan na ang paggaling nito. Ayoko na kasing patuloy na mag-alala nang ganito para sa kamoteng 'to, eh. Ang sakit kaya sa ulo. Nakakainis pa. Hindi rin maganda para sa puso ko na nag-aalala ako para sa taong 'to.

Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba talaga ang ipinag-aalangan ko. Meron nga ba talaga akong dapat na ipag-alangan sa mga nasabi ko kanina?

"Kung talagang desidido kang kausapin ako at para malaman mo na rin kung ano talaga ang nasa isipan ko dahil sa pagpalo mo sa akin, then magpagaling ka muna. Take a good rest at kapag nagising ka na wala ako sa tabi mo o hindi mo ako nakita sa paligid mo sa pagmulat ng mga mata mo, then it's over. Ibig sabihin lang n'on, hindi na kita mapapatawad pa at tuluyan na akong maglalaho sa buhay mo."

I should have made my decision the moment I said those words to Brent bago ito nag-collapse sa harap ko. Hindi ko sasabihin ang mga salitang iyon kung alam kong hindi ko makakayang panindigan ang mga iyon. Isa lang ang puwede kong gawin. Ang manatili sa tabi ni Brent hanggang sa magising ito o ang tuluyan nang umalis doon at hindi na magpakita rito.

Iyon lang naman iyon. Ganoon lang naman dapat kasimple, 'di ba? Of course, I should've known that it was easier said than done.

But actually deciding on that important matter proved itself to be harder than I could ever think of. Lalo na ngayong tinitingnan ko si Brent nang ganito, nang walang distractions or anything similar. At habang tumatagal, napapansin ko na iisang desisyon lang ang lubos na nagiging malinaw sa isipan ko.

Siyempre pa, ginagatungan iyon ng peste kong puso. Ano'ng bago roon? Lagi naman, eh. Pero ayoko nang sabihing maloloka ako sa nangyayari sa akin kahit na iyon naman talaga ang totoo. As usual, mukhang lalabas na namang talunan ang isip ko.

"Hay... Ano ba talaga 'tong ginagawa mo sa akin, buwisit na kamote ka?" tanging usal ko na lang habang patuloy pa rin akong nakamasid sa pagmumukha ng tulog na kausap ko nang mga sandaling iyon.

The moment I asked that question, my mind and my heart finally came up with a decision. Well, mas lamang ang desisyon ng puso ko kaysa sa isip ko. And I knew there and then, there would be no turning back.

I know I was doing this for him, to pull him away from the darkness that chained his heart for so long.

That he had done everything for me, to push the darkness out of his life like the light from a candle. But the thought of letting go of it forever, of going back into that dark after all that I had done to save him, of never being able to wake up again to the sound of my voice echoing through his head, made me feel weak and scared inside.

Not for myself... but for the Brent that I knew would need me to be the light he needed. The one he had fought against so hard until it became apparent that fighting was pointless. I knew the fight had left him somehow. I've been watching over him ever since the day we met even if it wasn't something I did intentionally.

But if only I could have kept on staying by his side while also giving him that strength... that confidence that always seemed to come naturally to me... Alam ko. Hindi na siya maliligaw ng landas. I need to have faith in that, at least.

Ito na lang ang magagawa ko para sa kanya.

"Learn how to be grateful about this when you wake up... okay?"

Huli na nang maramdaman kong tumulo ang luha sa mga mata ko. But I could care less. Para naman sa kanya ito, eh. These tears... would be the witness of the promise I made to myself that could possibly save him from this darkness.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon