You have me now, you'll never lose your way again... -- Meteor Rain, F4
xxxxxx
[Brent]
3 ½ hours later...
URGH! I hated it! I hated waking up like this.
Seriously, waking up with a terrible headache as if several beer bottles were actually smashed on my head was totally the worst feeling. Pero ano ba 'tong nirereklamo ko? Magbabad ba naman kasi ako sa ulan nang mahigit isang oras. Hindi na nga lingid sa akin na sobrang mahina ang resistensiya ko ng pagdating sa ulan, sumige pa rin ako.
Oo na. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ko. Ano ba'ng bago roon? Pero alam naman ng lahat na kapag may naisip akong gawin at seryoso ako roon, kahit sino o kahit ano, kahit pa ang panahon, ay hindi ako kayang pigilan.
May dahilan naman ako, eh. May dahilan kung bakit ganito na lang ako kaseryoso. And for me, that reason was something I would consider as a life-or-death situation. Or at least, buhay o kamatayan ng puso ko ang nakasalalay. Yes, I knew. Corny na iyon. Pero wala na akong pakialam. Iyon ang nararamdaman ko, eh.
Speaking of which...
I blinked a few times para lang matanggal ang pagiging blurry ng mga mata ko. Hindi nagtagal ay luminaw na ang tingin ko sa paligid ko.
Tanging lampshades lang sa dingding at sa bedside table ang nagbibigay ng liwanag sa silid ko. And when I looked outside the window, I noticed that the rain had stopped. In fact, kitang-kita ko na ang mga bituin sa langit. Pero agad na nawala roon ang atensiyon ko nang may maalala ako.
My eyes widened and I sat up. Pero kasunod niyon ay ang pagsigid ng kirot sa ulo ko. Damn it! Heto na naman ako, pabigla-bigla kaya nagkakaganito. I winced at the sudden surge of pain to my head. Pero saglit lang iyon. Kahit papaano ay unti-unting nag-subside ang pananakit ng ulo ko matapos ang ilang sandali. Huminga ako nang malalim pagkatapos n'on. Afterward, I looked around my room as my heart began to race in anticipation.
Masyadong malaki ang silid kong iyon pero ganoon lang naman iyon dahil small library-slash-study room-slash-bedroom na rin ang lugar na iyon. At sa ginagawa kong paglibot ng tingin sa silid ko, hindi ko mapigilang makaramdam ng pamimigat ng dibdib.
Ano ba naman 'to? Mukhang madi-disappoint pa yata ako nang husto sa mga sandaling iyon, ah. Pero dapat siguro, asahan ko na iyon. Hindi ko naman kasi puwedeng pigilan ang taong iyon sa desisyon nito in the first place. Ako lang naman ang nag-i-insist, eh. Siguro... dapat ko nang tanggapin na—
Bigla kong naramdaman na para bang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang ilang sandali nang may mahagip ang paningin ko o sa study table. I even had to blink a few times – may pakusot-kusot pa nga ako ng mga mata ko – para lang masiguro ko hindi ako nagha-hallucinate lang o ano pa man. Hindi iyon nawala kahit ginawa ko na ang mga iyon.
Then that means...
It was real. She was real.
Naroon nga si Relaina. Hindi ito umalis. Kung ganitong nagising ako na nasa tabi ko ito at nasa paligid ko, does that mean...?
Pero parang hindi pa rin ako satisfied. Nang makahinga na ako nang malalim, umalis na ako sa kinahihigaan ko at unti-unting lumapit sa study table kung saan nakatulog na roon si Relaina. God, I really hoped I wasn't hallucinating kahit nakailang kusot na ako ng mga mata ko.
It was just a few steps, but somehow, I could feel as if I'd walked a few kilometers. Okay, thay was definitely dramatic right there. Burahin na nga muna natin 'yan. At heto na, nakalapit na rin ako nang husto sa babaeng nakatulog na nga talaga sa study table ko. Relaina was still holding a book. She was probably reading it while waiting for me to wake up.
Isipin ko pa lang na pinagmasdan ako ng babaeng ito habang natutulog ako, pakiramdam ko ay kasing-taas na ng langit ang itinalon ng puso ko. Only this amazon girl could give me that weird feeling. Only this girl had changed me up to this point.
This girl... na walang ibang ginawa kundi ang kumpletuhin ang araw ko kahit na lagi ko itong iniinis, kahit na lagi kong tinutukso, kahit na lagi akong inaangilan...
...at kahit na nakita na nito ang kalupitang kaya kong gawin.
This girl... never left my side in spite of all that.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko o. See? This girl could even make me cry like this kahit tinitingnan ko pa lang ang natutulog na anyo nito. But I was crying at this moment because of one big reason.
Agad kong pinahid ang naglandas na mga luha sa pisngi ko nang mapansin kong unti-unti nang nagigising si Relaina. Pigil ko ang paghinga ko habang pinapanood ko ito sa pagmulat ng mga mata nito.
Moments later, our gazes met. At gaya ng madalas kong maramdaman at mapuna, it felt like as if time had stopped for me. Hindi ko alam kung ilang sandali rin kaming ganoon. Next thing I noticed, napalitan ng pag-aalala ang bahagyang pagkagulat na nakita ko sa mga mata ni Relaina.
Tumuwid ito ng upo sa mahogany chair na kinauupuan nito at saka ako hinarap nang maayos. "Gising ka na pala. Pero bakit ka naman kaagad tumayo? Baka mabinat ka niyan, eh." She placed her hand on my forehead, then to the sides of my neck. "Are you okay? May masakit pa ba sa iyo?"
Pero wala akong anumang naging tugon sa mga tanong ni Relaina sa akin. Nakatingin lang ako rito. I still couldn't believe she would worry this much about me.
"Does this mean you'll forgive me?"
+++++++++++++
A/N: I was listening to Alan's Japanese song entitled "Megumi no Ame", translated as "Blessed Rain" in repeat while typing this down. Ewan ko lang. Siguro dahil sa scene na umuulan kaya ganoon. Happy reading! #Vote#
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
عاطفية【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...