Until all the scars in your heart heal, I'll be here... ― Don't Worry, Yoo Seung Woo
xxxxxx
[Relaina]
"DOES this mean you'll forgive me?"
Natigilan ako nang marinig ko ang tanong na iyon ni Brent sa akin. His voice was full of anticipation, hope... and fear. Yes, I could also sense fear when he asked that question. Hindi ko alam pero bigla yata akong naging sensitive pagdating sa lalaking ito.
Or was it called empathic?
Okay. Right at this moment, I couldn't tell. Pero saka ko na pagtutuunan ng pansin iyon.
Tinanggal ko ang mga kamay kong nakapatong sa magkabilang gilid ng leeg ni Brent. Hindi ko inaalis ang tingin ko rito habang ginagawa ko iyon. It looked like he was truly expecting a positive answer from me.
At sino ba naman ako para tanggihan ito?
"Sa tingin mo ba, makikita mo pa ako rito sa kuwarto mo kung hindi pa kita pinapatawad? Hirap pa rin yata hanggang ngayon ang isip mo sa pagpo-process ng mga pangyayari, eh." Bumuntong-hininga ako. Napangiti ako nang malungkot pagkatapos, bagay na nahalata kong ikinabigla ni Brent. "Nakakainis ka talaga, alam mo ba 'yon?"
"Laine..."
"At ang kulit mo pa. Sinabi ko nang huwag mo na akong tinatawag na 'Laine', 'di ba?"
Nagkibit-balikat lang ito, pero halata ang katamlayan nito nang gawin nito iyon. "I just couldn't stop my heart from doing so. Ikaw lang naman ang mayroong ganitong epekto sa akin, alam mo 'yon?"
Okay... I didn't expect to hear that from him. At ang puso pa talaga nito ang sinisisi, ha? Nagdedeliryo pa rin yata ang bugok na 'to, eh.
"Ewan ko sa 'yo. Hanapin mo nga muna kung saan na naman lumipad ang utak mo. Baka sa kung saan mo itinapon at kung anu-ano na ang pinagsasasabi mo riyan." Idinaan ko na lang sa biro ang biglaang pagbilis na naman ng tibok ng puso ko dahil sa pinagsasasabi ng kamoteng 'to.
"You still hadn't answered my first question," he said somberly. Malayo sa banat na bahagyang inaasahan kong sasabihin nito.
Tiningnan ko si Brent. I did so for a few moments before I took a deep breath. "Do I really have to say it out loud para malaman mo ang totoong sagot? Brent, hindi mo ako makikita sa silid na ito kung hindi pa rin kita pinapatawad hanggang ngayon. And I believe I said that earlier."
"Hindi yata ako nakikinig o hindi lang na-absorb nang matino ng utak ko," mahinang saad nito.
"Napansin ko nga," sarkastikong turan ko. I even rolled my eyes before sighing. "But it's okay. Besides, sinabi ko rin naman sa iyo kanina noong naroon pa tayo sa Promise Tree. Kapag hindi mo ako nakita sa tabi mo o malapit sa iyo paggising mo, ibig sabihin lang n'on ay wala na talaga akong pakialam sa iyo. Kesehodang magpakamatay ka riyan, I wouldn't give a damn care." I exhaled soon after.
Walang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos n'on. Napatingin tuloy ako rito dahil napaka-unusual ng ganoong sitwasyon sa pagitan naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mapaupo ito sa sahig na para bang nanghina ito. Namalayan ko na lang ang sarili kong nilapitan ito at tinatanong kung ano'ng nangyari rito at kung okay lang ba ito.
Pero para ako itinulos sa kinatatayuan ko nang makita kong umiiyak si Brent sa harap ko.
Again.
"Brent..." Ano ba naman 'to? Bakit nawalan yata ako ng sasabihin nang mga sandaling iyon?
I really hated seeing this guy like this. Kahit ito na yata ang pinakanakakabuwisit na lalaking nakilala ko at dumaan sa buhay ko, hindi ko kailanman ginustong makita ito na nahihirapan nang ganito.
"I got scared, you know... that you would truly leave me after what I've done to you. What exactly made you decide to stay?"
Again, I became speechless upon hearing that. Ano nga ba ang nagtulak sa akin na manatili sa tabi nito kahit ngayong nagkamalay na ito?
And then I remembered the reason my mind had conjured – the reason that I hoped would help Brent for the better.
"Nandito ako sa tabi mo dahil gusto kong makita gamit ng sarili kong mga mata na tutuparin mo ang isang bagay na gusto kong ipangako mo sa akin," saad ko na ikinakunot naman ng noo ni Brent.
Marahil ay ipinagtaka nito ang gusto kong ipahiwatig sa sinabi kong iyon.
"Promise me this one important thing, Brent. You got to stop hurting others relentlessly. Tama nang mahigit isang taon mo nang binabalot ng guilt ang puso mo. Wala namang patutunguhang maganda 'tong ginagawa mong pananakit sa iba, eh. Ikaw lang ang lalong mahihirapan."
Ilang sandaling walang imik si Brent bago ko ito nakitang umiling. "I don't know... I'm not even sure if I can let it go easily just because—"
"But you have to. Iyon lang ang tanging paraan para matahimik ka. Kung ang pananatili ko sa tabi mo ang kailangan mo para lang itigil mo na ang senseless vengeance spree mo, then I'll stay with you. I promise you that. Just... stop hurting others and most of all, stop torturing yourself," pagrarason ko.
Yeah, I know. This was truly getting dramatic. But at that point, I didn't really care. Ang importante lang sa akin sa mga sandaling iyon ay matigil na ang lahat ng pinagdaraanan na ito ni Brent.
I wasn't doing all this because of other people's favors and requests. I knew at that moment that I was doing and going through all this convincing and other efforts because of Brent. At totoo ang lahat ng pinagsasasabi ko rito.
I sighed when he didn't say anything. Lalo akong lumapit rito at lumuhod sa harap nito. Walang pag-aalinlangang pinahid ko ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nito.
"I'm telling you the truth. Don't ever doubt that. Basta ipangako mo sa akin iyon at tutuparin ko ang ipinangako ko sa iyo – na mananatili ako sa tabi mo," sabi ko at saka ito nginitian. "Okay?"
Namalayan ko na lang na muli akong pumaloob sa mahigpit na yakap ni Brent habang nakaluhod ito. Lumuwang ang ngiti ko kahit na parang maiiyak na ako nang maramdaman ko ang pagtango nito sabay bulong ng "I promise" sa tapat ng tainga ko.
And without pretenses, I returned his embrace to the same degree.
Sa muling pagtulo ng mga luha ni Brent habang yakap ako nito, alam kong hindi lang sa balikat ko tumulo ang mga iyon. Tumulo rin ang mga iyon sa puso ko. Well, figuratively speaking, that is.
Ang mga luha ng pagtupad sa pangako... Nasaksihan ng liwanag ng buwan at kinang ng mga bituin ang pagtulo ng mga iyon.
At alam ko na panghabangbuhay nang mananatili iyon sa isipan ko... na mag-uukit din ng pangmatagalang marka sa puso ko.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...