Game 75: Can I?

38 2 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
RINIG ko pa ang iyakan ng mga bata sa loob pero si Ate Alanis, Ate Kastiel, Sinji, Saviel, Kuya Reiden, Kuya Senri, Doc Gun, Kuya Calvin, Kuya Trev, at Thud ay naiwan sa labas habang nakatingala sa helicopter na patuloy sa pagpapaulan ng bala.

"Fumiko, okay ka lang ba?" lumapit sa akin si Andrew at sinuri niya ang katawan ko. Nang makita nitong ayos lang ako ay saka niya ako binitawan at bumalik ulit sa mga bata bago niya niyakap ang mga 'yon.

"What now, Aqueros? What's your order?" usisa ni Rent kay Kuya Aqueros.

Nasapo na lamang ni Kuya ang kanyang noo.

"Tell Cohen and Devoncourt to take down that helicopter. Kurusaki and Montenegro will be their back ups. Blas, Thorndike, Dirkshied and De Chavez will capture that woman. Now!"

Agad na kumilos si Rent at napatingin na lamang ako sa labas kung paano kumilos si Ate Alanis at Ate Kastiel para lang mapabagsak ang helicopter na 'yon. Gusto kong maiyak dahil sa nararanasan namin ngayon. Kung hindi dahil sa akin hindi sila mapapahamak.

"Don't think it that way Tita Fumiko,"

Napalingon ako kay Railene na ngayon ay nakalapit na pala sa akin.

"W-What?"

"It's not your fault if they are attacking us. As what our parents job, it's normal for us to witness this kind of situation and as for you, you should trust them because they are trained for this kind of matters."

Hindi ko alam kung makakalma ako sa sinabi ni Railene o kakabahan lang lalo pero tama siya, kailangan kong pagkatiwalaan ang mga taong itinuring ko nang pamilya at sigurado akong poprotektahan nila kami lalo na ang mga bata.

Nagkaroon ng engkwentro sa labas ng beach house at walang pang isang oras, napabagsak ni Ate Kastiel at Ate Alanis ang helicopter kahit na gumagalaw ito gamit lamang ang kanilang bilis.

Sa bilis ng mga pangyayari, tanging ang istriktong boses ni Kuya Aqueros ang siyang naririnig ko at hindi ko namalayan na yakap-yakap ko na pala si Railene kung hindi pa lumapit si Ernaline para kunin ang anak niya sa akin.

Tulala lang ako sa kawalan habang nagkakagulo sa paligid at pilit nilang hinuhuli si Tina na siyang lumusob sa amin. Ibang klase din talaga ang lakas ng loob ng babaeng ito dahil nilusob niya ang mga taong may karanasan sa pakikipaglaban at sa dahas.

"Let go of me!"

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni Tina kaya naman nagpumilit akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa carpet at tinakbo ang pintuan palabas ng balkonahe kung saan naroon si Tina kasama ang piloto nito habang nakatali ng lubid ang mga katawan ng mga ito.

"Pinabagsak ko na ang organisasyon ninyo, ano pa bang kailangan mo kay Fumiko!?" seryosong sambit ni Thud habang nakatingin ito kay Tina na ngayon ay nakaluhod sa harap naming lahat.

"Sa tingin mo ba doon lang matatapos ang lahat? Hindi! Hangga't merong nagpapatakbo sa amin, hindi kami titigil na hindi makuha si Fumiko--"

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Tina mula kay Sav dahilan para matutop ko ang sarili kong bibig dahil sa pagkabigla.

Hinawakan ni Sav ang pisngi ni Tina gamit lamang ang isa nitong kamay at nanggigigil na iniharap ito sa kanya.

"Nananahimik na ang buhay ni Fumiko kaya kung ako sa'yo manahimik ka na lang din habambuhay. Ang lakas ng loob mong lusubin kami gayong hindi mo naman kayang mapatumba ang isa sa amin."

Nanlisik ang mga mata ni Tina.

"Sino ka ba sa inaakala mo!?"

"We're the Bloodfist and you've got the wrong target you point at little missy,"

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon