Chapter 18
Pagkagising ko ay mag-isa na lang ako. Hindi ko tuloy alam kung nananaginip lang ba ako kagabi na dito natulog si sir. Hindi ko na ata napansin ang pagkakaiba ng reyalidad sa panaginip. Dagli akong nag-ayos dahil ayaw kong malate lalo pa at mas malapit ako sa school. Sinigurado ko naman na umabot ako ng 7:15 ay nakarating na ako dahil wala naman advisory class ang CT namin ni Jozh. Tamang mukha kaming may sari-sariling mundo.
"Ano na naman kaya ang gagawin natin maghapon nito?" tanong ni Jozh sa akin habang nakaabang kami ang tingin namin sa labas kung sakaling dadating CT namin.
Naglalaro na siya ng mobile legends habang ako naman ay nanonood ng one piece dahil nabuburyo na talaga ako.
"Gutom na kaagad ako, sir." Dagdag niya pa na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"May tinda na ba sa canteen?" tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin at saktong tapos na ang nilalaro niya kaya kaagad ko naman na pinause ang pinapanood ko. Lumabas kami sa LRC at isinara lang namin bago kami nagtungo sa canteen. Dahil sa pagkamadaldal ni Jozh ay medyo natagalan kami. Pagbalik namin ay sumalubong sa amin si sir. Nanatili akong nakakagat sa pancake na kinakain ko habang si Jozh naman ay naiwan na nakabuka ang bibig na kakagat pa lang sana.
"Good morning, sir." Magkasabay na bati namin sabay ayos ng tayo.
Mukha kaming istudyante na nagpaalam na mag-ccr tapos dumiretso sa canteen at nadakip ng teacher. Pinunasan ko pa bibig ko dahil baka may nagkalat ng asukal sa bibig ko. Si Jozh naman nagpagpag at nag-ayos ng damit.
Alam ko na hindi lang ako ang kinakabahan. Baka madamay school namin ni Jozh sa katangahan naming dalawa.
Nagutom lang naman kami.
"Good morning mga sir."
Ngumiti kami ng pilit sabay kamot sa batok.
"Ano tinda sa canteen?" tanong ni sir habang nag-iscroll sa phone niya.
Seryoso ba?
"Ano po, sir. Turon, may spaghetti kaso kulang sa ketchup, sir. Maputla tapos itong pancake medyo makunat nga eh. Tapos may pancit din po medyo nasobrahan sa luto nakita ko kasi tapos may macaroni soup po, sir, matabang narinig ko sabi noong bumili kaninang bata." Mahabang paliwanag ni Jozh.
Gusto ko man siyang batukan pero totoo naman kasi talaga lahat ng sinabi niya.
"Tapos may langaw, sir, iyong palamig sinalok lang."
Doon ko na kinalabit si Jozh.
"Totoo?" takang tanong ni sir kaya natawa kaming pareho.
"Wala naman langaw, sir. Dagdag k'wento lang si sir Jozh pero iyong kanina totoo talaga, sir."
Kinagatan ko pa ang kinakain ko para makita niya ang struggle ko maging si Jozh din na ikinatawa ni sir.
Pailing-iling pa siya kaya medyo nawala ang kaba ko.
"Nga pala aalis ako bago magrecess kayo na bahala sa klase na hawak ko. May iniwan akong activity para sa kanila sa table ko. Doon na lang kayo magstay sa LRC baka makita kayo ng principal."
Tumango naman kami kaagad.
"Maghapon ka, sir?" tanong ko.
"Hindi naman. Pero kayo na bahala sa lahat. Canteen muna ako saglit bago aalis. Mag-attendance kayo ah. Sige na."
Nang makabalik kami sa LRC ay tawang-tawa talaga kaming pareho ni Jozh. Kabado pa kami ganoon-ganoon lang naman pala. Mukha kaming tanga kanina kaya talagang hindi kami makarecover.
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand