Chapter 2

118 59 1
                                    

CHAPTER 2: SECTION ROSE

"Okay ka lang ba talaga?" naga-alalang tanong ni Shane sa kaibigan na si Andrea.

Kasalukuyan silang nakaupo sa paikot sa upuan sa cafeteria ngayon kasama sina Marjorie at Steffanie. Habang sina Keifer, Roni, at Mark naman ang kumuha sa mga oder nila.

"O-oo naman." Pilit na ngiti ang iginawad niya kay Shane upang hindi na ito mag-alala, ngunit magaling magobserba si Shane kaya naman napansin niya ang takot at kaba na pilit itinatago ni Andrea.

"Ano ba kasi talaga ang nakita mo, Andrea?" tanong ni Marjorie. Napatingin naman si Andrea sa mga kasama niya na hinihintay din ang sagot niya.

"K-kasi..." Hindi nito natapos ang sasabihin dahil dumating ang mga lalaking kasamahan nito.

"Food delivery!" Maligayang sabi ni Keifer.

Napansin naman ni Mark ang tensyon sa mesa. "Ang seryoso niyo ata? Is there something wrong?" Tanong nito kay Marjorie. Nagpalipat lipat naman ng tingin si Roni sa mga kasama.

"A-ah... kasi... tinatanong namin si Andrea kung ano ba talaga ang nakita niya kanina sa nemesis building." paliwanag ni Marjorie.

"So, ano nga yung nakita mo, Andrea?" nauusisa na tanong ni Roni.

"Kasi... M-may nakita ako na isang d-duguan na student sa nemesis building..."

"Yun nga sabi mo kanina." kumento kaagad ni Keifer.

"Patapusin mo muna." sabi ni Mark at tumingin kay Andrea.

"... nakita kong... nakatingin siya sakin habang kumakaway na n-nakangiti..."

Kaagad namang kinilabutan si Shane, Marjorie, at Roni sa kanya. Habang si Keifer at Mark ay mahinang mapamurra na lamang. Kahit si Steffanie na hindi naniniwala sa mga multo o kahit anong paranormal activities ay makikita rin sa mukha nito ang pagkatakot.

"Grabe! Nakakapangilabot naman yan!" Kumento ni Keifer na hawak-hawak ang magkabilang bsig niya.

"Wait..." napatingin naman sila kay Steffanie nang magsalita ito. "Is this happening dahil we kinda awoken the spirits that's living there?" maarte ngunit may bahid ng pagkatakot na sabi ni Steffanie.

Napaisip naman ang mga kasama niya.

"Possibly." sabi ni Mark

"Tama si Mark. Baka dahil sa ginawa natin nagising yung mga espirito na nandoon." sabi naman ni Marjorie.

"Alam niyo ba... Dati may nangyari daw sa isa sa mga section ng nemesis building..." sabi ni Roni at naintriga naman silang lahat. "... Dati, may isang section daw na nagka-klase dyan sa nemesis building... Ang section Rose..." Kuwento niya.

"Wait yung section Rose na ginamit natin na picture kagabi?" Tanong ni Keifer.

"Oo, yun." sagot ni Roni sabay tango. "Ang sabi-sabi... huling section daw ng fourth year high school ang section Rose. Hindi naman sa patapon sila, katunayan may matatalino, maimpluwensya, at talented na mga students sa section Rose..."

"Eh bakit last section?" takang tanong ni Mark.

"Kasi daw sa ugali nila. Mga matataas ang pride at mga bully. Madami na dawng binully ang section Rose. At ang huling binully nila ay isang babae..." patulloy niya sa kuwento.

"Teka... Huli? Bakit huli?" Tanong ni Andrea.

"Bakit nga ba nawala ang section Rose?" takang tanong ni Marjorie.

Retribution (Haunted Universities: File #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now