IKAW ANG GUSTO KONG AWARD
Yes! Graduate na ako, welcome college! Umakyat ako ng entablado na may ngiti sa mukha, dahil nagbunga ang mga araw na wala akong tulog at magpalipas ng gutom para lang matapos ang mga school works. Pasok ako sa honour list. Sayo, pasok din kaya ako?
Nakatanggap ako ng medalya at sertipiko. Nakakaproud, hindi naman ako matalino pero dahil sayo sinipag ako mag-aral. Ikaw ang naging inspirasyon ko, ang talino mo kasi tapos maganda pa.
Para kang award, dapat ka kasing paghirapan bago makuha. Pagsisilbihan, aalagaan, paglulutuan, at mamahalin habang buhay. Kahit gaano pa karami ang achievements ko, ikaw lang ang gusto kong maging award.