04

5 1 0
                                    

anong gusto mong timpla ng kape?
ako kasi yung tama lang.

nakakalimang basong kape ako sa isang araw. adik na ako sa kape at sayo. (char haha)
kahit anong klaseng timpla, iniinom ko naman. pero alam mo kung ano ang pinaka gusto ko? yung tama lang.


hindi masyadong mainit, na kunting mali mo lang sisigawan kana. ayoko no'n, sensitive kasi akong tao — mababaw ang luha, iyong kalmado lang. hindi rin malamig, gusto ko yung ipaparamdam saakin na importante ako.


ayoko ng sobrang tamis. sabi nga nila masama ang sobra. baka sa sobrang tamis sa umpisa lang, tapos kapag tumagal — wala na. kapag matabang naman, parang ang lungkot, walang buhay.


gusto ko yung tama lang din sa tapang. yung kaya akong ipaglaban at protektahan.


tapos gusto ko rin pala ng may creamer. para hindi mapait — sakto lang.

mga salitang pumasok sa isip ko habang nagkakape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon