Kabanata 5 -

5 2 1
                                    

Rubilyn's pov

Unti unting napuno ang kanilang silid aralan, agad na tinanong ni Merlinda sina Jezy tungkol sa nangyari at natuklasan nila kagabi. Inantay nilang lumabas si Jetpherson bago mag simula.

Kinuha nila ang mga phone nila at ipinakita sa kanila ang mga litrato. Dahan-dahan nilang binasa ang mga ito at nagulat sa mga nalaman nila.

"Sino si Anthony?" Tanong ni Niña. "Di ba na kwento sayo ng kuya mo dati Jezy?" Dagdag pa niya.

"Hindi ko siya kilala pero... Dati narinig ko si kuya na may kausap sa phone, nabanggit niya yung pangalan na Anthony." Paliwanag niya.

"Anong pinag-uusapan nila? Tanong naman ni Clouie.

"Talaga bang makakakuha ako ng scholarship pag pumayag ako Sir Anthony? Ayan ang mga sinabi niya." Sagot nito.

"Sir? Ibig-sabihin teacher?" Dagdag na tanong ni Gian.

"Parang kilala ko—diba kilala natin yon!?" Tanong naman ni Samantha kila Dayshaun at Kerwyn. "Siya yung anak ni Ma'am Ging diba?" Dagdag nito.

"Yung nakita natin nung grade 7 tayo?" Paglilinaw ni Dayshaun at sumang-ayon naman si Samantha.

"Ah oo! Diba nasa provincial branch siya?" Dagdag ni Gian.

"Ano ba itsura non? Baka makita natin dito." Tanong ni Merlinda.

"Matangkad, pogi, medyo matanda." Pag de-describe ni Dayshaun.

"Uy weh ba pogi?" Nakangiting tanong naman ni Merlinda.

"Ayos tayo dito Merlinda Gomez." Sagot naman sa kanya ni Kate.

Pumasok na ang kanilang guro pati na din si Jetpherson kaya naman bumalik na sila sa kanya kanyang upuan.

"Good afternoon B6. I have something to announce. Magkakaroon po tayo ng event para sa science month." Panimula ni Mr. Villon. "The winners will be rewarded with extra points. Try your best to win, I heard you have the most demerits." Dagdag niya at tumawa pa nang nakakainis.

3rd person's pov

"Galing talaga mamahiya nito eh." Isip ni Clouie.

Hindi naman napigilan ni Cha na umirap dahil sa sinabi ng kanilang guro. "Pag kami nanalo dito..." Isip pa nito.

Nagturo na ang kanilang guro at nakinig naman ang lahat upang hindi na madagdagan ang kanilang demerits. Lahat sila ay gustong pumasa at madiskubre ang maitim na lihim ng paaralan nila. Ngunit, hindi nila maiwasang maramdaman ang mga matang laging nagmamasid, nakatingin sa kanilang bawat galaw.

Pagkatapos nang pagtuturo ng guro ay nag pa-eksaminasyon ito.

"Very good! Jetpherson, perfect score! Bat hindi niyo siya gayahin?" Pagkukumpara pa ng guro.

"Luh eh kitang kita naming lahat na nandaya siya!" Isip ni Marzetti.

Lumabas na ang kanilang guro at muli nanamang nawalan ng kuryente.

Rubilyn's pov

"Pagkakataon ko na!" Isip ko at magsaslita na sana nang maalala ko na nasa loob pa pala si Jetpherson. Galit kong sinuntok ang lamesa at inantay bumalik ang kuryente. "Kung hindi lang sana monitored ng school ang accounts ko nasabi ko na sa inyo anong mga kahayupan ang pwedeng mangyari sa inyo dito!" Isip kong muli.

Nang bumalik ang kuryente ay nakahandusay na sa sahig si Chesvin.

"Ahh!" Sigawan ng mga estudyante nang makita nila itong walang malay.

"Chesvin!" Lumapit sila sa kanya at sinubukan itong gisingin.

"Anong nangyari?!" Galit na sigaw ni Merlinda.

Biglang bumukas nag pinto at pumasok si ma'am Wendy

"B6! Bat ang ingay— Anong nangyari dito!?" Kaagad na isinara ng guro ang pinto.

"Hindi po namin alam ma'am— nawalan po kasi ng kuryente tapos pagbalik wala na siyang malay!" Tarantang sagot ni Jennyze.

"Dalhin muna natin siya sa clinic."

Lumabas sila John Mark at ma'am Wendy upang dalhin si Chesvin sa clinic.

John's pov

"Ma'am, there's a mole on our backs." Bulong ko kay ma'am. Alam kong espiya si Jet at alam ko ding siya ang gumawa nito kay Chesvin. Nakwento din samin nila Karl ang pagtulong ni ma'am sa kanila kaya naman alam kong kakampi namin siya. Sana lang ay hindi kami nagkakamali ng pinagkakatiwalaan.

"Wag kayong magpadalos-dalos, tignan mo ang nangyari ngayon." Patungkol ni ma'am kay Chesvin.

"May dapat pa kayong malaman ma'am, about kay Sir—"

Pagpasok namin sa clinic ay may isang lalaki na nakaupo.

"Sir Anthony— ibaba mo muna siya doon." Utos sakin ni ma'am kaya inihiga ko muna si Chesvin sa kama.

"Ano nangyari sa kanya?" Sagot ng lalaki at tinignan ang kalagayan ni Chesvin.

"Teka—Anthony?!" Isip ko nang sabihin ito ni ma'am.

"Bigla na lang daw nahimatay sir." Sagot sa kanya ni ma'am.

Unang tingin pa lang sa lalaki na ito alam ko ng may kakaiba sa kanya. Sa likod ng mga ngiti niya ay may masasama siyang balak.

"Iwan niyo muna siya dito, ako na ang bahala sa kanya." Ngumiti naman ito.

"Maraming salamat po sir, halika na John—"

"Ma'am gusto ko pong bantayan si Chesvin. Nag-aalala po ako sa kanya." Putol ko kay ma'am. Kahit na natatakot ako sa lalaking ito ay hindi ko pwedeng pabayaang mag isa si Chesvin sa kanya!

"Ganun ba? Sige, dito ka na muna. Sir pakibantayan na lang po sila." At lumabas na siya.

Tila hindi ako makagalaw sa lamig ng tingin sakin ng lalaking ito. Nanlalamig ang buong pagkatao ko. Anong dahilan mo para tratuhin ang mga estudyante mo na parang mga laruan?!

"So, what's your name?" Halos mangilabot ang buong pagkatao ko sa boses nitong napakalamig at nakakatindig balahibo.

3rd person's pov

Bumukas ang pintuan at pumasok si Ma'am Wendy.

"Nasaan po si John?" Tanong ni Nick dito.

"Gusto daw niyang bantayan si Chesvin, mukang nag-aalala talaga siya kaya pinaiwan ko na kasama si Sir Anthony." Sagot nito at natahimik ang lahat. "Bakit may problema ba?" Dagdag pa nito.

Nagsulat naman si Cha sa papel at palihim na ipinakita kay Ma'am Wendy.

"Palabasin niyo po si Jet."

"Wala? Sige start na tayo ng lesson— ay naiwan ko pala yung laptop ko, pwedeng pakikuha muna Jet?" Utos ni ma'am sa kanya.

Nang makalabas na si Jet ay kaagad na nag salita si Marzetti.

"Ma'am Wendy dapat hindi niyo iniwan si John kay Sir Anthony!" Panimula nito.

"Bakit—"

Kaagad na pinakita ni Shane ang mga nakuha nilang litrato sa library. Nanlaki ang mga mata ni Ma'am Wendy at biglang bumukas ang pinto kaya itinago nila agad cellphone at tumahimik.

"Thank you, Jet. Start na tayo ng lesson."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

B6 11 - Unang TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon