Effort is attractive.---*
Cohen
"I know you hate family gatherings especially mine but I don't have a choice." paliwanag ni Aleya dahil nahalata siguro nito na badmood sya simula ng sabihin nito sa kanya ang dinner yun after ng klase nila kanila.
Hindi sya kumibo sa sinabi ni Aleya nang makababa sila sa helicopter. Nagpatawag ng family dinner ang matandang Zobel kaya kailangan nilang pumunta. Makikita nya na naman ang magulang at mga kamag-anak ni Aleya. As usual hindi sya gusto ng mga ito para kay Aleya dahil bukod sa babae sya, ay isa rin sa dahilan ang pinili nyang propesyon. Libangan lang sa mga ito ang photography at hindi kumikita ng milyones sa isang araw.
May trauma na nga sya sa pamilya nya dumagdag pa ang ilang member ng pamilya ng asawa nya, sa ilang beses na naka-attend sya sa family gatherings ng mga Zobel. Lolo at father lang ni Aleya ang kumakausap sa kanya, sa mga pinsan naman nito ay si Bernard at Luzio lang dahil madalas syang iwan ni Aleya sa ere kapag minamaliit sya ng ibang family members nito. Well yun siguro ang parusa sa kanya dahil sa pinili nyang desisyon sa buhay.
Inalalayan nya munang makasakay si Aleya sa kotse bago sya sumakay. Tahimik lang sya sa durasyon ng byahe nilang mag-asawa habang sinusulyapan sila ng driver ng pamilya. Naiinis sya dahil kailangan nya magtiis buong weekend kasama ang mga ito. Buti na nga lang at pumapayag si Don Alejandro na magstay sya sa cabin kesa sa guest room sa loob ng mansyon kaya kahit konting oras ay nakakaiwas sya sa pamilya ng asawa nya. Pagdating nila sa mansyon ay nandoon na ang ibang kamag-anak nito na hindi sya pinapansin.
Napabuntong-hininga na lang sya. Wala naman syang choice kundi magpakatatag, hindi pa ba sya sanay sa ganoong treatment? sa sariling pamilya pa lang nya dapat immune na sya. Tahimik lang sya sa isang tabi habang nakikipag-kamustahan si Aleya sa ibang kamag-anak nito. Nilapitan sya ni Alfonzo Zobel na ama nang asawa, binati at kinamusta nito ang pag-aaral nya kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya dahil hindi sya mukhang tanga na nakatayo sa gilid.
"Hi daddy.." bati ni Aleya na ikinatingin nilang dalawang na nag-uusap. Humalik ito sa pisngi ng tatay nito bago tumabi sa kanya."Maupo na tayo sa dining table." masuyong ani ng asawa nya sa kanya na ikinatingin dito ng sariling tatay nito na halatang nagulat sa inakto ng anak nito, gusto nya sanang sabihin na same. "Dad tawag ka ni Grandpa." baling ni Aleya sa ama na nagpaalam na sa kanila.Pagkaupo nilang dalawa sa dining ay agad syang uminum ng tubig dahil pakiramdam nya ay naninikip na ang dibdib nya. Nagkakaroon na ata sya ng panic attack dahil lang sa gatherings ng mga Zobel.
Ilang beses syang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Naramdaman nya na lang na hinahaplos ni Aleya ang likod nya."Are you okay? You look tensed." nag-aalalang bulong nito sa kanya dahil nagsi-upo na din sa mahabang dining table ang ilang kamag-anak nito. "I'm fine." pilit syang ngumiti kay Aleya na kunot pa rin ang noo.
"Smile honey.." bulong nya sa asawa at pasimpleng lumingon sa mga kasama nila sa mesa."Ayokong isipin nila na nag-aaway tayo." dagdag nya. Umayos nang upo si Aleya na katabi si Luzio tapos si Bernard na bumati nang makita sya. Nasa bandang dulo sila at nasa pinaka-kabisera ang lolo nito at sa kabila naman ang tatay nito kaya kaharap nya ang mommy ni Aleya na kapag napapatingin sa kanya ay halata sa mukha ang disappointment. Malapit nang matapos ang dinner nila ng kinamusta sila ng matanda, naikwento ni Aleya na may bahay na sila na ikinatuwa ng lolo nito.
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Любовные романы"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel