Chapter 4

2.3K 112 122
                                    

Sushi

As if I waited so much for it, Saturday came quickly.

Maaga pa lang ay nakagayak na ako. Wearing a plain black shirt and some comfortable pants, I watched myself in front of a human sized mirror inside my room. My short hair was neatly styled and the dogtag pendant of my necklace was dangling on my chest. Kinapa ko ang munting guhit na linya sa kaliwang kilay ko. It was a scar that I got from the accident. Babalik pa kaya 'to sa dati?

I stood straight and watched my reflection. I am not using an arm sling anymore. At maayos ko na ring naigagalaw ang braso ko. Namulsa ako at mas pinakatitigan ang sarili sa salamin. I smirked and tilted my head a bit. Tanginang kagwapuhan 'to. Bigla nalang ako nagiging teary-eyed.

"Kanina ka pa?" Tanong ko kay Rael nang makitang nasa sala na siya pagkababa ko.

"Kadarating ko lang." He said in his usual distant voice.

Tumango ako at lumapit na. My eyes narrowed at him as I walked closer. Nanatili kasi siyang nakatayo kahit na pwedi namang maupo na siya. At ang dalang sling bag ay nakasukbit pa rin sa katawan niya kahit may natatanaw na akong ilang printed handouts na nakapatong na sa coffee table.

He's wearing a pastel green long sleeve shirt and wide leg faded pants. May suot rin siyang itim na cap at itim na digital wrist watch. Pati ang puting sapatos niya ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Bihis na bihis ang lolo niyo. Halatang dumaan lang siya rito at may ibang pupuntahan pa base sa ayos niya.

Ano 'yan? Does he have a date? Sino? Si Jennifer ba? At saan?

"May lakad ka?" Tanong ko. I'm not curious, though. I just want to know.

Tumango siya. Seryoso at buo ang loob. "Yeah, I have an errand—"

"How about me?" Agap ko.

Natigilan siya. He then crossed his arms and watched me like I'm a kid who's about to have tantrums. Tinuro niya ang nakapatong na handouts sa lamesa.

"You have to read the modules I printed out last night. I already highlighted the key words so you could digest it easily. Pagbalik ko, bibigyan kita ng seatwork." He explained.

Humalukipkip ako. "You're not here to supervise me?"

"Babalik naman ako—"

My brows furrowed. "But you're not gonna be here to watch over me?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ano ka? Bata?"

I pursed my lips. Tingnan mo 'to. Tinatanong ng maayos pero ang barumbado ng sagot. Hindi ko na siya pinatulan pa dahil baka kung saan pa kami umabot. I am in a good mood today and I wouldn't let him ruin it. Kinuha ko ang handouts bago ako umupo sa sofa. Tumikhim rin ako at kunwaring sinuri ang mga iyon kahit na wala namang pumapasok sa utak ko.

"Saan ang lakad mo?"

Halatang may date ang gago. Saan? Sa may echo park kaya? Or doon sa may mangrove? O baka naman sa lawa? Tutal doon kadalasan naglalagi ang mga batang-hamog na kagaya niya.

Nag-angat ako ng tingin dahil wala akong natanggap na tugon mula sa kanya. At mas lalo lang akong nainis nang makitang abala na siya sa pagpindot-pindot ng cellphone niya. Akala mo hindi ko tinatanong, e.

"Pupunta ako sa gubat, Benj." Sagot ko sa sariling tanong. Sarcasm is dripping on my voice, I couldn't help it since my tutor is treating me like a wind. "May date ako kasama ang mga unggoy..."

"What?" Bahagya siyang napangisi at sinipat ako. Mabilis nga lang. His eyes immediately dropped on his phone like there was something very interesting in it. "I don't have a date, Ferrera. I just need to deliver the cakes that my mother baked last night. Mga dalawang oras lang akong mawawala. Babalikan din kaagad kita rito..."

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon