Enjoy reading!
*****
𝒉𝒐𝒍𝒅 𝒎𝒆 𝒏𝒊𝒄𝒆𝒍𝒚
𝒇𝒐𝒓 𝑰 𝒂𝒎 𝒖𝒏𝒍𝒐𝒗𝒆𝒍𝒚.I want to be loved, but how? if i know that i am hard to love.
———————————————
*TIT TIT TIT TIT*
Pilit kong iminulat ang aking mga mata at pinatay ang alarm clock ko. Pagkatapos ay naupo muna para mas lalong magising ang diwa ko..
Miyerkules ngayon, at ngayon ang araw kung kailan ako susunduin ni Dad iuuwi niya na ako sakaniya sa probinsiya.
I'm currently staying at manila alone with my sisters, ako ang bunso. Si Dad na lang ang parents ko, Our Mom died and after that a lot had happened. Kailangang umalis ng dad ko para mag work.
Ngayong nagkaproblema, nag pumilit akong mag pasundo sakaniya tss, ang hirap kasi ng sitwasyon dito.
"Oh, Narih gising ka na pala. Nakapag ayos kana ba ng mga gamit mo? Mamaya lang ay nandito na sila Dad para sunduin ka." Si ate Cleih. Siya agad ang bumungad saakin pagkalabas ko ng kwarto siya ang panganay saamin.
"Mhm, huwag mo ako mamimiss ah?" Biro ko sakaniya.
"Che!" Singhal nito saakin. Naupo ako sa hapagkainan ng makita kong handa na ang agahan, princess treatment hehe!
"Ate Cleih, asan si ate Jaehl?" Tanong ko habang kumukuha ng pagkain.
Kadalasan ay mas nauuna pang magising saakin ang pangalawa kong kapatid. Ang tawagan pa nga namin sa isa't isa ay Uno, Dos, Tres.
"Tulog pa ‘yon, at siguradong nag puyat iyon kagabi."
After that ay wala nang kumibo saamin at nag patuloy na lamang kami sa pag kain. Pagkakain ko ay bumalik na ako sa kwarto para mag ayos, ilang minuto pa ay dumating na sila Dad.
"Oh siya sige, mauuna na kami ha? Nang hindi kami gabihin sa biyahe. Mag iingat kayong dalawa ni Jaehl dito." Anu ni dad kay ate cleih.
"Opo" Sagot niya tsaka bumaling saakin. "Mag iingat ka ha? Magtext ka palagi kay ate, hmm?" Maluhaluha pang bilin nito.
Hindi na kami nakapagpaalam kay ate Jaehl, hindi na namin ginising.
Wala naman akong ginawa sa biyahe kundi ang matulog, nang makarating kami sa probinsiya ay gabi na kaya naman ay na tulog na rin ako dahil bukas ay mag babalik eskwela na ako sa dati ko ring paaralan at sigurado namiss ako ng mga kaibigan ko roon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag ayos, pag katapos ay hinatid na ako ni Dad sa school.
YOU ARE READING
She Loves Books, I Love Her.
RomansaNarih suffered on her past that's why she cares more to others than herself-until she met Samuel. Samuel is known for being a playboy but when he met Narih, she stopped and turn his eyes only to Narih.