Love means slowly losing your mind.---*
Nagising si Aleya dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng cabin. Kinurap nya ang mga mata saka tinignan si Cohen na mahimbing na natutulog, nakaunan sya sa braso nito habang nakadantay ang isang binti nya sa katawan nito. Hinila nya ang kumot pataas na bumaba na sa hubad nilang katawan.
Tinapik nya sa balikat ang asawa, nakalimutan nya magset ng alarm kagabi dahil nakatulog na lang sya sa pagod. "Cohen wake up.." paos ang boses na ani nya at tumukod, ungol lang ang sinagot sa kanya ni Cohen na tumagilid ng harap sa kanya at niyakap sya."What time is it?" tanong nito na nanatiling nakapikit. Dumampot sya ng cellphone sa side table para tignan ang oras pero naagaw ang atensyon nya dahil may mga messages at tawag ito galing kay Tara.
Hindi na sya nagpaalam at binuksan ang phone nito para basahin ang text ng kaklase nya.
- Diko alam kung anong dahilan para itigil mo yung bagay na dati mo pang ginagawa para sakin.
-Please talk to me. I know you still cares and love me. Same here baby.
How sweet..baby pa daw ang tawagan.
Napatingin sya kay Cohen na nakapikit pa rin. Alam nyang walang dahilan para magalit sya pero nag-uumpisa nang magbago ang maganda nyang mood. Muli syang nagbasa dahil ang daming text ni Tara na hindi man lang nila narinig, saglit nyang tinignan kung bakit at na-confirm ang hinala nya dahil naka-silent ang phone ni Cohen buong magdamag.
- We can still fix our relationship? Baka gusto mo pumunta sa condo ko sa sunday?
"Aleya?" Tawag sa kanya ni Cohen pero hindi nya ito pinansin at patuloy lang sa pagbabasa. Hinaplos nito ang likod nya pero inalis nya ang kamay nito.Kumunot ang noo nito at napatingin sa hawak nyang phone. Napailing na lang ito sa kanya.
- Call me when you read my messages. I'll wait for you.
Napapikit sya ng mariin at pinigilan ang sarili na awayin si Cohen pero hindi nya na maitago ang inis. Akmang ibabalik nya ang cellphone nito sa side table nang magflash sa screen ang pangalan ni Tara na tumatawag. Pinakita nya yun kay Cohen.
"Kabit mo tumatawag." Ani nya pero umismid lang si Cohen."Wala akong kabit." akmang kukunin nito ang phone nito nang sagutin nya yun at i-loudspeaker.
"Hello baby.. buti sinagot muna kagabi pa ko nagmemessage at tumatawag sayo." lintaya agad ni Tara sa kabilang linya.
"Girlfriend nya to." Sagot nya habang nakatingin ng masama kay Cohen na tinawanan sya.
"I don't believe you..Where is she?"
"Nasa tabi ko."
"Where is she?" Hindi pa rin ito naniniwala sa kanya kaya tinapat nya kay Cohen ang cellphone."Hi Tara.." bati ng asawa nya na sinenyasan na syang patayin na ang tawag pero hindi nya ito pinansin.
"Tigilan muna si Cohen sa susunod na tumawag ka hindi mo magugustuhan ang maririnig mo." galit na ani sabi nya at saka pinatay ang tawag. Kinuha ni Cohen ang phone nito at binalik sa mesa.
BINABASA MO ANG
St.Sebastian Series: Aleya Zobel
Romance"The only thing that I am curious about is... are you straight?" - Cohen Avenida "Depende kung gaano ka kagaling mang-akit." - Aleya Zobel