Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Sa wakas, natapos na rin ang kalbaryo ng peak season. Ilang companies at corporations ang pinuntahan namin for auditing at talagang halos walang pahinga kami sa team dahil sa sunud-sunod na deadline. Ngayong natapos na rin ang sa huling company rito sa Laguna, gusto ko na lang makauwi at matulog sa kama forever...
Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa hotel na tinitigilan namin nang biglang may walang pasabing pumasok sa kwarto ko.
"Bela! Tara inom!!!!!!"
Si Twinkle na katulad kong bago lang sa team ang walang hiyang tumalon pa sa kama ko.
"Kapagod, Twinkle. Uuwi muna ako," pagtanggi ko sa anyaya niya.
"Luh. Kawawa naman ako."
Pumwesto siya paharap sa akin. Nasa baba kasi ako ng kama, nag-aayos. Humarap siya at nag-puppy face.
Ayoko! Mas gusto ko talagang matulog kasi halos 2 months na 3-4 hours lang tulog namin. Although nakaka-miss nga namang uminom, hahaha, nakalimutan ko na ang lasa ng beer, gusto ko muna ng me-time kasama ang malambot kong kama~
"Sorry, Twinkle. It's me-time muna. Alam mo naming ganan ang gawain ko."
"Tsk. Okay. Pero, next week ah!! Tama na ang me-time mo. Inom us."
Hay nako. Di talaga nagpatalo.
Tumango na lamang ako at pumayag sa kagustuhan nito para matapos na. Kagandahan naman sa firm namin, mabait ang bosses kaya may 2-week break kami palagi after peak season. Ehem, paid break!
Natapos na kaming lahat sa pag-aayos ng kanya-kanyang gamit. Bumaba na kami ng hotel dahil nakaabang na raw ang shuttle namin pabalik ng firm sa Taguig.
Sa ilang oras na byahe, napili muna naming matulog.
"Beh, huy gising!"
Nagising ako sa kalagitnaan ng byahe dahil sa malakas na pag-alog sa akin ni Twinkle.
"Bela, huy! Ingay ng phone mo!"
"Teka. Sorry."
Napaayos ako ng upo. Gusto kong sumigaw kasi biglang sumakit ang ulo ko dahil sa biglaang paggising tapos inalog-alog pa ni Twinkle. Jusq.
Sino namang natawag sa'kin? Akala ko, naka-DND ako...
Babi calling...
AY, SHT.
---
rya | 20 yrs old
am back to restore balance to the world
Galing sa breakup sa isang toxic relationship 1 month ago, galing sa may nakausap na may iba palang habol, galing sa mga lalaking walang ibang ginusto kundi ang gamitin ka para sa sariling kapakanan.
Pero... hahaha... Ito po tayo, patuloy sa pagkausap.
Ewan ko ba.
Wala lang ba akong makausap? Bored? Walang magawa dahil break sa school?
Nandito na naman ako sa parang dating app na hindi... Well, pwede naman kasi na makipagkaibigan lang. Sus, Bela. Baka may hinahanap ka? Panibagong lalaki kuno na sa umpisa lang magaling.
Alam mo na naman pala? Sa umpisa lang magagaling ang mga lalaki. Tapos maya-maya, magtatanong na 'yan kung may experience ka. Makikipag-meet tapos may gustong gawin na iba...
Kapagod.
Sige. Tambay muna ako here. Post-post lang pang-clout. Pampataas ng confidence.
Nahiga ako sa salas at bored na nanood ng TV kasabay ng pakikipag-usap sa walang kwenta kausap na naka-match.
YOU ARE READING
4 you
General FictionHi, Babi <3 Happy 4 months of knowing each other's existence HAHAHA.