Chapter 31
Ara's POV
"Ara. Pano na yan? Nakalimutan na ni clary yung lahat ng samahan natin? Ugggh!" Humahagulgol na rin ngayon si Mikah.
"Then. I guess we'll start all over again." Sabi ko. Pare-parehas lang naman kaming nasaktan pero kami lang ata ni Mark, Kuya Chris, Kuya Jace, Tatay ni Clary at ako yung hindi umiiyak.
Naiiyak pero ayaw naming maiyak kasi pang- hihinaan kami ng loob.
"Hey. Ara, are you listening to me?" Nagulat na lang ako nung kinaka usap pala ako ni mark.
"Ah- Eh. Ano ba sabi mo?" Lutang na naman ako.
"I said. Are you going to tell this to That bullsh*t man?" sabi cni mark sabay gulo sa buhok na para bang naiinis siya.
to be honest, di ko alam kung sasabihin ko ba. DI KO TALAGA ALAM. i know, sabi ko di ko na sasabihin pa to kay Jamie. Eh kaso, siguro pwede ko naman sabihin to sa kanya kasi kaibigan pa rin naman namin siya. Diba?
"Di ko alam mark eh. Kaibigan pa rin naman natin siya eh. diba? Ikaw ba? Dapat ko bang sabihin sa kanya to?" tanong ko sa kanya, mas mabuti na rin tong nag tatanong para sure.
"NO." diretso niyang sabi. With authority pa.
"Bakit naman?" i asked.
"I said no." sabi niya sabay walk out.
Okay! fine. pero still kaibigan pa rin naman namin siya kaya may karapatan pa rin naman siya malaman yung nangyayari ngayon kay clary. Pero sabi nga ni Mark, AYAW NIYA.
Binalik ko na lang yung tingin ko kay clary, ayun nandun silang lahat naka palibot sa kanya, nag papakilala at nakiki pagkwentuhan.
Sana clary, kahit konti lang may bumalik sa mga ala-ala mo. KAHIT KONTI LANG.
Kuya Jace's POV
Kahit kina-kain na ako ng galit dahil kay jamie. Ayokong mag padala sa galit. ILALAYO naman namin si clary sa kanya eh. Magdusa siya.
"oh! Hi clary! Well ako nga pala yung pina-pogi mong kuya haha!" sabi ko kay clary sabay kindat sa kanya
"Ah-Eh. Hi Kuya Jace! Sorry ah, di na kita makilala. Sorry talaga kuya." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Putcha naman oh! Ayoko ng ganto, di ako sanay ng ganto. Letse, naiiyak na naman ako.
"Wag ka na mag sorry clary. Wala namang may gusto na maaksidente ka at magkaroon ng amnesia." sabi ko habang lumalapit kay clary at saka siya niyakap ng sobrang mahigpit.
"Thanks for this very warm hug, kuya." sabi niya sakin at saka kumalas sa yakap.
sunod namang nag pakilala si Kuya Chris. sunod yung mga pamangkin niya samin.
Bwiset! ayoko ng ganto. Namimiss ko agad yung dati. Maka-labas na nga lang.
Gag*ng jamie kasi eh! Dapat pala nung una palang pinigilan na namin sila, edi sana di to nangyayari ngayon. Ano ba kasi pumasok sa kukote ng lalaking yun at naisip niyang saktan ng ganto si clary? Di deserve ni clary yung ganto eh. Mabait siyang kapatid, tita, anak, kaibigan at mabait siyang tao.
Sana si Jamie na lang yung naaksidente.
Sana si Jamie na lang yung nag ka-amnesia.
Sana si Jamie na lang yung nakahiga dun sa kama na hinihigaan ngayon ni clary.
SANA SIYA NA LANG.
Sa dami kong iniisip, di ko namalayan naka rating na ako dun 7-11 sa ground floor ng ospital kung nasaan si clary ngayon.
Putcha. Anong ginagawa ng lalaking yan dito?!
"Long time no see kuya Jace." Sabi niya sakin habang naka ngiti ng paasar.
"Ga*o! Ano ginagawa mo dito?! Mangbu-bwisit ka na naman?!" Sigaw ko sa kanya.
"Nabalitaan ko yung nangyari kay clary. Kaya ako umuwi ng Pilipinas" he said.
Di ko na lang siya pinansin, tuloy tuloy lang akong naglakad. Nung nalagpasan ko na siya bigla niyang hinawakan yung braso ko at saka nag salita
"Ano bang nangyari kay clary?" Sabi niya
"It's none of your business." Sabi ko.
"Kahit as a friend lang naman kuya. Tell me, what happened?" He asked me again.
Di pa rin ako sumasagot. Pagod na pagod na ako eh. Ang sakit na ng ulo ko. And dami dami ko ng iniisip. Kaya ayoko nang may dumating pang bwiset sa buhay namin.
"Kuya! Tell me!" Wow, siya pa ang may ganang sigawan ako ah.
Humarap ako sa kanya at saka siya sinuntok sa mukha.
"Isa ka rin palang Bullsh*t eh! May amnesia na ngayon si clary! She doesn't remember anything! Kahit katiting wala! At saka isa pa..." Tumigil muna ako sa pag sasalita at saka huminga ng malalim.
"It's already none of your business simula nung sinaktan mo siya. Kaya maawa ka sa kanya! Layu-layuan mo siya, William!" Sigaw ko sa kanya at saka tuluyan ng umalis.
Clary's POV
Ang lungkot ng feeling ko ngayon. Sobrang lungkot. Kasi kahit di nila ipakita sakin, ramdam ko naman na nahihirapan, nasasaktan at gustong gusto na nilang umiyak dahil sa nangyari sakin.
Kahit wala na akong memorya about sa past ko, I still feel na para bang may kulang. Pero di ko alam kung ano yun.
Pero kahit papaano, masaya rin ako ng konti kasi medyo kilala ko na sila.
Si Mama Krysta, sabi nila Close na close daw kami ni Mama dati.
Si Papa naman daw, Sobrang workaholic.
Si Kuya Chris, sabi niya siya daw ang pinaka macho kong kuya. Siniko pa nga siya ni kuya Jace nung sinabi niya yun eh hahaha.
Tapos si Kuya Jace naman, siya daw yung halos pinaka close kong kuya. Siya rin daw yung pinaka strict at pogi kong kuya.
Syempre nandito rin sila Tofer, Jennie at Klarissa, sila daw yung pinaka magaganda't pogi kong mga pamangkin.
And last but not the least, Si ara, mikah at mark. Sabi nila ang tawag ko daw sa kanila dati ay 'Ara and Friends', natawa nga ako nung nalaman ko yun eh. May pagka- loko loko rin pala ako dati. At sila daw ang Ultimate Bestfriends ko.
Hays, paano kaya kami dati? Paano kaya kami mag bonding? Gaano kaya kami kasaya dati? Paano kaya kung di ako naaksidente at nagkaroon ng amnesia?
Tapos dinescribe nila yung dating ako. Sabi nila mabait daw akong tao. Halos lahat raw na sakin na. Mabait daw akong tita, anak, kapatid, kamag anak at kaibigan. Sabi nila sobra din daw akong mapag bigay at maaawain. Kada makakakita nga daw ako pulubi binibigyan ko daw lagi ng pagkain. Ganon daw ako kabait. At Syempre maganda rin daw ako dati.
Sabi nila, Meron daw akong boyfriend, na niloko, pina iyak at sinaktan lang ako. Siya rin daw yung dahilan kung bakit ako naaksidente at nag ka amnesia. I asked them the name of that man. Pero parang nag dalawang isip pa sila kung sasabihin ba nila sakin o hindi. Sa huli, sinabi rin nila sakin. Sabi nila:
"His name is Jamie Domingo. But promise us first. Na pag nakita mo na siya. Don't you dare fall in love with him again."
--
AN: SORRY! Late at maiksi yung UD ko ngayon. Hehe sorry.
Commentsssss!
Read
Comment
Vote!
Twitter: @Abe_Zirt
IG: Zirt24
:))
BINABASA MO ANG
MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINE
Teen FictionAnong reaction mo kung ang best friend mo nung highschool ay naging Gangster? From being the school's prince to a gangster. Anong gagawin mo kung ikaw pala ang dahilan ng pagiging gangster niya? Subaybayan ang Love story ni Clary at Jamie. (JaDine)